Sunday, July 31, 2011

Eugene Domingo - The Abunda Challenge (VIDEO)

2011 Cinemalaya Best Actress Eugene "Uge" Domingo walks out of her interview with Boy Abunda during her guesting yesterday on "The Buzz".

Uge guested on the show's "The Abunda Challenge" segment to promote her latest Cinemalaya movie "Ang Babae sa Septic Tank" which will be released by Star Cinema on mainstream theaters starting August 3.

The interview started, as expected, very entertaining until the final question was asked by Boy...compeled Uge to walked-out from the said interview.


Eugene Domingo Walks Out on The Buzz by starmometerdotcom

Piolo Pascual Disapproves of Iñigo Pascual - Kiray Celis Romance?


Saturday, July 30, 2011

Kim Chiu, Ryan Bang, at Baron Geisler, Basurera at Basurero sa 'I Dare You'

Kayanin kaya ng Kapamilya challengers na sina Kim Chiu, Ryan Bang, Edward Mendez, Niña Jose, Queenie Padilla, at Baron Geisler ang mamuhay ng payak? Alamin iyan ngayong linggo sa kanilang pagdating sa mahirap na komunidad ng “Isla Pulo” sa ABS-CBN reality show na “I Dare You.” Malayo sa kanilang magagarang bahay, sasabak ang tatlong pares sa pangingisda, pagu-uling, at pangangalkal ng basura upang maintindihan ang buhay doon at maipanalo ng gantimpala ang Bidang Kapamilya.

Sino kaya sa kanila ang hindi uurong at sino sa kanila ang bibigay sa mga hamon nina Jericho Rosales, Iya Villania, at Melai Cantiveros? Ano kaya ang madidiskubre nila rito na magpapaiyak sa kanila, at magbabago ng pananaw nila sa buhay? Abangan ang mga sagot sa “I Dare You,” Lunes hanggang Biyernes, bago mag “Mula sa Puso” sa ABS-CBN.

'Way Back Home' - Movie Poster and Cinema Trailer


'Gandang Gabi Vice' this Sunday

Singing Sekyu, Magpapakitang Gilas sa 'Pilipinas Got Talent'

Noong una’y isa siya sa security guards na nagbabantay sa isa sa mga audition venues ng “Pilipinas Got Talent” pero sa darating na Linggo (July 31), hindi na siya nagbabantay sa kaligtasan ng auditionees, sa halip isa na siya sa mag-audition. Haharap nga si Mark Galido ng Cainta, Rizal sa Big Three judges at ipapamalas ang kanyang husay sa pagkanta. Ang pagsali ni Mark ay isang patunay na talagang walang pinipiling edad, bilang ng kalahok, antas sa buhay, kasarian, at iba pa ang nangungunang talent-reality show sa bansa. Ngayong season three, halos 80 siyudad at munisipalidad sa bansa ang personal na pinuntahan ng PGT para maghanap ng natatanging Pinoy acts. Makapasa naman kaya ang singing secu sa mga hurado at maka-usad sa susunod na round? Laging tumutok sa patuloy na pagpapakita ng galing ng Pinoy sa “Pilipinas Got Talent,” sa pangunguna ng hosts na sina Luis Manzano at Billy Crawford, tuwing Sabado, 9 PM, at Linggo, 8:30 PM sa ABS-CBN.

'My Binondo Girl' Teaser


Check out the teaser trailer of ABS-CBN's upcoming teleserye "My Binondo Girl."

Leading the cast are Kapamilya primetime princess Kim Chiu in a dual role (Belinda Young / Marcus Jung) and her three leading men Xian Lim, Matteo Guidicelli and Jolo Revilla.

Also in the cast are Laureen Uy, Glydel Mercado, Cherie Pie Picache and Ai Ai delas Alas.


My Binondo Girl - Trailer:

Kuya Kim, Mag-Referee sa mga Hayop


May matinding sagupaan sa animalandia at dadalhin tayo ni Kuya Kim roon para masaksihan mismo ang hayop sa hayop na bakbakan.

Tunghayan sa unang round ang banggaan ng mga prey at predator. Nakapila para magpasiklab ang rodents laban sa raptors, baboons laban sa leopards, at buffaloes laban sa mga leon.

Mas matindi naman ang laban sa pagitan ng mga predator at predator kung saan magtutunggali ang dalawa sa pinaka-notorious na hayop— ang mga leon at mga hyena.

Sino ang dehado at sino ang panalo sa kumpetisyong ito?

Tunghayan ang lahat ng ito sa ”Matanglawin” ngayong Linggo (July 31), 9:30 AM sa ABS-CBN.

P1 Billion Coffee Scam, Hihimayin ni Ted Failon sa 'Failon Ngayon'

Pumutok kamakailan ang diumano’y mga anomalya sa dating pamamahala ng Philippine Amusement and Gaming Corporation o PAGCOR kabilang na ang paggastos raw nito ng isang bilyong piso para lang sa kape.

Mula 2001 hanggang 2010, tinatayang umabot na nga sa naturang halaga ang nagastos ng PAGCOR para sa kapeng nagmumula sa supplier na tinukoy bilang si Carlota Tan, asawa ni Johnny Tan na may-ari naman ng Clark Speedway at tumakbong second nominee sa BIDA (Batang Iwas Droga) party list.

Matatandaang ang BIDA party list ay binigyan ng milyon-milyong pondo ng PAGCOR sa ilalim ni dating Chairman Efraim Genuino bilang suporta noong 2010 halalan kung saan firstnominee ang anak mismo ni Genuino na si Sheryl-Genuino See.

Ngunit ayon kay Carlota, walang nangyaring bidding nang siya'y nag-apply para makuha ang franchise ng kape sa PAGCOR dahil hindi ito kinakailangan nung panahong iyon. Tungkol naman sa umano'y mataas na presyo ng kape sa PAGCOR, pareho rin daw ang halaga ng kape na binebenta sa PAGCOR at sa labas.

Kaya rin daw "Lot Manalo" ang ginamit niyang pangalan sa pag-apply para sa business name ay dahil sa loob ng dalawampung taon na siya'y nag-nenegosyo, mas kilala siya sa ganitong pangalan at ayaw na rin daw niyang isama ang asawa niya sa isyung ito para hindi magkaroon ng bahid pulitika.

Ano ba talaga ang katotohanan sa likod ng panibagong iskandalong ito?

