Tuesday, June 7, 2011

Krusada ni Kuya Kim, Patigilin ang mga Naninigarilyo

Walo sa bawat sampung Pinoy ang nakakaubos ng halos isang pakete ng sigarilyo kada araw. Maski nagdudulot ito ng seryosong kumplikasyon sa kalusugan, patuloy pa rin ang kanilang adiksiyon na diumano’y nagpapawala ng stress sa tuwing sila’y hihithit at bubuga.

Paano nga ba mapapahinto sa paninigarilyo ang mga taong kinasanayan na at hindi na mabitiwan ang kanilang bisyo?

Ngayong Huwebes (Hunyo 9), tutulungan ni “Matanglawin” Kuya Kim Atienza ang mga chain smoker at iba pang mga naninigarilyo na tumigil sa kanilang bisyo sa “Krusada.”

Ang pagpanaw ng lolo dahil sa sakit na Lung Cancer sanhi ng paninigarilyo ang nagudyok kay Kuya Kim upang sugpuin ang problema ng paninigarilyo sa ating bansa. Sa kaniyang pagsama sa isang chain smoker sa pagpapatingin sa doktor, ano kaya ang makikita nilang resulta?

Alamin kay Kuya Kim kung anu-ano pa ang mga maaaring maging epekto ng sigarilyo sa katawan ng mga gumagamit nito, chain smoker man o mahina manigarilyo. Pati na ang epekto nito sa mga nakakalanghap lamang at biktima ng secong-hand smoking.

Dahil ang tunay na paninindigan ay hindi puro salita lamang, makinig, makisama at makiisa sa Krusadang ito ni Kim Atienza ngayong Huwebes, ika-9 ng Hunyo, pagkatapos ng “Bandila” sa ABS-CBN.