Monday, January 31, 2011

CHAMP - 'HANGING HABAGAT' MUSIC VIDEO

ZANJOE MARUDO AT CRISTINE REYES, NAGBAGO ANG BUHAY DAHIL SA “KRISTINE”

Hindi na nga bumibitaw ang mga manonood sa mas tumitindi pang mga tagpo sa “Martha Cecilia’s Kristine.” At sa huling dalawang linggo ng pinakamainit na teleserye sa telebisyon, inaasahang mas tututukan pa ng buong bayan ang kahahantungan ng kuwento nina Bernard, Jewel, Lance, Diana, Marco, Scarlet, Nathaniel, at Jasmin.

Ngayong linggo, mahahanap nina Jewel (Cristine Reyes) at Bernard (Zanjoe Marudo) ang kanilang anak na si Baby Leonard. Patuloy din ang pagsisikap ni Jewel na maibalik ang kanyang mga nawalang alaala kaya nagdesisyon itong sumailalim sa isang hypnotic process.

Magbalik na kaya ang alaala ni Jewel? At anong gulo ang dadalhin ng pagbabalik ng kanyang mga alaala sa samahan nina Diana at Bernard? Iyan ang dapat subaybayan ng fans ng teleseryeng bumubuhay sa ating bawat gabi.

Samantala, nakakadama naman ng halo-halong emosyon ang mga bida ng “Kristine” sa nalalapit na pagtatapos ng programa. Ayon kay Zanjoe Marudo (Bernard), lubos na mamimiss niya ang mga nakatrabaho, mula sa artista hanggang sa staff and crew.

“Naging regular na ang Kristine sa buhay ko. Naging close ako sa kanilang lahat pati kina Direk. Masaya yung taping, kahit sino pwede ko makakuwentuhan at mapaglaruan,” paliwanag niya.

Sabi pa ni Z, napaka-memorable ang “Kristine” sa kaniya dahil bukod sa ito ang unang show na ganoon ka-daring, binubuo rin ito ng maraming baguhan na siyang nagdala sa programa.

“Sa Kristine, lahat kami hindi icon, o superstar na artista. Challenge kaagad kung paano namin mapapa-work yung show eh hindi kami sobrang celebrities. ‘Yung mga dating show ko kasi, madaming big stars. Kaya dito sa Kristine, mas pressured ako pero at the same time enjoy dahil dun sa trabaho,” pagbabahagi ng tinaguriang Prince of Passion.

Hindi rin daw niya malilimutan ang mga intriga na dumating sa kaniya sa “Kristine,” lalo na ang naging tampuhan nila ng leading lady na si Cristine Reyes (Jewel) sa Twitter dahil iyun ang naging simula ng kanilang pagkakaibigan.

“Dahil doon, mas naging kilala namin ang isa’t isa. Naging parte na rin siya ng buhay ko, ng sistema ko. Mami-miss ko yung pagiging masiyahain niya, makulit at matakaw,” masayang sinabi ni Z.

Hirit pa niya, mananatili naman daw siyang nasa tabi ni Cristine kahit matapos ang programa. “Kahit hindi na kami magkasama ni AA sa Kristine, Ako ang magiging tagapag-tanggol niya, ‘pag wala si Rayver. Hahaha!”

Si Cristine Reyes (Jewel) naman, sa kabila ng lungkot na mawalay sa mga katrabaho ay proud sa kinalabasan ng programa.

“Masaya naman ako dahil sa naging success ng show namin. Ngayon, bihira ko lang madinig na may tumatawag sa akin by “Cristine.” Halos lahat sila, “Jewel” ang tawag sa ’kin. Masaya ako na nagmarka sa kanila ang pagganap ko.” Dagdag pa ng Jewel of Romance, hindi lang career niya ang nagbago dahil sa show, kundi pati personal na buhay.

“Dahil sa Kristine, nagkaroon ako ng ng ibang pamilya. Si Tita Margarita (Irma Adlawan) na masungit kay Jewel sa serye, mabait kay Cristine sa tunay na buhay. Ganun din si Anna (Angel Jacob) parang nanay mag-alaga sa akin. Si Don Leon (Lito Legaspi) parang lolo sa pagbibigay ng advise. Pati nga si Alfon (Eric Fructuso) na kaaway sa serye, parang kuya sa tunay na buhay,” paliwanag niya.

Iba na rin daw ang lalim ng pagkakaibigan nila ng kaparehang si Zanjoe Marudo. “Nagpapasalamat ako na nakasama at nakapareha ko siya sa serye kasi marami akong natutunan sa kanya bilang artista at bilang tao,” pagtatapat ni Cristine.

Masaya naman ang dalawa dahil maski hindi sila nagkatuluyan sa totoong buhay ay matibay pa rin ang suporta ng manonood sa kanilang tambalan. Sabi nga ni Zanjoe, “Yun ang pinaka masayang pakiramdam dahil gusto nila kung paano niyo ginampanan yung characters. Minahal nila kami as Jewel at Bernard, saka bilang Cristine at Zanjoe.”

Samahan ang buong bayan sa pagtutok sa huling dalawang linggo ng “Martha Cecilia’s Kristine” pagkatapos ng “Imortal” sa ABS-CBN.

“PATROL NG PILIPINO,” MAY PASASABUGIN TUNGKOL SA SUNOD-SUNOD NA KRIMEN SA BANSA

Isang linggong problema ang kinaharap ng bansa nitong nakaraang linggo. Bukod sa patuloy na imbestigasyon sa mga kaso ng carnapping at pagpatay, nagimbal din ang bayan sa pagbobomba sa isang bus at ang pagbagsak ng gondola sa Eton Residences.

Naroon sa mga pinangyarihan ng insidente ang “Patrol ng Pilipino” upang ihatid ang buong kuwento sa dalawang malagim na insidente ngayong Martes (Feb 1) sa ABS-CBN.

Aalamin ni Jorge Cariño kung bakit sa kabila ng paghahanda ng gobyerno ay nakalusot pa rin ang pagpapasabog sa isang pampasaherong bus na kumitil ng limang buhay.

Si Sol Aragones naman ang maglalahad kung bakit tila hindi napapahalagahan ang kaligtasan ng mga trabahador sa mga gusali, gaya ng sampung binawian ng buhay sa construction sa Makati.

Ibabahagi rin ni Jeff Canoy ang detalye sa likod ng mga naganap na raid sa mga pinagtataguan ng nakaw na sasakyan.

Samahan sila ngayong Martes (Feb 1) sa “Patrol ng Pilipino,” pagkatapos ng “Bandila” sa ABS-CBN.

Sunday, January 30, 2011

JOHN ESTRADA, RANDY SANTIAGO, MARIEL RODRIGUEZ AT TONI GONZAGA HOSTS NG BAGONG NOONTIME SHOW NG ABS-CBN

Pagkatapos ng Pilipinas Win na Win, maglulunsad muli ang ABS-CBN ng bagong noontime show ngayong Pebrero!

Wala pang pamagat ang nasabing noontime show subalit may mga napili nang hosts para dito at sila ay sina John Estrada, Randy Santiago, Mariel Rodriguez-Padilla (may Padilla na talaga) and Toni Gonzaga.

Maliban kay Toni, ang tatlo ay nakasama na ni Willie Revillame sa previous noontime shows ng ABS-CBN, si Mariel sa Wowowee at sina Randy at John naman sa Magandang Tanghali Bayan.

