Monday, April 18, 2011

'Minsan Lang Kita Iibigin' Marathon Special Ngayong Semana Santa

Namiss niyo ba ang mga naunang episodes ng high-rating seris na “Minsan Lang Kita Iibigin”? Huwag magalala dahil isang pambihirang pagkakataon ang handog ng ABS-CBN ngayong Semana Santa sa mga Kapamilya viewers.

Tampok ang “Minsan Lang Kita Iibigin” marathon special simula April 22 hanggang 24, 8:30 ng gabi, mapapanood ng mga masugid na taga-subaybay ng naturang programa ang pilot week nito hanggang sa episode nito noong Biyernes.

Samantala, hinirang bilang Prince of Philippine Movies noong nakaraang Box Office Entertainment awards ng Guillermo Mendoza Memorial Foundation angbida ng Minsan Lang Kita Iibihin na si Coco Martin para sa kanyang pelikulang “Noy.”

“Siyempre po masarap sa pakiramdam lalo na’t may nakakapansin sa pinaghihirapan po namin,” pahayag ni Coco.

Idineklara namang Most promising Female Star ang katambal nitong si Andi Eigenmann sa parehong award-giving body.

Huwag palampasin ang pambihirang pagkakataong ito. Tumutok sa ABS-CBN ang panoorin ang special marathon ng ‘Minsan Lang Kita Iibigin’ ngayong Semana Santa, 8:30 ng gabi.