Tunghayan ang buong report ni Ted Failon ngayong Sabado (July 30) sa “Failon Ngayon,” 4:45 PM pagkatapos ng “ABS-CBN News and Current Affairs Special Report.”

Friday, July 29, 2011

ASAP Rocks Favorites Ngayong Linggo

Ang inyong paborito at numero unong musical variety show tuwing Linggo, ang“ASAP Rocks,” ay maghahatid ng kakaibang kilig kasama ang "most desired kapamilya superstars" na sina Piolo Pascual, Sarah Geronimo, Billy Crawford, KC Concepcion, Sam Milby, Toni Gonzaga, Luis Manzano, Anne Curtis, Vice Ganda, Cristine Reyes, Gerald Anderson, Kim Chiu, Nikki Gil, Kathryn Bernardo, Julia Montes at Coco Martin.

Magpapamalas ng world-class performances ang mga paboritong music icons na sina Gary Valenciano, Vina Morales at Zsazsa Padilla kasama ang sensational singing favorites na ASAP Sessionistas, ASAP Champions, ASAP Pinoy Champs - Jovit Baldivino, Yeng Constantino, Angeline Quinto at Marcelito Pomoy.

Hahataw naman ng awesome dance routines ang "most wanted ASAP Supahdance stars" na sina John Prats, Rayver Cruz, Gab Valenciano, Maja Salvador, Karylle, Shaina Magdayao, Iya Villania, Empress, Jessy Mendiola, Enchong Dee, Sam Concepcion, Bugoy Carino with the Supahkids at "Maria la del Barrio" star Erich Gonzales.

Huwag palalampasin ang paboritong Sunday party sa balat ng telebisyon. "ASAP Rocks" 12 :15 ng tanghali ngayong Linggo.Para sa karagdagang updates, litrato at upang magkaroon ng tsansang maka-hang out ng live kasama ang mga stars ng ASAP Chill-Out, bumisita lamang sa http://asap.abs-cbn.com/.

Singing Heartthrobs, Makapasa Kaya sa mga Hurado ng 'Pilipinas Got Talent'?

Kikiligin na naman ang sambayanan dahil ngayong Sabado (July 30) dalawang heartthrobs ang magpapakita ng kanilang talento at susubukang makuha ang boto ng mga hurado sa nangungunang talent-reality show sa bansa na “Pilipinas Got Talent.” Ipamamalas ng 18 taong gulang na si Lou Angeline Ulanday ng Balanga, Bataan at 15 taong gulang na si Khalil Joseph Ramos ng Paranaque City ang kanilang husay sa pagkanta at patutunayang hindi lang sila basta maganda at gwapo. Ilang talented heartthrobs na rin ang nakilala sa PGT noong nakaraang mga season tulad ni Markki Stroem at Jem Cubil.

Ngayong season three, halos 80 siyudad at munisipalidad sa bansa ang personal na pinuntahan ng PGT para maghanap ng natatanging Pinoy acts. Pumasa naman kaya sina Lou Angeline at Khalil? O kailangan pa nilang mag-practice at bumalik sa susunod na season? Alamin ngayong Sabado (July 30) sa “Pilipinas Got Talent,” 9 PM, sa pangunguna ng hosts na sina Luis Manzano at Billy Crawford, sa ABS-CBN. Mapapanood din ito tuwing Linggo, 8:30 ng gabi.

Thursday, July 28, 2011

More 'Growing Up' Teasers Released

Kiray is Growing Up!



Diego is Growing Up!



Daniel is Growing Up!



EJ is Growing Up!

Atty. Koko Pimentel, Matapang na Haharap sa 'The Bottomline with Boy Abunda'

Ngayong Sabado (Hulyo 30) sa "The Bottomline with Boy Abunda," uupo sa hotseat ang kontrobersyal na anak ni Senador Nene Pimentel na si Atty Koko Pimentel.

Sa murang edad pa lang, kinamulatan na ni Koko ang mundo ng pulitika at nasaksihan na niya ang pagsisikap ng kanyang ama bilang mambabatas. At dahil na rin sa impluwensya nito, nag-abogasiya rin si Koko at naging topnotcher pa sa bar exam.

Ngunit tila mailap ang kapalaran kay Koko na maging public official dahil hindi siya pinalad manalo bilang alkalde sa kanilang probinsya sa Cagayan de Oro. At naging kontrobersyal din dahil sa kanyang pagkatalo noong 2007 senatorial elections laban kay Miguel Zubiri. Sa pagkakataong ito, mukhang papabor na sa kanya ang tadhana dahil kamakailan lamang ay nagpatotoo na sina Lintang Bedol at Zaldy Ampatuan na may naganap na dayaan sa eleksyon sa Maguindanao. Ano ang epekto nito sa protestang ipinaglalaban niya sa loob ng mahabang panahon? Umaasa pa ba siyang may hustisya matatanggap sa kamay ng Senate Electoral Tribunal (SET) na siyang lumilitis ng kanyang protesta? At sa karanasan niyang ito, may balak pa ba niyang tumakbo sa darating na 2013 elections?

Mainit, matapang at malalim na talakayan na naman ang inyong masasaksihan ngayong Sabado sa “The Bottomline with Boy Abunda” pagkatapos ng primetime telecast ng Banana Split sa ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com o sundan ang abscbndotcom sa Twitter.

Enrique Gil Topbills Indie Flick 'Diego and His Brothers'



It is World War II and the Japanese have begun occupation in the Northern part of the Philippines. Three brothers now find themselves on a journey in search of an aircraft to help them escape from the Japanese occupation. For the youngest brother, Diego (Julijo Pisk), this journey is all but a game created by his eldest brother, Tomas (Pica Lozano). However, for Tomas, it is a constant struggle to find a balance between attending to the needs of Diego whilst still focusing his energy to help their other brother, Anton (Enrique GIl), find the aircraft.


This film was made possible through the Russell Hexter Filmmaker Grant. Produced at New York University, Tisch School of the Arts, Maurice Kanabar Institute of Film and Television.

This film was produced for The Advanced Production Film class at NYU.

Pakyaw's First Black Bag Winner Revealed

Would you spend P2,000 for an item you didn’t know?

Well, that’s what risk-taking shopper Richard Benson Co did when he won the chance to buy Pakyaw’s first Black Bag last Friday! Here’s a clip of his experience as Pakyaw’s first winner!


- CLICK HERE TO WATCH THE VIDEO -


“I’m speechless. I wasn’t expecting this. I thought it’s an iPod Touch or something. Thank you very much, Pakyaw!” Mr. Co said, feeling very excited about his purchase.