Bagamat wala pang opisyal na pahayag ang ABS-CBN tungkol sa nasabing noontime show, lumikha na ito ng ingay nang ipahayag ni Willie Revillame sa kanyang show na Willing Willie sa TV5 na may tampo siya sa kaibigan niyang sina John Estrada at Randy Santiago na piniling magbalik sa ABS-CBN kahit na may offer ang TV5 sa kanila.

OPISINA NG MISMONG HEPE NG LTO, TAMBAYAN NG FIXERS?

Kung sa akala niyo ay nabawasan na ang naglipanang fixers sa isang sangay ng Land Transportation Office sa Cubao, aba’y nagkakamali kayo dahil ang mga ito ay diumano’y tumatambay lang sa mismong opisina pa ng hepe.

Sa pagsisiyasat ni Anthony Taberna sa “XXX,” tila wala namang alam ang hepe dahil diumano’y busy ito sa paglalaro ng computer games bagamat office hours pa.

Samantala, isang video ng limang taong gulang na bata na bibong bibo mag-release ng NBI clearance sa Olongapo ang natanggap ng programa at bagamat cute na cute tignan ang chikiting, nariyan pa rin ang katanungang— nasaan na ang empleyado ng NBI na dapat sana’y gumagawa ng trabahong ginagawa ng bata?

Alamin ang buong kuwento ngayong Lunes (Jan 31) sa “XXX,” kasama rin sina Pinky Webb at Julius Babao, pagkatapos ng “Bandila” sa ABS-CBN. Mapapanood din ito sa Studio 23 tuwing Huwebes, 9:30 ng gabi.

SARAH GERONIMO - 'BURLESQUE' NUMBER ON ASAP ROCKS

Sarah Geronimo performed Christina Aguilera's "Show Me How to Burlesque" on ASAP Rocks yesterday.



Here's the original version of the song by Christina Aguilera:

3AM RELEASES DEBUT SINGLE 'HINDI MO LANG ALAM'

3AM (3 Acoustic Men), the newest pop-alternative boy group, has released a teaser for their upcoming music video for "Hindi Mo Lang Alam."

3AM is composed of Mica Caldito, James Torres and Kyle Amor and their self-titled debut album from Star Records is now available in record bars nationwide.

The music video for the carrier single "Hindi Mo Lang Alam" was launched yesterday, January 30, on MYX and it's about to enter the Pinoy MYX Countdown by next week. It was directed by Raffy Francisco.




PIOLO PASCUAL ADMITS KC AND HIM ARE NOW 'OFFICIALLY' A COUPLE






Video uploaded by kapamilyaofw

CHARICE FEATURED ON UNIQUE ZAYAS' SINGLE TRAILER

Saturday, January 29, 2011

PAUL SORIANO AND TONI GONZAGA - STARSTUDIO FEBRUARY 2011 COVER

Director Paul Soriano kisses girlfriend Toni Gonzaga on the cover of StarStudio magazine’s February 2011 issue.

Toni and Paul, despite their differences, are now in their 3rd year as a couple. The gorgeous couple share with StarStudio magazine their difficult 1st year, their private quarrels and how they’ve made it through.

Other “Valentine” couples featured in this issue are Gretchen Barretto-TonyBoy Cojuangco, Marian Rivera-Dingdong Dantes, Jennylyn Mercado-Dennis Trillo, Willie Revillame-Shalani Soledad, and Jake Cuenca-Melissa Ricks.

Other celebrity twosomes on the cover are Robin Padilla-Mariel Rodriguez, Rayver Cruz-Cristine Reyes, and Ogie Alcasid-Regine Velasquez. Their love stories are considered by StarStudio as among the industry’s best.

Also featured on the cover are Jasmine Curtis Smith, Erich Gonzales and comedian Chokoleit.
StarStudio February 2011 issue is now available nationwide wherever magazines are sold!

PANG MISS-U BA ANG BEAUTY MO? MAG-AUDITION NA!

MARA MAYAMAN NA, CLARA, MAGHIHIRAP!

Isang ‘di inaasahang pagbabago ang magaganap sa ‘Mara Clara’ ngayong linggo. Dahil sa pagkakabunyag ng katotohanan tungkol sa tunay na ama ni Clara (Julia Montes), magkakapalit na ng uri ng estado sa buhay sina Mara (Kathryn Bernardo) at Clara. Mararanasan na ni Mara ang buhay mayaman habang si Clara naman ay mararanasan ang buhay na hindi niya nakasanayan. Paano kaya mag-aadjust ang dalawa sa kanilang bagong sitwasyon?

Samantala, isang bonggang party ang inihanda para sa ika-16 na kaarawan ni Mara. Sino kaya ang magiging escort nito sa kanyang birthday celebration?

Alamin ang kasagutan sa ‘Mara Clara.’ Lunes hanggang Biyernes sa ABS-CBN pagkatapos ng “Noah.”

Friday, January 28, 2011

“MUTYA” AAHON NA SA JANUARY 31!


Mula sa paglangoy ni “Marina” hanggang sa pag-ahon ni “Agua Bendita,”
isa na namang fantaserye ng ABS-CBN ang magdadala sa inyo sa kailaliman ng karagatan na siguradong lulunod sa inyong mga imahinasyon. Samahan si “Mutya” sa kanyang mundo sa ibabaw ng lupa at sa ilalim ng tubig.

Sa panulat ni Pablo S. Gomez, ang “Mutya” ay isang fantaserye na aantig at magbibigay saya sa inyong mga gabi. Ito ay istorya ng isang babaeng taga-lupa na si Cordelia na aksidenteng umibig sa prinsipe ng karagatan na si Prinsipe Irvin. Naging bunga ng kanilang bawal na pag-iibigan si Mutya.

Gagampanan ni Miss International 2005 Precious Lara Quigaman ang papel ni Cordelia, ina ni Mutya at ang nagbabalik na Kapamilya na si Alfred Vargas sa papel na Prinsipe Irvin, ang sirenong iibig kay Cordelia.

Kasama rin sa powerhouse cast ng fantaserye ang mga premyadong artista na sina Sandy Andolong bilang (Madam Delilah), Penn Medina (Haring Merrick), Malou Crisologo (Octupina), Tess Antonio (Ester) , Gary Lim (Lolo Sheldon) at Ogie Diaz (Romell) na balik primetime pagkatapos ng paglabas niya sa “Momay”.

Itinatampok ang pinakabagong child-star na si Mutya Orquia na gaganap sa papel ng batang sirena na si “MUTYA” at susunod sa yapak ng mga naunang Child Kapamilya stars na sila Zaijan Jaranilla at Xyriel Manabat.

Kasama rin sa serye sina Nina Jose bilang (Nerissa), Ahron Villena (Zale) at Jairus Aquino (Aries).

Sa ilalim ng direksyon nila Erick Salud at Jojo Sanguin, ang fantaserye ay magbibigay ng ibang mukha sa primetime na siyang gigising sa inyong mga gabi.

SEA-you sa January 31 at saksihan ang paglangoy ni “Mutya” sa ABS-CBN Primetime Bida.




Images courtesy of Jojit Lorenzo

ANGEL SY AT AARON JUNATAS NG GOIN’ BULILIT, NAHIHILIG NA DIN SA FENG SHUI?

Kung may isang bagay na kinahuhumalingan ng cute na cute na Goin’ Bulilit star na si Angel Sy, iyon ay ang pagbabasa ng mga artikulong tungkol sa kanyang Chinese Zodiac . Ipinanganak sa taong 2000, o Year of the Dragon, si Angel ay likas na matalino, artistic at passionate sa kanyang mga ginagawa. Kaya naman hindi nakpagtatakang sa kanyang murang edad na 10 ay agad niyang minahal ang pagbabasa.

