Thursday, June 9, 2011

Human Sexuality Expert Dr. Agnes Bueno Haharap Kay Boy Abunda

Sa pagsisimula ng rainy season, inihahandog ng award-winning Public Affairs Talk-Show na "The Bottomline with Boy Abunda" ang isang masaya, makabuluhan at interesanteng pag-uusap kasama ang Human Sexuality Expert na si Dr. Agnes Bueno.

Ngayong Sabado, ibabahagi ni Dr. Bueno ang kanyang kaalaman sa larangan ng pag-ibig, sex at pakikipag-relasyon. Bibigyang kasagutan din ang mga problema ng magkasintahan, mag-asawa, pamilya at lipunan. Gaano kahalaga ang sex sa matagumpay na pag-aasawa? Gaano kalaking isyu ang pagiging faithful ng mga partner? Pwede bang mabaliw dahil sa pag-ibig? Pag nakipagtalik ba ang straight na lalaki sa gay, nangangahulugan ba na bading na rin ito?

Tatalakayin din ang erectile dysfunction, fake orgasm, incest, sex education, STD, HIV, AIDS at diborsyo sa Pilipinas. Ang lahat ng yan at marami pang iba ang pag-uusapan ngayong Sabado ng gabi kasama ang award-winning host na si Boy Abunda sa The Bottomline.
Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com at sundan ang abscbndotcom sa Twitter.