Congrats to Richard Benson Co for winning an awesome 32” Samsung LCD TV!

Since Pakyaw, an online group-buying site, came out with this thrilling promo, hundreds of users have been signing up for a chance to buy the mysterious contents of Pakyaw’s Black Bag. If you missed out on joining the first Black Bag, now is the perfect chance to sign up! You could be the next winner of the biggest thing to ever hit Pakyaw!

Visit the Pakyaw Facebook page or http://www.pakyaw.com.ph for more details!

A Singer, A Swimmer, A Fine Arts Student Named Newest MYX VJs



MYX, the country’s No.1 music channel, proudly named RnB sweetheart K-La Rivera, swimming hottie Mike Advincula and quirky Fine Arts student Joyce Pring as its newest music video ambassadors in the MYX VJ Search 2011 finals night held Wednesday (July 27) at The Block activity center, SM City North Edsa.

Despite the heavy rains brought by typhoon “Juaning,” fans filled the venue to witness this historic announcement and the performances of the MYX VJ finalists themselves, Chavacano band Maldita, Callalily lead vocalist Kean Cipriano and electronica music-artist Somedaydream.

VJ K-La, the Filipina-Canadian who first started her stardom journey via ABS-CBN’s hit singing competition “Star Power,” said becoming a MYX VJ was really “a dream come true.” Now she’s excited with her new stint, and she looks forward to just having fun.

“I would love to balance both singing and being a MYX VJ. But right now, I’m really focused on developing myself as a VJ. I’m working on my Tagalog,” said VJ K-La.

When asked how she will feel if she’ll be introducing her own music video as a MYX VJ, she said: “That’s another level. What more can I ask for?”

VJ Mike, the captain of the De La Salle University swimming team, on the other hand, believes his “unpredictable” personality have encouraged MYX fans to vote for him. He was also surprised with the outpouring of support his family gave during the finals night.

“I started out as a quiet guy, then unti-unti kong inilabas ang tunay na kulay ko and it really worked out. So, I’m really excited to live a new life, because ever since I’ve been living a life as a student athlete,” he said.

In joining this year’s MYX VJ Search, the 6’1” swimmer actually sought the advice of his team mate Enchong Dee, who is also one of Kapamilya network’s brightest leading men. Enchong’s advice seems to have brought Mike to victory.

“When I entered the competition, I asked Enchong right away. What shall I do? Then he advised me to just be myself,” VJ Mike shared.

For University of the Philippines Fine Arts student VJ Joyce, spontaneity and her quirky character are just some of what she can offer. She thanked her fans, who call themselves the “Pringles” for believing in her.

“I am beyond ecstatic and blessed to have this opportunity. I never expected to win this competition because my co-finalists are very talented and charming.”

Her win may be unexpected for her, but VJ Joyce never considered herself as a small fry. “I don’t think you should enter into a competition when you think you’re an underdog. So you really have to believe in yourself. No one will believe in you, unless you believe in yourself.”

Filipino-American stunner Drew was also a big winner of the night, as he received two special awards—as winner of SM Accessories challenge together with VJ Joyce, and as Coca-Cola Happiness VJ together with Cara.

Members of the audience kept on screaming as Kean, who will be the MYX Celebrity VJ for the month of August, sang “Wala Na Tayo.” While Somedaydream, the Philippines' answer to American electronica act Owl City and Zamboanga-based band Maldita drew cheers and applause from the very appreciative teen crowd.

The MYX VJ Search finalists also showed off their confidence on the catwalk in a mini fashion show showcasing SM Accessories. They also enthralled everyone with their dance number.

Now on its fifth year, the MYX VJ Search has produced well-loved hosts like sophomore VJs Chino Lui Pio, Bianca Roque and Janine Ramirez, and freshman Robin Nievera. Senior VJs Luis Manzano, Nikki Gil and Iya Villania are now well-recognized as hosts and are busy hosting more than one show on MYX and ABS-CBN.

Always tune-in to MYX (SkyCable Channel 23) for the hottest news on this year’s MYX VJ Search. For more information, log-on to www.myxph.com and join the one-miilion-and-growing-fans of the MYX Philippines fanpage on Facebook: www.facebook.com/MYX.Philippines - one of the biggest in the entire Philippines!

Wednesday, July 27, 2011

Azkals, David Beckham Gagawa ng Kasaysayan sa Studio 23

Mistulang fiesta bukas (Hulyo 28) para sa mga Pilipinong football fans dahil ihahatid ng ABS-CBN Sports ang dalawang malalaking laban tampok ang mga sikat na football superstars na sina David Beckham at Thierry Henry at ang sarili nating Philippine Azkals football team sa Studio 23.

Bago pa man sumipa sina Phil Younghusband, Chieffy Caligdong, at Neil Etheridge para sa Azkals laban sa Kuwait, haharapin muna ng mga Major League Soccer (MLS) All-Stars na sina Beckham at Henry ang premyadong koponan na Manchester United ng English Premier League para sa MLS All-Star game ngayong taon.

Ikalawang sunod na pagsabak na ito ng Manchester United Red Devils, sa pangunguna nina Wayne Rooney, sa MLS All-Star Game. Noong 2010, tinalo nila ang All-Stars sa score na 5-2.

Alamin kung makakabawi ang MLS All-Stars sa kanila via satellite mula sa Red Bull Arena sa New Jersey, USA sa Studio 23 ng 8:30am.

Samantala, susubukan ding gumanti ng Philippine Azkals sa Kuwait sa ikalawang leg ng kanilang World Cup Qualifying match bukas din (Hulyo 28) sa Rizal Memorial Stadium naman.

Kailangang bumawi ang Team Azkals sa 0-3 na pagkatalo nila sa unang paghaharap nila sa Kuwait. Malakas naman ang kumpiyansa ng koponan at ng kanilang mga taga-suporta dahil magbabalik na ang mga nasuspindeng player na sina Stephan Schrock at team captain Aly Borromeo.

Abangan ang makasaysayang pag-atake ng Azkals sa Studio 23 ng 5:30pm. Panoorin muli ang kanilang laban sa replays sa Biyernes (Hulyo 29) ng 3pm sa Balls Channel at sa Sabado (Hulyo 30) ng 7am sa ABS-CBN Channel 2.

Tuloy ang football fever sa bansa bukas. Huwag palampasin ang MLS All-Stars vs. Manchester United sa ganap na 8:30am at Azkals vs. Kuwait naman sa 5:30pm sa Studio 23.