“Sobrang interested po talaga ako sa Chinese Zodiac, especially sa Dragon. Nag-eenjoy po akong basahin yung tungkol dun kasi po nagma-match yung dine-describe dun sa totoong ugali ko po,” ani Angel.

Kung Chinese Zodiac ang hilig ngayon ni Angel, iba naman ang trip nitong si Aaron Junatas. Paborito kasi niya ang Tikoy. “For close family ties,” ika nga. Kung pwede nga daw araw-arawin ang pagkain ng Tikoy, matagal na itong ginawa ni Aaron. Anumang flavor, mapa-breakfast, merienda o maging dessert man, hindi niya tatanggihan ang masarap na pagkaing-Tsinong ito.

“Favorite ko po talaga ang Tikoy, lalo na po kapag maraming hinalong itlog. Thankful po ako kay Mommy kasi kapag nagcra-crave po ako, nilulutuan niya talaga ako, kahit hindi pa Chinese New Year,” ibinahagi ni Aaron

Samantala, ngayong Linggo sa Goin’ Bulilit, pagkatapos ng TV Patrol Weekend sa ABS-CBN, magpapasiklbaban ang mga Bulilits sa kanilang “Fireworks” musical act for the Chinese New Year. May mga pampaswerte din silang hatid mula sa Ongpin. Alamin rin ang iyong kapalaran ngayong Year of the Rabbit mula sa kwelang-kwelang forecast na kanilang hatid.

Talagang umaapaw ang sorpresa na hatid ng Goin’ Bulilit ngayong Chinese New Year. Huwag palampasin ang Goin’ Bulilit ngayong Linggo.

STAR POWER 5, MAKIKI-JAMMING SA ASAP SESSIONISTAS

Lalo pang pina-iigting ng Star Power 5 ang kanilang pag-eensayo’t puspusang pag-aaral ng kanilang mga performances dahil ilang Linggo na lang ang nalalabi bago ang pinaka-aabangang grand finals sa Pebrero 20.

Lahat ng pagkakataon ay sinasamantala na nila upang lalo pang matuto’t maging mahusay. Kaya naman ngayong Linggo, excited ang mga girls dahil ang pinaka-pinaguusapang ASAP Sessionistas na sina Duncan Ramos, Richard Poon, Sitti, Nina, Aiza Seguerra at Juris ang magme-mentor sa kanila.

Hindi makapaniwala si Monica, ang Charming Biritera of Leyte, na muli niyang makaka-face-to-face ang gwapong-gwapong crooner na si Richard Poon. Ani ng dalaga, maliban sa crush niya si Richard, alam niyang marami siyang matutunan sa kanya sa mga technique sa pagkanta.

Dagdag ni Krissel, ang Soulful Diva of Davao, “Super excited po talaga na akong i-mentor kami ng Sessionistas. I’m very sure na we’ll learn a lot from them. Lahat kasi sila sobrang magagaling.”

Hindi lamang ang Sessionistas ang dapat tunghayan ngayong Linggo sa Star Power, pagkatapos ng Rated K sa ABS-CBN. Ang patok na patok na Hitmaker/songwriter na si Rey Valera ay ang guest judge ngayong linggo. Pumasa kaya ang Star Power 5 sa mapanuring si Rey?

Samantala, kaliwa’t kanan naman ang exposures ng Star Power girls sa malalaking events sa bansa na lubos na ikinatuwa ni Angeline, ang Pop Belter ng Maynila. Isa na nga dito ay ang Kapamilya Karavan sa Dinagyang Festival sa Iloilo noong nakaraang linggo. Bagama’t tatlo lang sa kanila ang taga-Visayas at Minadanao, nakakatuwang sobrang mainit ang naging pagtanggap ng mga Ilonggo sa kanilang lima.

“The crowd here is so overwhelming. I still can’t believe we have this much supporters. Sobrang na-appreciate ko talaga silang lahat. They’re very warm and hospitable. If I could stay here longer, I will,” ani K-La, ang R&B Sweetheart ng Canada.

At kung may isang bagay na ipinagpapasalamat si Akiko, ang Sweet and Sexy Siren ng Cebu, iyon ay ang makabisita siyang muli sa kanyang karatig-probinsya, ang Iloilo. “Kahit na from Cebu ako, marami pa din akong naiintindihan sa dialect ng Ilonggo. Kaya naman nakaka-relate ako sa kanila. Damang-dama ko yung performance ko sa Kapamilya Karavan dahil malapit sa puso ko yung mga nanood.”

Sa mga darating pang Linggo, asahan ang lalo pang pagiging aktibo ng Star Power 5 sa iba’t ibang mga okasyon. Ganumpaman, hindi nila kinakalimutan ang nalalapit nilang paglalaban-laban upang maging Sharon’s Next Female Pop Superstar.

Sino kaya kina Akiko, ang Sweet and Sexy Siren; K-la, ang R&B Sweetheart;Monica, ang Charming Biritera; Angeline, ang Pop Belter; at Krissel ang Soulful Diva, ang magniningning ng husto at tatanghaling grand champion sa mas lalo pang umiinit na Star Power?

Para iboto ang iyong paboritong contestant, i-text lang ang SPOWER at i-send to 2331 para Globe, TM, and Sun Cellular subscribers at 231 para naman sa Smart and Talk ‘N Text subscribers.

Para sa bulk voting, i text ang SPOWER BULK —Globe, Touch Mobile, Smart and Talk and Text and Sun Cellular—sa 2366.

Abangan at huwag palampasin ang kauna-unahang search ni Sharon para sa Next Female Pop Superstar ngayong Linggo, pagkatapos ng Rated K sa ABS-CBN. Panoorin din ang nalalapit na concert ng ASAP Sessionistas sa Pebrero 5, Sabado, 8 p.m. sa Araneta Coliseum.

MYXPOSED: MUCH HAS BEEN SAID (THE STORY OF BAMBOO)

Buong-pusong inihahandog ng MYX, ang numero unong music channel sa bansa, ang MYXposed: Much Has Been Said (The Story of Bamboo), isang 30-minutong dokyumentaryo tungkol sa tagumpay at di kalauna’y pagkakabuwag ng mga pinakasikat na banda sa bansa, sa January 29, 12 p.m.

Isa ang Bamboo sa maituturing na haligi local alternative rock music sa bansa. Ilan sa mga album niyang nagbigay-inspirasyon sa marami ay ang As The Music Plays at Light Peace Love, kung saan nakapaloob ang mga hit single na “Noypi” at “Hallelujah.”

Kaya naman maraming fans ang nalungkot sa paghihiwalay ng banda na kinumpirma ng lead vocalist nito na si Bamboo Mañalac kamakailan sa kanilang official website. Aniya, hindi naging madali ang kanilang naging desisyon “As a group, we’ve come to a point where you have to trust your gut, your heart and your head and accept that all things change. The hardest part as always is to know when to pack it up and part ways. “

Nabuo ang bandang Bamboo noong 2002 sa pangunguna ni Bamboo Mañalac at Nathan Azarcon na dating mga miyembro ng Rivermaya. Nang bumalik si Bamboo mula sa Amerika, ipinakilala ni Nathan sina Ira Cruz na isang gitarista at ang drummer na si Vic Mercado na parehong miyembro noon ng Passage. Ang kanilang pagsikat at pag-abot sa mga pangarap ay maituturing na kasaysayan para sa kanila at maraming fans.

Abangan ang MYXposed: Much Has Been Said (The Story of Bamboo) sa Enero 29, 12 p.m. sa numero unong music channel sa Pilipinas, MYX.

