Thursday, December 22, 2011

P500,000 na Napanalunan ng Star Magic Artist sa HYY, Ido-Donate sa mga Biktima ng Bagyong Sendong

Hindi sukat-akalain ng Star Magic artist na si Chienna Filomeno na siya ang maglalaro sa jackpot round ng “Susi ng Kapalaran” sa “Happy Yipee Yehey!” Na-pressure man sa laro, lalo’t alam niyang ang salaping mapapanalunan ay mapupunta sa mga biktima ng bagyong Sendong, sinunod niya ang pakiramdam na gamitin ang susi, kaysa piliin ang P200,000 na inalok sa kanya ng HYY hosts. Sa kalahating milyong napanalunan, ang buong-pwersa na Star Magic ay marami nang matutulungan. Puspusan din ng kampanya ng karamihan sa kanila upang tulungan ang mga nasalanta ng bagyo. Trending naman sa Twitter ang kanilang pagka-panalo. Ilan sa mga nagniningningang Star Magic artists na lumahok din sa nasabing laro ay sina Dominic Ochoa, Guji Lorenzana, Japoy Lizardo, Kitkat, Kathryn Bernardo, Rap Fernandez, Igi Boy Flores, Makisig Morales at CJ Navato. Para sa mga updates, i-follow ang HYY sa Twitter, http://twitter.com/#!/hyyofficial.