Maria La Del Barrio Papainitin ang Tag-Ulan!


Buong pagmamalaking inihahandog ng ABS-CBN at Televisa ang kuwento ng pag-ibig na garantisadong magpapa-init sa tag-ulan simula August 15. Itinatampok sa "Maria La Del Barrio" ang dalawa sa hottest stars ngayon,sina Erich Gonzales at Enchong Dee na magbibigay buhay sa mga karakter nina Maria Hernandez at Luis Dela Vega.

Mula sa masusing direksyon nina Rory B. Quintos at Richard Somes, iikot ang istorya ng "Maria La Del Barrio" buhay at pag-ibig ni Maria Hernandez na hinahanap ang kanyang tunay na pagkatao.

Kabilang din si Angel Aquino na gaganap bilang Victoria Montenegro-Dela Vega na asawa ni Ian Veneracion na unang minahal si Assunta de Rossi na siyang ina ni Maria.

May special role din ang Comedy Queen na si Ms. Aiai delas Alas na gaganap bilang Casilda, ang kukupkop kay Maria.

Tampok din si Paw Diaz na nagbabalik telebisyon bilang Soraya, ang hahadlang sa pag-iibigan nina Maria at Luis. Matatandaang batchmate ni Erich si Paw sa Star Circle Quest kasama si Arron Villaflor na gaganap naman bilang Vladimir na umiibig kay Maria.

Makakasama din sina Jake Roxas, Katya Santos, Gio Alvarez, Atoy Co, Jane Oineza, Badjie Mortis at K Brosas.

Karamihan sa mga eksena ay kinunan sa matulaing bayan ng Tagaytay at Cavite, at mula sa panulat ng grupo nina Denise O’Hara at Henry Quitain, kakaibang kilig ang hatid ng "Maria La Del Barrio.”
“Pinaghirapan po namin ang bawat eksena at mas pinaganda pa para mas lalo ninyong ma-enjoy ang panonood,” pahayag ni Erich sa isang interview.

“When I learned that I’ll be working with Erich again, sobrang natuwa ako siyempre. Masarap siyang katrabaho,” bulalas naman ni Enchong.

Simula ngayong Agosto 15, saksihan ang pakikipagsapalaran at ang pagtupad sa kanyang mga pangarap ni "Maria La Del Barrio" sa ABS-CBN Primetime Bida.

-- MORE PICTURES HERE --

Support Azkals! Dog Tags, Caps, Watches, Men's Padded Shirts Now Available

“We Believe,” goes the campaign of the Philippine National Football team, or the Azkals, which aims to bring the team closer to the fans and make the public aware that the team’s victory is also the nation’s triumph. Now that the Azkals is about to face team Kuwait, they’re once again calling for our countrymen’s support by wearing Azkals merchandise such dog tags, emblem and logo caps, watches, and men's padded shirts, which are now available in the ABS-CBN Store, http://abscbnstore.multiply.com. Reservations and bulk orders can also be made through store@abs-cbn.com. Meanwhile, ABS-CBN Sports airs live the leg two of Philippines versus Kuwait match on Studio 23 at 5:30pm, with replays on July 29, 3p.m. on Balls Channel and on July 30, 7a.m. on ABS-CBN Channel 2.

David Beckham, Azkals Gagawa ng Kasaysayan sa Studio 23

Mistulang fiesta bukas (Hulyo 28) para sa mga Pilipinong football fans dahil ihahatid ng ABS-CBN Sports ang dalawang malalaking laban tampok ang mga sikat na football superstars na sina David Beckham at Thierry Henry at ang sarili nating Philippine Azkals football team sa Studio 23.

Bago pa man sumipa sina Phil Younghusband, Chieffy Caligdong, at Neil Etheridge para sa Azkals laban sa Kuwait, haharapin muna ng mga Major League Soccer (MLS) All-Stars na sina Beckham at Henry ang premyadong koponan na Manchester United ng English Premier League para sa MLS All-Star game ngayong taon.

Ikalawang sunod na pagsabak na ito ng Manchester United Red Devils, sa pangunguna nina Wayne Rooney, sa MLS All-Star Game. Noong 2010, tinalo nila ang All-Stars sa score na 5-2.

Alamin kung makakabawi ang MLS All-Stars sa kanila via satellite mula sa Red Bull Arena sa New Jersey, USA sa Studio 23 ng 8:30am.

Samantala, susubukan ding gumanti ng Philippine Azkals sa Kuwait sa ikalawang leg ng kanilang World Cup Qualifying match bukas din (Hulyo 28) sa Rizal Memorial Stadium naman.

Kailangang bumawi ang Team Azkals sa 0-3 na pagkatalo nila sa unang paghaharap nila sa Kuwait. Malakas naman ang kumpiyansa ng koponan at ng kanilang mga taga-suporta dahil magbabalik na ang mga nasuspindeng player na sina Stephan Schrock at team captain Aly Borromeo.

Abangan ang makasaysayang pag-atake ng Azkals sa Studio 23 ng 5:30pm. Panoorin muli ang kanilang laban sa replays sa Biyernes (Hulyo 29) ng 3pm sa Balls Channel at sa Sabado (Hulyo 30) ng 7am sa ABS-CBN Channel 2.

Tuloy ang football fever sa bansa bukas. Huwag palampasin ang MLS All-Stars vs. Manchester United sa ganap na 8:30am at Azkals vs. Kuwait naman sa 5:30pm sa Studio 23.

Randy, John at Rico, Handang Handa na Para sa Gagawing Album


“Na Na Na Na Na,” iyan ang titulo ng kantang pinaghahandaan ngayon ng patok na patok “Happy Yipee Yehey!” (HYY) hosts na sina Randy Santiago, John Estrada at Rico J Puno. Ang nasabing awitin ay ang magiging carrier single ng HYY album, kung saan tampok din ang iba pang host ng noontime show. Sa recording nito at dance rehearsals kahapon, nagpahayag ang tatlo ng kanilang pasasalamat sa mainit na pagtanggap ng taong-bayan sa kanilang kwelang-kwelang tambalan. Kaya naman kasama ang iba pang hosts masigasig silang lalong pagandahin at pasayahin ang HYY. Para sa mga updates, i-follow ang HYY sa Twitter, http://twitter.com/#!/hyyofficial

Photo Credit: Allan Sancon

Tuesday, July 26, 2011

Kapakanan ng mga OFW, Ipaglalaban ni Henry Omaga-Diaz sa 'Krusada'

Kawalan ng oportunidad sa sariling bayan ang nagtutulak sa iba nating kababayan na mangibang bansa, kung saan may trabahong naghihintay para sa kanila, at mas mataas ang pasahod.

