Friday, December 23, 2011

ABS-CBN Execs at Stars, Nakibahagi sa 'Operation Sendong'

Nakiisa kamakailan sa “Sagip Kapamilya: Operation Sendong” ang ilang top executives ng ABS-CBN Corporation sa pangunguna ng kanilang chairman at CEO Eugenio "Gabby" Lopez III at ABS-CBN Foundation managing director Gina Lopez sa pamamahagi ng relief goods sa Paaralang Sentral ng Hilaga sa Cagayan de Oro City, kung saan kasalukuyang nanunuluyan ang mahigit 800 pamilya na biktima ng pananalasa ng bagyong Sendong. Kasama sa pagdalaw ang ilang Kapamilya stars na sina Piolo Pascual, Maja Salvador at Enchong Dee.

Bago ang pagbisita ng ABS-CBN executives, ilang Kapamilya stars na rin ang nauna nang dumalaw at tumulong sa relief operations sa iba’t ibang bahagi ng CDO at Iligan tulad nina Kris Aquino, Anne Curtis, Cristine Reyes, Vice Ganda, Sam Milby, Diether Ocampo, Jake Cuenca, Maricar Reyes, Rafael Rosell, John Lloyd Cruz, Shaina Magdayao, Matteo Guidicelli at si ABS-CBN channel 2 head Cory Vidanes.

Sa pagdayo ng ABS-CBN stars, nakapaghatid sila ng tulong at pinasaya ang mga kapamilyang pinalungkot ng trahedya. Tumulong din ang ibang Kapamilya talents sa gabi-gabing “Sagip Kapamilya: Operation Sendong Telethon” na hangad mangalap ng donasyon at magbahagi ng impormasyon kaugnay ng mga bagong kaganapan sa mga lugar na sinalanta ng bagyo. Nakibahagi sa telethon sina JM de Guzman, Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, Julia Montes, at Robi Domingo, na matiyagang naghintay ng tawag mula sa donors mula sa Pilipinas at ibang bansa.

Sa huling tala noong Biyernes (Dec 22) ng 3 pm, nakalikom na ang “Sagip Kapamilya: Operation Sendong” ng kabuuang donasyon na P42.6 million kasama pa ang additional P2.1 million ‘worth of pledges.’ Sa parehong araw, iniulat rin ng Sagip Kapamilya na naserbisyuhan na ng programa ang humigit 63,000 katao o humigit kumulang 21,252 na pamilya.

Patuloy pa rin nangangalap ang “ABS-CBN Sagip Kapamilya: Operation Sendong” ng mga donasyon para maitulong sa mas marami pang nabiktima ng bagyo sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Maaring dalhin ang mga donasyong de-lata, bigas, noodles, biskwit, kape, asukal, damit, kumot, banig, at gamot sa Sagip Kapamilya, ABS-CBN Foundation Inc. Mother Ignacia cor. Eugenio Lopez St. Diliman, Quezon City; ABS-CBN Cagayan De Oro, Barangay Bulua, Cagayan De Oro City; at sa ABS-CBN Davao, Shrine Hills, Matina, Davao City.

Para naman sa mga cash donation, maaring magpadala ng tulong sa Banco de Oro (Sct. Albano, Quezon Ave., Quezon City Branch) sa pamamagitan ng account name na ABS-CBN Foundation Inc.-Sagip Kapamilya na may account number na 393-011-4199. Para sa international cash donations, ang BDO dollar account number ng Sagip Kapamilya ay 393-008-1622 na may ‘swift code’ na BNORPHMM.

Puwede ring madeposito ng donasyon sa pamamagitan ng PNB at BPI na kapwa may account name na ABS-CBN Foundation Inc.-Sagip Kapamilya. Ang account number sa PNB ay 419-539-5000-13; samantalang sa BPI (West Triangle, Quezon City Branch), 3051-1127-75. Ang BPI Dollar Account ay nakapangalan din sa ABS-CBN Foundation Inc.-Sagip Kapamilya at may account number na 3054-0270-35.