KUYA KIM AT RYAN BANG, MAY OUT-OF-THIS-WORLD ADVENTURE SA “MATANGLAWIN”

May buhay ba sa outer space? Totoo nga ba ang mga alien? Meron kayang naligaw dito sa Pilipinas?

Ngayong Linggo (Jan 30), isang out-of-this-world adventure ang naghihintay kina Kuya Kim at Ryan Bang dahil iimbestigahan nila ang katotohanan sa likod ng mga alien at UFO o unidentified flying objects sa “Matanglawin.”

Mahigit isang siglo na ang nakalipas mula nang maganap ang unang UFO sighting na sinasabing mukhang lobo o platong lumilipad. Pero sa paglipas ng panahon may nagbago rin kaya sa anyo ng mga ito?

Sasagutin din ni Kuya Kim kung ano ba talaga ang posibleng itsura ng mga aliens at kung posible bang manirahan tayo sa ibang planeta sakaling hindi na magkasya ang mga tao sa mundo.

Tunghayan ang lahat ng iyan sa multi-awarded educational program na “Matanglawin,” ngayong Linggo (Jan 30), 9:30 AM sa ABS-CBN.

Thursday, January 27, 2011

SUPER JUNIOR SUPER SHOW 3 LIVE AT THE ARANETA


Get the chance to win tickets to "Super Junior's Super Show 3: The 3rd Asia Tour" Live at the Araneta Coliseum on February 26, 2011.

Here's how:

1. Tune in to MYX from February 1 to February 25 as the country's no. 1 music channel will giving away a total of 100 TICKETS!. Everyday 1 individual will win 4 Super Show tickets and a copy of Super Junior's latest album "Bonamana."

2. Watch out for the members of Super Junior that will pop out of the MYX Channel anytime of the day.

3. Name at least 2 members with the title of the MYX program and time of appearance. Example: Donghae, Take 5, 1PM and Eunhyuk, Mellow MYX, 7 pm.

4. Post your answers along with your contact details on the Super Junior Super Show 3 Promo Page, CLICK HERE!

5. There are different answers for everyday from February 1 to 25. February 1 answers are not going to be accepted for February 2 because there will be a daily cut-off. So keep tuning in to MYX.

6. Winners will be announced on MYXph.com.

* Contest is open to GMA residents only
* Promo starts on February 1, 2011

KAPAMILYA KARAVAN SA SINULOG NG CEBU AT DINAGYANG NG ILOILO, DINUMOG!


Napuno ang Ayala Mall sa Cebu at Robinson’s Iloilo, matapos itong dumugin ng libo-libong mga Kapamilya na nais masaksihan ang taunang Kapamilya Karavan sa Sinulog at Dinagyang festivals, na handog ng ABS-CBN Regional Network Group. Mas pinalaki’t pinabongga ang Karavan lalo’t tampok ngayong taon ang pinaka-pinaguusapang mga Kapamilya stars.

Kilala sa pagiging solid na Kapamilya ang Cebu at Iloilo. Kaya naman sa pamamagitan ng kanilang umaatikabong performances, sinikap ng mga Kapamilya Stars na ibalik ang kanilang pasasalamat sa mga kababayang Cebuano at Ilonggo. Tampok sina Coco Martin ng Minsan Lang Kitang Iibigin, ang hunk ng Martha Cecilia’s Kristine na si Zanjoe Marudo, Gerald Anderson ng Buhawi Jack, Ron Morales ng Sabel, si Maricar Reyes ng Imortal, Enchong Dee ng Shout Out, Star Power Final 5 at ang mga lead star ng Bulong, ang kauna-unahang pelikula ng Star Cinema, na sina Vhong Navarro at Angelica Panganiban, naging mainit at wagas ang pagtanggap ng mga Kapamilya nating nakiisa sa Karavan.

Samantala, sa Cebu, ang mga local talents na sina Blinky de Leon (Mag TV Na!), Phoebe Fernandez (Mag TV Na!), Jacky G (MOR jock), Roy Empleo (Kapamilya Mas Winner Ka) at Borgie Cabigas (Mag TV Na!) ang mga nanguna sa pagho-host ng Karavan. Higit sa limang-libong Cebuano ang nakisaya, nakilaro at nanood sa mga special number ng kanilang mga paboritong Kapamilya stars.

Sa Iloilo naman, sina Sedfrey Cabaluna (Mag TV Na!), Maninoy, Smarty Sam, James Vhong at Sgt. Pepper (MOR 91.1 FM Iloilo), Charmaine Gail Nuñez (Sikat ka Iloilo) at Shirin Khabbaz (Mag TV Na Amiga) ang mga host na nagpasiklaban sa event na dinaluhan ng halos sampung-libong mga Ilonggo.

“Nakakatuwa po na maging bahagi ng ABS-CBN Regional shows. Masaya kasi nakakasama namin ang mga Kapamilya supporters from all over the country,” pahayag ni Coco Martin.

“Ang ganda ng nagagawa ng Kapamilya Karavan kasi nakaka-bonding namin ang mga taga-iba’t–ibang sulok ng Pilipinas” tuwang-tuwa namang sinabi ni Enchong Dee.

Maging ang Showtime host na si Vhong Navarro ay nagpahayag na kanyang pasasalamat sa kanilang mga taga-suporta. “Ito yung pagkakataong mapasalamatan namin sila.”

Nakisaya din sa float parade ng Queen City of the South ang ABS-CBN RNG kasama sina Jericho Rosales, Jake Cuenca, Zyjian Jaranilla, Xyriel Manabat, John Manalo, Julia Montes at mahigit 3.5 milyong katao na nagdidiwang ng Sinulog Festival.

Nagtanghal naman ng live ang ASAP Rocks sa Iloilo Sports Center kasabay ng Dinagyang Festival na dinaluhan rin ng napakaraming manunuod na umabot sa higit 50,000 na katao.

"We are so thankful for this overflow of support," ani Charie Ilon, ABS-CBN Iloilo station manager. Ayon naman kay ABS-CBN Visayas cluster head Tata: "We are inspired to continually Bida Best for our audience!"

Malugod ding inihahandog ng ABS-CBN Regional Network Group sa ating mga Kapamilya ang sarili nitong apparel, ang Kapamilya Fiesta Collection! Ang Kapamilya Fiesta Shirts, na hinago ang mga disenyo sa iba’t ibang pista sa buong bansa, ay mabibili na sa Fiesta Favorite Stores nationwide.




PEBRERO 4 ANG HULING ARAW NG SUBMISSION PARA SA CINEMA ONE ORIGINALS 2011

Ang Cinema One, na siyang nangungunang movie cable channel sa bansa, ay inanunsiyo na ang submission ng mga entries para sa pinaka-aabangang 7th Cinema One Originals Digital Film Festival ay hanggang sa Pebrero 4, 2011

Simula nang inilunsad ang Cinema One Originals noong 2005, itinuring na itong "melting pot" ng mga bagong talento—maging para sa scriptwriters, mga aktor at direktor man, na binibigyang pagkakataon na magamit ang kanilang ideya’t konsepto sa paggawa ng pelikula. Hangarin din nito na baguhin ang karaniwang uri ng pelikula na prino-produce ng mainstream production companies.

Sa nakalipas na mga taon, binigyang-pagkakataon ng Cinema One ang mga filmmakers tulad nina Jerold Tarrog, Sherad Anthony Sanchez, Remton Zuasola, Jason Laxamana at Richard Somes na mai-produce ang kani-kanilang mga pelikula at sila ang ilan sa mga naitinanghal na panalo sa mga nakaraang Cinema One Originals festivals.