Sa ngayon, may 1.7 million na ang mga OFW sa iba’t ibang panig ng mundo. Ngunit kada taon, marami ring mga OFW ang umuuwi sa Pilipinas ng walang-wala---ang iba pa ay inabuso ng amo o nadisgrasya sa trabaho.

Krusada ni Henry Omaga-Diaz na tulungan ang mga OFWs na makabangon mula sa mga paghihirap na naranasan nila sa ibang bansa. Kaya ngayong Huwebes (Hulyo 28) sa “Krusada,” ipaglalaban niya na mabigyan sila ng bagong oportunidad sa loob man o sa labas ng Pilipinas.

Iba-iba ang karanasan ng mga Overseas Filipino Workers. May mga tulad ni Steve Tamayo, dating waiter at janitor sa Saudi Arabia at Kuwait, na ngayon ay umasenso na at may-ari ng sikat na Tamayo’s Catering.

Si Ma. Fe Muya naman ay nagpabalik-balik sa Singapore bilang isang domestic helper noong 1995. Tiniis niya ang paninigaw ng amo hanggang sa napilitang umuwi sa Pilipinas noong 2007 nang ipasailalim siya sa prostitusiyon ng kaniyang amo. Ngunit hindi pa rin natigilan si Ma. Fe. Muli siyang sumubok sa Singapore. Matutupad na kaya niya ang kanyang mga pangarap ngayon?

Alamin kung anu-ano ang mga programa ng gobyerno para sa ating mga OFW. Paano ba natin sila matutulungan na bumangon at maiayos ang kanilang mga buhay tungo sa kaginhawahan?

Dahil ang tunay na paninindigan ay hindi puro salita lamang, makinig at makiisa sa “Krusada” ni Henry-Omaga Diaz sa Huwebes, (Hulyo 28), pagkatapos ng “Bandila” sa ABS-CBN. Mag-komento rin sa Krusada Facebook fanpage http://facebook.com/Krusada.

Pilipinas Got Talent Hopeful na Synergy, Puwede Ilaban sa Cirque du Soleil


Parang nanood ng world class act na Cirque Du Soleil ang mga Pinoy sa mismong mga bahay nila matapos magpamalas ng husay sa pag-sirko ang “Pilipinas Got Talent 3” auditionee na Synergy mula pa sa San Carlos City, Negros Occidental noong Linggo (July 24). Namangha talaga ang lahat at maging ang mga huradong sina Kris Aquino, Ai Ai Delas Alas, at Freddie Garcia ay napabilib sa mapangahas at ika nga’y buwis buhay nilang act. PGT season one pa lang ay nais na ng grupo na sumali sa nangungunang talent-reality show sa bansa ngunit malayo sa kanila ang mga isinasagawang auditions. Nabuhayan sila ng loob ng nagpa-audition ang programa sa Bacolod City. Sa katunayan, nag-renta pa sila ng van para maikarga ang kanilang props at kagamitan. Isa lamang ang Bacolod City sa halos 80 siyudad at munisipalidad sa bansa na personal na pinuntahan ng PGT para maghanap ng natatanging Pinoy acts. Synergy na kaya ang tatanghaling grand winner para sa edisyong ito ng PGT at mananalo ng P2 milyon? Tunghayan ang patuloy na pagpapakita ng galing ng Pinoy sa “Pilipinas Got Talent,” tuwing Sabado, 9 PM, at Linggo, 8:30 PM sa ABS-CBN.

Ethel, Phoemela, at Miriam, Talyer Girls sa 'I Dare You'

Kayanin kaya nina Ethel Booba, Phoemela Barranda, at Miriam Quiambao ang maging talyer girls? Panoorin sila ngayong linggo sa reality show na “I Dare You” kung saan sasabak sila sa mahirap na trabaho ng pagme-mekaniko. Para sa Bidang Kapamilya na si Ilay Salgo, isang mekanikong nawalay sa pamilya, haharapin nila ang samu’t saring challenges kasama ang host na si Iya Villania, sa kaniyang unang beses na pagsabak sa hamon. Ano-ano kaya ang matutunan nina Iya sa kanilang kakaibang karansan sa talyer? Abangan din ang mga sorpresa ni Jericho Rosales at ang kuwelang moments ni Melai Cantiveros kasama ang mga naguguwapuhang Masculados Dos. Huwag palampasin ang pagpapatuloy ng mga hamong hinding-hindi dapat urungan sa “I Dare You,” mula Lunes hanggang Biyernes, bago mag “Mula sa Puso” sa ABS-CBN.

Alan, Talo sa Laban ng mga Lider sa 'The Biggest Loser Pinoy Edition'

Ligtas ang lider ng dating Red Team na si Art at pinaalis naman ang lider ng dating Blue Team na si Alan Choachuy sa naganap na botohan ng mga natitirang Bigating Pinoy ng “The Biggest Loser Pinoy Edition” noong Lunes (Hulyo 25).

Humarap ang dalawa sa naganap na elimination ceremony, kung saan nakakuha ng limang boto si Alan, dahil sila ang dalawang pinakamababa ang porsiyento ng timbang na nabawas.

Iba sana ang ihip ng hangin kung natalo ng tambalang Ryan at Eboy, ang mga pambato ng original contestants, ang mga bagong pasok na wild cards na sina Andy at Leigh sa weigh-in. Malayo ang 3.31% na naitala nina Andy at Leigh sa 3.02% nina Eboy at Ryan.

Gayunpaman, tinanghal namang Biggest Loser of the Week si Ryan (4.72%), na natulungan ng five point weight advantage na nakuha niya matapos manalo sa Temptation challenge.

Samantala, hindi man lubos na nagpakita ng emosyon, umamin si Alan na mami-miss niya ang mga kasamahan sa camp dahil pamilya na ang turing nila sa isa’t isa.

“Unang-una si Larry, kasi siya ang lagi ko kasama. Si Art kasi pareho kaming lider sa grupo namin at lagi naming pinapalakas ang loob ng isa’t isa. Si Angela is super sweet at pakiramdam ko para ko siyang nakababatang kapatid,” pagbabahagi niya.

Dagdag pa ni Alan, nais niyang maranasan ni Angela at ng asawa nito kung ano ang nadama niya at ng asawang si Caroline nang ipanganak ang kanilang unico hijo. Ang magka-baby kasi ang layunin ni Angela sa pagpasok sa Biggest Loser.

Sa kasalukuyan, patuloy ang pagbaba ng timbang ni Alan, na lumalahok na ngayon sa mga fun run. Aniya, dala pa rin niya ang mga natutunan sa loob ng camp.

“Hindi kailanman huli para magbago. At saka bago mo baguhin ang ibang tao, tignan mo muna ang sarili mo sa salamin. Magsimula ka sa sarili mo at maging magandang halimbawa,” aniya.

Ngayong linggo, sasabak sina Angela, Andy, Art, Eboy, Hazel, Larry, Leigh, Raffy, Ryan, at Winwin sa samu’t saring trabaho tulad ng pagbubuhat sa planta ng yelo, paninilbihan sa isang poultry at talyer, para manalo ng kanilang pangkain. Alamin kung anong alternatibong lutuin ang itinuro ng resident nutritionist na si Nadine Tengco sa mga bigating Pinoy habang wala silang pangkain.

Abangan din ang fashion show tampok ang mga na-makeover na bigating Pinoy pati na rin ang kuwento sa namumuong tensyon sa pagitan ni Eboy at ng ibang contestant. Lahat ng iyan sa isa na namang makapagbagong-buhay na linggo sa “The Biggest Loser Pinoy Edition,” pagkatapos ng “Minsan Lang Kita Iibigin” sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

Charice is an Acuvue Endorser in the US

Sunday, July 24, 2011

Sona ng Bayan, Didinggin sa 'Patrol ng Pilipino'

Kasabay ng taunang “State of the Nation Address” (SONA) ng Pangulo ang sariling “SONA” sa kalsada ng mga militanteng grupo na tila mga beterano na ng iba’t ibang rally.

Tangan ang mga placard, effigy, jingle at speech, ipinahahayag nila ang ‘di na maubos na mga hinaing ng mga Pinoy sa kasalukuyang gobyerno.

Samahan si ABS-CBN correspondent Jeck Batallones sa kaniyang pagsama sa pakikibaka ng mga grupong naghahanda para sa “People’s SONA” ngayong Martes (Hulyo 26) sa “Patrol ng Pilipino.”

Totoo nga bang wala nang ginawang tama ang sinumang nagiging pangulo ng Pilipinas? Dinggin ang kanilang ipinaglalaban sa ulat ni Jeck.

Samantala, tatalakayin naman ni ABS-CBN correspondent Chiara Zambrano ang nagaganap na tensyon sa pagitan ng Pilipinas at Tsina dahil sa Spratly Islands. Gaano nga ba kabigat ang laban ng Pilipinas na maangkin ang mga islang anila’y puno ng natatagong yaman?

Alamin ang mga kuwento sa likod ng mga balita sa “Patrol ng Pilipino,” Martes (Hulyo 26) , pagkatapos ng “Bandila” sa ABS-CBN.

Saturday, July 23, 2011

Sarah Geronimo Duets with Maria Aragon in ASAP Rocks

Friday, July 22, 2011

Mundo ng Pinoy Psychics sa 'ABS-CBN News and Current Affairs Special Report'

Ngayong Sabado (23 July), sasaliksikin ng "ABS-CBN News and Current Affairs Special Report" ang mundo ng Pinoy Psychics. Idodokumento ng programa ang mga taong nagtataglay diumano ng psychic abilities, mula sa mga psychic reader, psychic healers, at ang mga taong nagsasabi na mayroon silang telekinetic powers.

Bibigyang diin din ang mga cultural at sosyolohikal na aspeto kung bakit tayong mga Pilipino ay manghang mangha sa mga psychics. Sa katunayan marami sa atin ang kumokonsulta sa mga psychic healers at readers sa Quiapo.

Tunay nga bang sila’y nagtataglay ng kakaibang kapangyarihan? O isa lamang itong paaran upang magpasikat? Tunghayan lahat ng ito ngayong Sabado (July 23), 4 PM.

Pagkatapos nito, bibigyang solusyon at aksyon ni Ted Failon ang mga isyu sangkot ang mga menor de edad na biktima ng panghahalay. Si “Dianne," 15-taong gulang pa lamang ngunit limang buwang buntis na. Isa lamang sya sa mga napakaraming biktima at nagiging isang “sex slave”.

Paano maihahanda ni Dianne ang kanyang sarili sa kanyang maagang pagdadalang-tao? Samahan siya sa kanyang laban upang makamit ang hustisya sa "Failon Ngayon," Sabado (23 July) pagkatapos ng "ABS-CBN News and Current Affairs Special Report."

YouTube Sensation Maria Aragon Pasok sa 'ASAP Rocks' Ngayong Linggo

Isang action packed Sunday ang nakakasa sa "ASAP Rocks" kasama ang mga naglalakihang kapamilya stars na sina Gary Valenciano, Piolo Pascual, KC Concepcion, Sam Milby at birthday celebrator na si Sarah Geronimo.

Umuusok na vocal face off mula kina Martin Nievera, Zsazsa Padilla, Yeng Constantino, Erik Santos, Marcelito Pomoy, Zia Quizon, Marie Digby, ASAP Sessionistas at You Tube sensation Maria Aragon.

Makapigil-hiningang dance showdown ang hatid nina Kim Chiu, Maja Salvador, Empress, Nikki Gil, Iya Villania, Shaina Magdayao, Erich Gonzales, Jessy Mendiola, Enchong Dee, Melai Cantiveros, Rayver Cruz, Gab Valenciano, "Good Vibes" stars Sam Concepcion, Bret Jackson and James Reid,XB Gensan, Freestylers, G-Force at birthday celebrator Diether Ocampo.

Adrenalin rush naman ang hatid ng mga hardcourt hotties na sina David at Anthony Semerad ng San Beda Lions, Kirk Long at Nico Salva ng Ateneo Blue Eagles at mula sa De La Salle Green Archers bibida sina Joshua Webb at ang na-lilink kay kay Kim Chiu na si Simon Atkins.

Bubulusok na ang mga heartpounding acts sa "ASAP Rocks" ngayong Linggo, 12:15 ng tanghali.Para sa karagdagang updates, litrato at upang magkaroon ng tsansang maka-hang out ng live kasama ang mga stars ng ASAP Chill-Out, bumisita lamang sa http://asap.abs-cbn.com/.