Ang mga pelikulang tulad ng Confessional, Imburnal, Ang
Damgo ni Eleuteria, Dose, Rome & Juliet, Huling Balyan ng Buhi at Yanggaw, ay ilan lamang sa mga Cinema One Originals na nakabingwit ng mga prestihiyosong local at international awards.

Walang partikular na tema ang gaganaping Cinema One Originals ngayong taon. At hindi tulad ng nakagawiang pitong pelikula bawat film fest, sampung screenplays ang pipiliin ngayong taon na maglalaban-laban sa Cinema One Originals awards. Bawat pelikulang ipro-produce ay may P1-milyong budget.

Ang kabuuang istorya o tapos nang screenplay dapat i-submit. Kalakip nito ang sequence treatment ng proyekto, pirmadong entry at updated curriculum vitae ng entrant. Maaring i-submit ang entry sa Cinema One Programming office sa 8th
floor Eugenio Lopez Jr. Communications Center, Mother Ignacia Ave., Quezon City. Para sa iba pang impormasyon, maaring tumawag sa telepono bilang
4152272 local 3166.

CHARIE VILLA, MAMUMUNO SA PAGHATID NG REHIYONAL NA BALITA SA MGA PILIPINO SA BUONG MUNDO

Handa na ang beteranong broadcast journalist at news executive na si Charie Villa upang mas palawakin pa ang regional news sa bansa, matapos ang kanyang pagkakatalaga bilang News Head ng ABS-CBN Regional Network Group (RNG).

Gagamitin ni Villa, ang dating Head ng ABS-CBN News gathering at Online and Mobile Group, ang kanyang karanasan sa pagbabalita at makabagong mga ideya upang patibayin pa ang news organization ng RNG. Nagngangalan din siyang gamitin ang social media tulad ng internet upang mapalawig ang abot ng RNG.

Ayon sa dating Reuters Manila Bureau Chief, bahagi ng kanyang agenda ang pagsusulong sa pagkakaroon ng hyperlocal content, o mga balitang nakatuon sa mga pangangailangan ng isang partikular na komunidad o rehiyon, ng lahat ng 19 na lokal na edisyon ng “TV Patrol” sa buong bansa.

Kaugnay nito, magsasanay ang RNG ng citizen journalists sa bawat lugar upang makapagbahagi sila ng report hindi lang para sa telebisyon ngunit para din sa ginagawang websites ng RNG para sa iba’t-ibang TV Patrol.

“Mas kikilalanin pa ng RNG News ang mga rehiyon hanggat sa bawat pamayanan doon upang makuha ang tunay na estado ng mga Pilipino roon. Kasabay nito, palalawakin din namin ang aming pagbabalita sa pamamagitan ng Internet upang maserbisyuhan din ang mga OFW at iba pang Pilipino sa ibang parte ng mundo,” paliwanag niya.

Ang mga mirror websites na ito raw ang maituturing na tagpuan o tambayan ng mga miyembro ng iba’t ibang regional group. Bukod sa balita, maaari rin daw makita rito ang listahan ng mga residente at establisyamento sa kanilang bayan, at iba pang impormasyon tulad ng mga puwedeng inegosyo roon at ang mga bagong pasyalan.

Isa pang dapat abangan mula sa RNG News ang bagong segment na tinatawag na “Bidaka.com,” na umeere na sa lahat ng regional na “TV Patrol.” Sabi ni Villa, layunin nito ang pagibayuhin pa ang pagmamahal ng mga tao sa kanilang rehiyon sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga lokal na personalidad na mayroong magandang ambag sa lipunan at nagsilbing inspirasyon sa kanyang mga kababayan.

Ayon kay Jerry Bennett, ang ABS-CBN Regional Network Group Head, naniniwala siyang itataas pa ni Villa ang standards ng RNG News, katulad ng kanyang nagawa na para sa ABS CBN News at sa www.abs-cbnnews.com.

“Ang pagtatalaga kay Charie bilang Head ng RNG News ay ang paraan ng network upang lalo pang palakasin ang regional news. Kahit ABS-CBN na ang pinakamalaking news organization sa bansa, hindi kami titigil sa pagpursige na magdala ng mas kalidad na serbisyo sa mga Pilipino sa buong mundo,” aniya.

Tulad ng iba pang ABS-CBN multimedia journalists, aktibo si Charie sa Internet. Maaaring siyang i-follow sa twitter (@charievilla) at facebook (Charie Villa). Makikinig si Charie sa inyong mga komento at suhestiyon.

YENG CONSTANTINO - 'WAG NA' MUSIC VIDEO

FENG SHUI EXPERT SA ‘THE BOTTOMLINE WITH BOY ABUNDA’ NGAYONG SABADO!

Ngayong Sabado sa The Bottomline with Boy Abunda, nagbabalik ang Feng Shui Expert na si Marites Allen para basahin ang kapalaran ng ating bansa, ng mga kilalang personalidad at ng mga pangkarinawang tao ngayong papasok na Year of the Metal Rabbit. Si Marites ang kauna-unahang personalidad na uupo sa hotseat ng taongbayan sa pangalawang pagkakataon.

Ang 2011 ay ang Year of the Rabbit, pero ang katanungan ng karamihan, magiging maswerte ba ang taong ito para sa mga Pilipino? O isang taon na naman ito na puno ng kamalasan? Para mabasa ng maganda ang tatakbuhin ng kapalaran sa ating bansa, pinag-aralan ni Marites ang birth chart ng Pilipinas base sa day of independence nito noong June 12, 1898. Magiging maganda raw ang taong ito para sa mga taong nagbabalak magtayo ng negosyo lalo na sa larangan ng hotel industry, mining, real estate at marami pang iba na may kaugnayan sa Earth element. Kasama na sa magandang negosyo sa 2011 ang entertainment industry. Hindi naman magandang taon ang 2011 para magpalit ng trabaho.

May mga conflicts at di pagkakasunduan na mararanasan ngayong taon lalo na sa larangan ng politika, kapayapaan at kaayusan. Ayon sa feng shui readings, may mga assasination plots at risks in terrorism kaya dapat na mag-ingat. Pati ang nakaraang Makati bus bombing noong Jan 25 ay pinag-aralan din ni Marites.

Bukod sa kalagayan ng bansa, pinaglaanan din ng panahon ni Marites basahin ang kapalaran ng limang kilalang personalidad -- Si President Noynoy Aquino, ang kapatid niyang si Kris, international star Charice, boxing champ Manny Pacquiao at ang host ng show, Boy Abunda. Highlight sa readings ni President Noy ang kanyang lovelife. Kung naging makulay ang 2010 para sa kanyang lovelife, mas magiging maingay at makulay daw ang 2011. Kalusugan naman ang dapat pag-ingatan ni Kris sa 2011 at mag-ingat sa buwan ng Abril. Patuloy pang kikislap ang katanyagan ni Charice sa Western World at dahil nanggaling siya sa East, maganda ang direksyong pinupuntahan niya ngayon. Maganda rin ang readings kay Manny pero pinag-iingat siya sa buwan ng Pebrero. Kalusugan din ang major highlight ng kanyang prediksyon. Ilan lamang yan sa mga highlights ng feng shui readings ni Marites Allen sa limang kilalang personalidad na ito. Marami pa siyang rebelasyong binitawan lalo na sa laro ng pulitika para kay P-Noy, lovelife para kay Kris at Charice, pamilya at pulitika para kay Manny.

Inisa-isa rin ni Marites Allen ang labindalawang chinese zodiac signs at ang predictions at reading para sa mga ito. Kasabay nito, sinabay na rin ang general predictions sa mga paborito niyong artista tulad nila Kim Chui, Gerald Anderson, Sarah Geronimo, Cristine Reyes, John Lloyd Cruz, Piolo Pascual, KC Concepcion, Robin Padilla pati ni rin si VP Jejomar Binay na tinuturing daw na may "lucky star" ngayong taon.

Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, bilang ang Pilipinas ay isang bansang naniniwala sa aral ng simbahang Katolika, hindi ba labag ang Feng Shui practice sa paniniwala ng karamihan (Katoliko)? Ano ang panig ng simbahan sa isyung ito? May mga nagsasabi na ang pagkonsulta raw sa isang feng shui expert ay isang gawain ng demonyo at labag sa mga kautusan ng Diyos? Pang-mayaman lamang daw ang feng shui dahil napakamahal ng bayad dito kahit magpakonsulta lang? At totoo bang END OF THE WORLD na sa December 21, 2012? Ano ang nababasa ng feng shui dito?

Yan at marami pang makubuluhang balitktakan ngayong Sabado sa The Bottomline with Boy Abunda, pagkatapos ng Banana Split.

‘BIDA KAPAMILYA’ SA MARKET! MARKET! NGAYONG LINGGO


Bilang pasasalamat sa walang humpay na pagtangkilik ng viewers sa ABS-CBN shows, inihahandog ng Kapamilya Network ang isa na namang fans day na gaganapin ngayong darating na Linggo, Enero 30, 4pm - 7pm, ang “Bida Kapamilya Grand Fans Day” sa Market! Market! Activity Center, Taguig City.

Samahan ang cast ng “Noah” na pinangungunahan nina Piolo Pascual, Zaijian Jaranilla, Xyriel Manabat, Jodi Sta. Maria, Joem Bascon at Melissa Ricks na magbibigay aliw sa kanilang fans. Ito ay isa na ring paraan ng pasasalamat ng “Noah” para sa patuloy na suporta na ibinibigay ng mga Kapamilya viewers sa nasabing palabas mula umpisa hanggang sa nalalapit na pagtatapos nito.

Makikisaya rin ang cast ng pinakabagong adventure serye ng Kapamilya network ang “Agimat presents Bianong Bulag” sa pangunguna nina Jason Abalos at Chari Pineda. Masisilayan rin ang cast ng Sabel na sina Jessy Mendiola at AJ Perez.

Maki-jamming kasama ng bandang Spongecola na magpapaindak sa inyong hapon sa pamamagitan ng kanilang musika.

Humanda na para sa isa na namang bigating “Bida Kapamilya” ngayong Linggo, Enero 30 sa Market! Market! Taguig City.

Wednesday, January 26, 2011

KIM AT ENCHONG, MAGTATAMBAL SA ‘YOUR SONG’

Muling magtatambal sina Kim Chiu at Enchong Dee sa isang nakakaaliw na episode ng Your Song na ipapalabas ngayong Linggo sa ABS-CBN.

“Parang kahapon lang kami nagkasama,” saad ni Enchong nang tanungin siya kung kamusta ang pakiramdam na muling makapareha si Kim. “Walang nagbago. Masayahin pa rin si Kim. Kahit medyo matagal yung gap bago kami ulit nagkasama sa isang project, parang noong isang araw lang kami nagkasama dahil ganun pa rin naman. Masaya pa rin,” kwento ni Enchong.

Samantala, kakaibang mga papel ang gagampanan ng dalawa sa Your Song. Isang babaeng pera ang pipiliin imbis na pag-ibig ang karakter na bibigyang buhay ng dalaga. Taxi driver naman ang papel ni Enchong.

Iinog ang kwento sa takot ni Kim na mangyari rin sa kanya ang nangyari sa kanyang mga magulang na hindi nagtagal ang relasyon, kaya kahit na may nararamdaman siya para sa taxi driver na si Enchong, pinipigil niya ang sarili na mahulog dito. Hanggang kalian kaya pigilan ni Kim ang kanyang damdamin para kay Enchong?

Alamin ang kasagutan ngayong Linggo sa “Your Song presents Kim” pagakatapos ng ASAP Rocks sa ABS-CBN.

ALODIA, MAS MAPANGAHAS ANG SUSUOTING MGA DAMIT SA “LAUGH OUT LOUD"

Patutunayan ni Alodia Gosiengfiao ng “Laugh Out Loud” na siya pa rin ang nag-iisang reyna ng bansa pagdating sa cosplay dahil linggo linggo na siyang magho-host ng comedy-reality TV show ng Dos na suot ang kanyang makukulay at anime-inspired na costimes. Bago nga pumasok ng showbiz ay maugong na ang pangalan ni Alodia sa mga anime-lovers bilang isa siya sa pinakakilalang cosplayer na nakapanalo na ng samu’t saring cosplay competitions.

Ngayong Sabado (Jan 29), samahan sila ni Luis Manzano sa muling paghahatid sa inyo ng nakakatawang mga pranks sa tulong na rin ng celebrity pranksters for the week na sina Johan Santos at Cathy Remperas. Huwag palalampasin ang “Laugh Out Loud” at abangan ang mga costume na susuotin ni Alodia pagkatapos ng “MMK” sa ABS-CBN.

TINAGURIANG “CARNAP KING NG BULACAN,” KIKILALANIN NI TED FAILON

Kamakailan ay usap-usapin ang pagsuko ng tinaguriang ‘Carnap King’ ng Bulacan na si Raymond Dominguez alias “Benigno Victorino” sa pulisya. Ngunit lingid sa kaaalaman ng nakararami, gaano nga ba talaga kakilabot ang binata pagdating sa nakawan ng sasakyan?

Kikilalanin ni Ted Failon si Raymond ngayong Sabado (Jan 29) sa “Failon Ngayon” at ibubunyag ang katotohanan sa likod ng pagkatao nito.

Sa kanyang edad na 26, 31 iba’t ibang kaso na ang nakasampa sa kanya simula pa noong 2007 kabilang ang mga kaso ng carnapping, paggamit ng droga, karahasan, at homicide.

Ano kaya ang nararamdaman ng kanyang pamilya hinggil dito? Sino sino na kaya ang kanyang mga nabiktima at saan na napunta ang mga kotseng nadale niya?

Tunghayan ang buong kuwento sa “Failon Ngayon” ngayong Sabado (Jan 29), 5:45 PM pagkatapos ng “Kapamilya Blockbusters” sa ABS-CBN.

KIM CHIU AT GERALD ANDERSON, KAILANGAN NG “CHARM” NGAYONG 2011

Pagdating sa buhay pag-ibig, hindi kagandahan ang naging katapusan ng taon para kina Kim Chiu at Gerald Anderson. Kabaligtaran naman ito ng nangyari kina Zanjoe Marudo at Bea Alonzo, na mas lumalalim ang pagtitinginan.

Paniwala ng ilang Pilipino, kayang pasuwertihin ang estado ng puso ng mga tao sa pamamagitan ng pagsusuot ng “charms.” Ano naman kaya ang charms na babagay para kay Kim, Gerald, Zanjoe at Bea na magdadala ng suwerte pagdating sa romansa?

Alamin iyan sa espesyal na Chinese New Year episode ng “Us Girls” ngayong Linggo (Jan 30) sa Studio 23.
Bukod sa masusuwerteng damit, ilalantad na rin nina Iya Villania, Chesca Garcia-Kramer, at Angel Aquino ang mga tips para suwertihin sa negosyo at sa trabaho. Lilinawin din nila, sa tulong ng astrology experts, ang isyu tungkol sa pagpapalit ng Horoscope.