Thursday, July 21, 2011

Limited Edition UAAP Hand Sanitizers to be Sold at Watsons

To start this year’s University Athletic Association of the Philippines (UAAP) games with “clean hands,” Watson's, one of the world's leading names in health and beauty retail partnered with ABS-CBN Licensing to sell the limited edition UAAP Hand Sanitizers next month at Watsons outlets in Metro Manila and other parts of Luzon. The sanitizer holders, which can be hung in bags, have eight colors, representing each UAAP member teams—Blue Eagles, Green Archers, Fighting Maroons, Growling Tigers, Tamaraws, Red Warriors, Bulldogs and Soaring Falcons. For every purchase, a portion goes to UAAP's fund for its athlete scholars.

Photo shows (L-R) ABS-CBN Licensing Head Karen Coloma and Head of Special Projects-Office of the President Leo Katigbak, and Watsons Personal Care Stores Inc. (Philippines) chief operating officer Robert U. Sun, Health Business Unit director Lyle Joseph A. Morrell and Marketing director Ma. Victoria H. Encarnacion.

Buhay Matanda, Dinanas nina Vice Ganda, Jason Abalos at Angeline Quinto sa 'I Dare You'

Nagpanggap na lolo si Vice Ganda, nagsilbing caregiver si Jason Abalos, at naging tagapaglinis naman si Angeline Quinto matapos tanggapin ang hamon nina Jericho Rosales, Iya Villania, at Melai Cantiveros sa bagong inaabangang reality show na “I Dare You.” Ilan lang iyan sa iba’t ibang sakripisyong ginawa ng tatlong sikat na Kapamilya sa kanilang pagpasok sa buhay ng mga matatanda. Pawang mga laki sa lolo’t lola, hindi naging mahirap para sa tatlo ang mapamahal sa mga matandang nakilala. Kaya naman ipinakita nila ang pagiging maka-lolo at maka-lola nila sa pagbibigay ng kanilang lahat sa bawat hamon. Abangan ang madamdaming pagtatapos ng kanilang challenge bukas (Hulyo 22) at alamin kung sino kina Vice, Jason, at Angeline ang mananalo ng reward para sa Bidang Kapamilya sa “I Dare You,” bago mag-“Mula sa Puso” sa ABS-CBN.

Wednesday, July 20, 2011

Kampanya Para sa Renewable Energy, Isusulong ni Karen Davila

Magbabalik si Karen Davila sa ABS-CBN current affairs program na “Krusada” para ikampanya ang paggamit ng Renewable Energy o enerhiyang nagmumula sa mga likas na yaman.

Para kay Karen, Renewable Energy ang solusyon sa mga hinaing ng bayan kaugnay sa kuryente. Sa kasalukuyan, mahigit 26 porsyento ng mga Pilipino ang wala pa ring kuryente. Ang iba naman, may kuryente nga subalit namo-mroblema sa pagtaas ng singil para dito.

Tulad ni Karen, suportado ng independent organization na Greenpeace ang krusada para sa Renewable Energy. Ayon sa kanila, kaya ng Pilipinas maabot ang 50% na paggamit ng Renewable Energy sa taong 2020.

Isa sa mga matagumpay na proeykto gamit ang Renewable Energy tulad ng solar energy ang Ride for Light project sa Mindoro kung saan hindi lang lumago ang kabuhayan ng mga pamilyang nabigyan ng solar home kit, bumuti pa ang kalusugan ng kanilang mga anak.

Tunghayan ang pagbibigay liwanag ng Renewable Energy sa mga komunidad at ang epekto ng ilaw sa kanilang pamumuhay. Makinig at makiisa sa “Krusada” ni Karen Davila, dahil ang tunay na paninindigan ay hindi puro salita lamang.

Panoorin ang kaniyang pakikibaka ngayong Huwebes (Hulyo 21) sa ABS-CBN Channel 2, pagkatapos ng “Bandila.”

DZMM, Naging Tulay sa Pagbabalik ng Tapat na Taxi Driver ng Mga Sapatos ni Ruffa

Mistulang “Cinderella” ang aktres at TV host na si Ruffa Gutierrez kahapon (Hulyo 20) sa programang “Aksyon Ngayon” sa DZMM, matapos maibalik sa kaniya ang mga mamahaling sapatos na naiwan ng kaniyang assistant sa taxi na minamaneho ni Ariel Dalangin.

Sa DZMM tumakbo si Ariel noong Martes (Hulyo 19) matapos matagpuan sa kaniyang sasakyan ang anim na pares ng sapatos, na ayon kay Ruffa ay nagkakahalaga ng $4,000 sa kabuuan. Lubos naman ang pasasalamat ng aktres sa DZMM dahil aniya’y importante ang mga sapatos na ito sa kaniya. Napayakap pa si Ruffa kay Ariel at binigyan din niya ito ng personalized card at kaunting halaga. “Sana makatulong sa inyo ang kaunting pabuya mula sa akin at sana’y tularan din kayo ng ibang taxi driver,” aniya.

Samantala, niregaluhan din ng mga anchor ng programa na sina Kaye Dacer at Mayor Alfredo Lim ng kaunting kagamitan sa pagmamaneho si Ariel. Ito ang unang pagbisita ni Ruffa sa ABS-CBN sa loob ng 16 na buwan.

Monday, July 18, 2011

Isyu ng mga Obispo at ng PCSO, Isasalang sa 'Patrol ng Pilipino'

Para kanino nga ba ang Philippine Charity Sweepstakes Office?

Iyan ang tanong na gumimbal sa bayan matapos mapagalaman na ginamit ang pondo ng PCSO upang ibili ng mamahaling sasakyan ang pitong Obispo noong panahon ni dating Pangulong Arroyo.

Ngayong Martes (Hulyo 19), samahan si ABS-CBN correspondent Kiko Faulve sa kaniyang pagtungo sa mga komunidad na sakop ng ilang sa mga Obispong dawit sa eskandalo. Alamin kung paano hinaharap ng mga Obispo at ng kanilang pamayanan ang isyu sa mga sasakyang anila’y ginagamit nila sa mga pangkawang-gawang proyekto.

Sa kabilang banda, pupuntahan naman ni ABS-CBN correspondent Nico Baua ang tatlong mahihirap na komunidad sa Metro Manila na ilang taon na raw humihingi ng tulong para magka-ambulansya ngunit hindi pa rin mabigyan hanggang ngayon.