Kilalanin din ang mga sikat na personalidad na proud maging full o kaya’y part-Chinese. Abangan ang lahat ng ito sa 2010 PMPC Star Awards Best Lifestyle Show, “Us Girls,” ngayong Linggo (Jan 30) at 6:30pm sa Studio 23.

PABLO S. GOMEZ'S MUTYA - POSTER AND FULL TRAILER


GREEN ROSE - FULL TRAILER

Tuesday, January 25, 2011

ROXANNE GUINOO - ELTON YAP WEDDING PHOTOS AND VIDEO

















Photos courtesy of Lito Sy. Video courtesy of Jason Magbanua.


Roxanne and Elton: SDE from Jason Magbanua on Vimeo.

MAS MARAMING INTRIGA, IBUBUNYAG NI GRETCHEN SA MAS MAHABANG “THE WRAP”

Mas pinalaki, mas pinahaba at mas pinabongga na ang paghahatid sa inyo ni Gretchen Fullido ng pinakamainit na celebrity news sa mundo ng showbiz, music, at sports dahil ang “The Wrap” mapapanood na sa loob ng 30 minuto sa Studio 23.

Maki-chika tungkol sa paborito niyong local celebrities sa “Showbiz Refill” at maki-usyoso na rin sa mga eksena sa Hollywood sa “Hollywood Hotplate.”

Alamin ang pinakamainit na celebrity scandal sa “Best Seller” at hulaan ang mga pasabog na blind items ni Gretchen sa “OMG- Weh!”

Mapapanood mo rin ang mga bagong music video at trailer sa “Snack Box” habang ihahain din sa inyo ang mga nakakaaliw na celebrity trivia sa “Celebrity Side Dish.”

Huwag palalampasin ang “The Wrap,” Lunes hanggang Biyernes, 6:30 PM sa Studio 23. Mapapanood niyo rin ang mga past episode ng programa online via Catch Up TV (www.studio23.tv).

KRUSADA LABAN SA GUTOM, ISUSULONG NI JULIUS BABAO

Dalawa sa sampung pamilyang Pilipino ang walang makain bawat araw. At dahil sa matinding kahirapan, hindi maiwasan na pati pag-aaral ng mga bata mula sa mga pamilyang ito ay maapektuhan.

Ngayon Huwebes (Jan 27), ipapakita ng “Krusada” na kahit sino mula sa gobyerno, pribadong sektor, hanggang sa mga indibidwal ay may magagawa para maibsan ang lumalalang suliranin ng kagutuman at kakulangan ng nutrisyon sa bansa.

Sa kaniyang sariling kakayahan, isinusulong ni Julius Babao ang Food Donation Act at iba’t ibang school-based nutrition programs na layuning magpakain ng masustansya sa mga mag-aaral, at ang iwasan din sa pagsasayang ng pagkain.

Samahan siya sa pagdiskubre kung ano ang mga hakbang ng pribadong sector, lalo na ng gobyerno, para tugunan ang isyung ito. Maski mga indibidwal ay makakatulong, sa pamamagitan ng hindi pag-aaksaya sa pagkain at pangalawa, sa pagbabahagi ng anumang sobra meron tayo sa mga nangangailangan at nagugutom.

Makinig. Makisama. Makiisa. Dahil ang tunay na paninindigan ay hindi puro salita lamang. Antabayanan ang “Krusada” ngayong Huwebes (Jan 27) pagkatapos ng “Bandila” sa ABS-CBN.

Sunday, January 23, 2011

BARON GEISLER INTERVIEW BY BOY ABUNDA ON THE BUZZ


In the exclusive interview by Boy Abunda on The Buzz yesterday, Baron Geisler denied the accusation of Noah co-star Cherry Pie Picache that he allegedly touched her breasts while doing an intensed scene.

Picache has been the fourth woman to accuse Geisler for acts of lasciviousness/unjust vexation. The first was Patricia Martinez (daughter of Yayo Aguila and William Martinez) in 2008, the second was Yasmien Kurdi in 2009. The third was Julia Clarete but the Eat Bulaga! host just kept mum after the incident to avoid further discussions.

Only Patricia Martinez and Yasmien Kurdi have filed a case against him.

“I have a question for you,” Baron Geisler asked Boy Abunda.

“People keep saying, ‘So, sinungaling ‘yong apat na babaeng yan?’ Tito Boy, if you were a woman and I touched and I violated you, what would be your reaction? What would you do? Ohh, first thing you’d do, I’ll sue you. What would you do?” he asked.

Boy Abunda said he will get angry and he will slap him.

Based from Abunda’s answer, Geisler pointed out that these women should have done something during the incident and that they should have made a scene.

“Why sa complaints nila ni wala man lang nagkaroon ng commotions? Kung totoo man, nagustuhan muna saka naisip na, ‘Ay, nagalaw ako. Sige punta muna ako ng ano. Puwede pa lang kasuhan ito si Baron. Sige, kasuhan na natin.,” Geisler said.

“Doon ako galit. Kasi nagiging madali na lang para sa kanila na kasuhan ako o gawan ng ano… Eh, kung talagang may nangyaring ganyan, usually may pag-uusap yan eh. Hindi ‘yong diretso na ‘Yan si Baron, manyak,’” he added.

With regards to the incident with Cherry Pie Picache, Baron re-enacted what happened during the intensed scene with Boy Abunda playing the role of the actress:

Baron pointed out that what happened with Picache was just a spur of the moment. But he apologized to the actress after she reacted.

“I apologized. Sabi ko, ‘Naka-gloves po ako, wala po akong intensyon na hawakan po kayo.’ Twice. In front of her. Then, I went out and… ‘yon ang sinasabi nilang nagwala ako. Doon na ako nagmumura sa labas ng set,” he said.

Geisler was ousted from Noah after the incident. The Professional Artist Management, Inc (PAMI), on the other hand, called on its members last week to prohibit their talents from working with embattled actor.

Although Geisler claims that the incident with Picache and with the previous complainants were unintentional, Geisler admitted his alcohol problem has got the best of him during the situations.

He asked the public to forgive him and not to forget him when he enters rehab and stays there for 3 months. He hopes to revive his career when he gets out.






Video uploaded by TheHighskooLerz

JERICHO ROSALES - 'NAAALALA KA' MUSIC VIDEO

BISE-ALKALDE, ILALAGLAG ANG UMANO’Y ANOMALYA SA BUWIS SA CALOOCAN

Mismong bise-alkalde ng Caloocan ang nagsiwalat ng tila anomalya sa pagbibigay ng real property tax share sa kanilang lugar.

Nasasaad sa batas na bahagi ng nakokolektang buwis ng pamahalaang local ay ibibigay sa barangay para sa kanilang mga gastusin o proyekto. Pero giit ni vice-mayor, tatlong taon na raw atrasado ang naturang tax share sa mga barangay nila.

Nasan na kaya ang real property tax share ng Caloocan?

Alamin ang buong istorya sa ulat ni Anthony Taberna ngayong Lunes (Jan 24) sa “XXX,” kasama rin sina Pinky Webb at Julius Babao, pagkatapos ng “Bandila” sa ABS-CBN. Mapapanood din ito tuwing Huwebes, 9:30 PM, sa Studio 23.

JASON ABALOS AY ANG BAGONG 'BIANONG BULAG'

Isa sa pinakamagagaling na aktor ng kanyang henerasyon, handa nang harapin ni Jason Abalos ang panibagong hamon sa kanyang career, ang pagganap bilang ‘Bianong Bulag,’ mula sa koleksyon ng Agimat: Mga Alamat ni Ramon Revilla ngayong Enero 24 na, Lunes pagkatapos ng Showtime sa ABS-CBN.

Mula sa kanyang dramatic role sa Alyna, sasabak na si Jason sa makapigil-hiningang action-adventure series na Bianong Bulag. Bilang paghahanda, dumaan si Jason sa isang masusing pagsasanay ng martial arts.

“Malaking karangalan kasi hindi naman lahat nabibigyan ng pagkakataon, masaya dahil nabibigyang buhay naming yung mga pelikula niya dati”, pagbibida ni Jason nang maibigay sa kanya ang role.

Makakasama ni Jason sa nasabing serye si Jessy Mendiola na nakilala sa karakter niya sa ‘Sabel.’. “Masarap siya katrabaho kasi hindi mabigat kaeksena. Gusto niyang matuto, masaya siya sa ginagawa niya at focus siya”, kwento ni Jason patungkol sa dalaga.

Mula sa ilalaim ng direksyon ni Dondon Santos, ang istorya ay iikot sa pakikipagsapalaran ni Bianong Bulag kasama ng kanyang kapatid na gagampanan ni Joem Bascon. Pamamanahan sila ng hinating agimat na siyang pag-uugatan ng matinding tunggalian ng magkapatid.

Humanda na sa makapigil-hiningang pakikipagsapalaran ni Bianong Bulag sa Agimat: Mga Alamat ni Ramon Revilla, ipapalabas na simula Enero 24, Lunes hanggang Biyernes sa Hapontastic ng ABS-CBN.

Friday, January 21, 2011

KANTAR MEDIA NATIONAL TV RATINGS FOR JANUARY 19-20, 2011


GMA's "Temptation of Wife" garnered a very strong rating in the daytime race nationwide while ABS-CBN's "Mara Clara" dominated the primetime race.

JANUARY 19, WEDNESDAY
(ABS-CBN vs GMA)

Daytime:

Gising Pilipinas (0.5%) / Kape't Pandasal (1.0%) vs. Reporter's Notebook (Replay) (1.3%)
Umagang Kay Ganda (5.4%) vs. Unang Hirit (4.6%)
Dora The Explorer (5.4%) vs. Doraemon (7.5%) / Jackie Chan Adventures (8.8%)
Spongebob Squarepants (6.0%) / Mr. Bean (5.6%) vs. Shaman King (9.0%)
Banana Split Daily Servings (6.0%) vs. One Piece (10.3%) / Love Ni Mister Love Ni Misis (6.8%)
Kapamilya Blockbusters 'D'Sisters (Nuns Of The Above)' (10.6%) vs. Kapuso Movie Festival 'Gabriel Lorenzo Berdugo' (11.8%)
Showtime (12.5%) vs. Eat... Bulaga! (19.7%)
Malparida (11.8%) vs. Little Star (11.9%) / Koreana (14.2%)
Juanita Banana (11.1%) / Shoutout (7.8%) vs. Temptation Of Wife (24.0%)

>> Top 3 Daytime Programs:

1. Temptation Of Wife (GMA) - 24.0%
2. Eat... Bulaga! (GMA) - 19.7%
3. Koreana (GMA) - 14.2%

Primetime:

Alyna (13.2%) / Sabel (22.3%) vs. Bantatay (21.1%)
TV Patrol (27.7%) vs. 24 Oras (22.1%) vs. Willing Willie (13.6%)
Noah (26.3%) vs. Dwarfina (21.2%)
Mara Clara (30.4%) vs. Jillian: Namamasko Po! (19.7%)
Imortal (25.7%) / Kristine (18.9%) vs. Beauty Queen (16.5%)
Cinderella's Sister (12.1%) vs. The Baker King (16.6%)
SNN Showbiz News Ngayon (5.9%) vs. Saksi Liga Ng Katotohanan (9.4%)
Bandila (2.9%) vs. Born To Be Wild (3.8%)

>> Top 3 Primetime Programs:

1. Mara Clara (ABS-CBN) - 30.4%
2. TV Patrol (ABS-CBN) - 27.7%
3. Noah (ABS-CBN) - 26.3%


JANUARY 20, 2011 - THURSDAY:
(ABS-CBN vs GMA)

Daytime:

Gising Pilipinas (0.6%) / Kape't Pandasal (1.0%) vs. Born To Be Wild (Replay) (1.9%)
Umagang Kay Ganda (5.6%) vs. Unang Hirit (5.1%)
Dora The Explorer (6.5%) vs. Doraemon (6.6%)
Spongebob Squarepants (7.5%) vs. Jackie Chan Adventures (8.4%)
Mr. Bean (5.8%) vs. Shaman King (8.4%)
Banana Split Daily Servings (6.8%) vs. One Piece (9.8%)
Kapamilya Blockbusters 'Asero' (11.6%) vs. Love Ni Mister Love Ni Misis (5.2%) / Kapuso Movie Festival 'Lovestruck' (10.7%)
Showtime (12.9%) vs. Eat... Bulaga! (19.1%)
Malparida (11.1%) vs. Little Star (13.2%)
Juanita Banana (10.8%) vs. Koreana (15.6%)
Shoutout (7.3%) / Alyna (12.1%) vs. Temptation Of Wife (24.2%)

>> Top 3 Daytime Programs:

1. Temptation Of Wife (GMA) - 24.2%
2. Eat... Bulaga! (GMA) - 19.1%
3. Koreana (GMA) - 15.6%

Primetime:

Sabel (21.5%) vs. Bantatay (20.6%)
TV Patrol (26.3%) vs. 24 Oras (21.0%) vs. Willing Willie (13.6%)
Noah (26.7%) vs. Dwarfina (22.5%)
Mara Clara (29.8%) vs. Jillian: Namamasko Po! (18.2%)
Imortal (26.8%) vs. Beauty Queen (17.6%)
Kristine (18.3%) vs. The Baker King (17.8%)
Cinderella's Sister (13.1%) vs. Saksi Liga Ng Katotohanan (7.9%)
SNN Showbiz News Ngayon (6.5%) / Bandila (4.7%) vs. Rescue (4.0%)

>> Top 3 Primetime Programs:

1. Mara Clara (ABS-CBN) - 29.8%
2. Imortal (ABS-CBN) - 26.8%
3. Noah (ABS-CBN) - 26.7%

Source: Kantar Media

HUNK ACTOR, PAPANSIN SA PICTURE!

Paniguradong tataas ang kilay niyo kapag may nakisingit sa picture niyo sa isang photobooth pero aalma ka pa ba kapag isang macho at gwapong Jon Avila ang eeksena at makikigulo dito? Abangan ang pangti-trip ni Jon sa mga walang muwang na taong magpapa-picture sa photo booth ngayong Sabado (Jan 22) sa ‘‘Laugh Out Loud.’’

Tunghayan din ang kwelang kaganapan kapag ang isang seksing babae ay pumara ng taxi at may susunduin sa isang lugar. Lingid sa kaalaman ng driver na ang susunduin pala ng dalaga ay isang bangkay ! Isakay naman kaya ni manong ang katawan ng isang sumakabilang buhay ?

Makitawa na sa “Laugh Out Loud,” kasama sina Luis Manzano at Alodia Gosiengfiao, ngayong Sabado (Jan 22) pagkatapos ng “MMK” sa ABS-CBN.