Ano nga ba ang pamantayan ng ahensya para mabigyan ang isang requestor ng kanilang hinihiling? Totoo bang may palakasan sa sistema ng paglabas ng mga pondo o anumang tulong mula sa PCSO?

Abangan ang mga sagot sa “Patrol ng Pilipino,” Martes (Hulyo 19), pagkatapos ng “Bandila” sa ABS-CBN.

Sunday, July 17, 2011

'Hiyas' Starring Zanjoe Marudo - Teaser

Saturday, July 16, 2011

Sam Concepcion, May Bago Nang Mahal sa 'Good Vibes'

Hindi pa man sila umaamin sa kanilang relasyon ay tila patapos na ang matamis na pagtitinginan nina Sam Concepcion at Coleen Garcia.

May bago na raw kasing nilalambing si Sam sa top-rating youth-oriented program na “Good Vibes,” at ito’y walang iba kundi ang dating PBB teen housemate na si Yen Santos.

Sa paparating na mga episode ng “Good Vibes,” makikita ang paglalapit ng loob ng mga karakter nina Sam at Yen na sina Marc at Ara. Matagal nang minamahal ng palihim ni Ara si Marc, samantalang, sinisimulan naman ni Marc ang pagmu-move on matapos palayain na ang ex-girlfriend na si Monique (Coleen).

Aminado naman si Yen na kinikilig siya sa mga eksena kasama si Sam, na matagal na niyang crush, mula pa noong “Little Big Star” days ng binata.

“Siya lang pinapanood ko dun. Siyempre ngayong ka-loveteam ko siya, feeling ko ang swerte swerte ko,” sambit ng dalaga.

Madali naman daw magustuhan si Sam, lalo na’t napakalambing nito. "Masasabi ko na si Sam ang pinaka-sweet sa lahat. Ang hirap i-explain. Pero kasi, gentleman siya. Tapos madalas siyang yumakap, magpatawa, ganun. Ang sweet ni Sam, sobra," ani Yen.

Hindi lang sina Sam at Yen ang magpapakilig sa mga kabataan sa “Good Vibes.” Tuloy pa rin ang kuwento nina Maribeth, Spencer, at Gab, na ginagampanan nina Devon Seron, James Reid, at Ivan Dorschner. Mahahalata ni Gab na nauungusan na siya ni Spencer sa puso ni Maribeth, pero mawalan kaya siya kaagad ng pag-asa?

Abangan din kung anong development ang magaganap sa pag-iibigan ni Troy (Enrique Gil) at Geleen (Linn Oeymo). Ngayong linggo, muling magba-banggaan ang SinagDiwa at Bustamoves sa labas ng dance floor. Mauwi kaya ito sa sakitan? Panoorin iyan sa “Good Vibes,” tuwing Linggo pagkatapos ng “ASAP Rocks,” sa ABS-CBN.

Subaybayan ang programa at malaman kung papaano manalo ng limited edition “Good Vibes” watch, cellphone load, at chance maka-bonding ang GV crew.

Kathryn and Julia are Growing Up (Teasers)



This Sunday on 'Good Vibes' (July 17 Episode)

This Sunday on 'Gandang Gabi Vice'

Friday, July 15, 2011

ASAP Rocks Most Wanted Ngayong Linggo

Pangungunahan ng mga most wanted Supahstars ang "ASAP Rocks" ngayong Linggo. Kabilang sa most wanted list ang mga Platinum awardees na sina Sarah Geronimo, Richard Poon at Jericho Rosales kasama ang mga most wanted Pinoy Champions na sina Jovit Baldivino, Angeline Quinto, Marcelito Pomoy at birthday celebrator na si Jed Madela,.

Saksihan ang explosive at powerful performances mula sa mga concert royalties na sina Martin Nievera, Kuh Ledesma, Zsazsa Padilla, Vina Morales, ASAP Sessionistas, ang mga newest acoustic performers na sina Alex Castro, Kenny Padalla, Jem Cubil,Vincent Bueno, Starpower Four at Gary Valenciano.

Hahataw na ang most wanted moves mula kina Gerald Anderson, Kim Chiu, Enchong Dee, Empress, Gab Valenciano, Maja Salvador, Shaina Magdayao, Erich Gonzalez, Jessy Mendiola, Bugoy Carino, Rico the Magician, XB Gensan, Freestylers, Kiss, Nielbeth, B4, Amplified Hiphop, Happy Feet, G FORCE, birthday celebrators Jewel Mische at Rayver Cruz.

Huwag palalampasin ang most wanted Sunday celebration sa balat ng telebisyon. "ASAP Rocks" 12 :15 ng tanghali ngayong Linggo.Para sa karagdagang updates, litrato at upang magkaroon ng tsansang maka-hang out ng live kasama ang mga stars ng ASAP Chill-Out, bumisita lamang sa http://asap.abs-cbn.com/.

Pagmamaltrato ng mga Titser, Tatalakayin sa 'Failon Ngayon'

Taga-hubog ang mga guro ng kaisipan at pag-uugali ng mga kabataan ngunit paano kung sa halip ang mga estudyante ay turuan, ito ay kanilang sinasaktan?

Ngayong Sabado (July 16), tatalakayin ni Ted Failon ang lumalaganap na isyu ng pang-mamaltrato at pang-aabuso ng mga guro sa kanilang mga estudyante sa "Failon Ngayon."

Sa Pangasinan, 14 na estudyanteng sa Grade 5 mula sa Agno Elementary School ang pormal na nagsampa ng reklamo laban sa kanilang Science teacher na si Gloria Juanitez Callejo sa diumano’y pamamalo nito ng kawayan sa likod ng kanilang mga binti dahil lamang sa maling sagot sa kanilang pagsusulit.

Nagtuturo pa din sa kasalukuyan ang nasabing mapang maltratong guro dahil hindi pa naa-aksyunan ng Department of Education ang nasabing insidente. Hindi pa rin pumapasok ang mga estudyante dahil sa matinding takot at trauma.

Ganito rin ang sinapit ng mga estudyante ng Antonio Luna Elementary School sa Tondo Maynila. Si Elsie Ignacio ay inireklamo ng mga estudyante dahil sa pananakot at pagmumura sa magkapatid na estudyante nito matapos pagbintangang nag-text diumano sila sa kanya ng masasamang salita.

Itinanggi ng magkapatid ang bintang ng guro dahil hindi naman daw nila alam ang cellphone number nito. Hindi lang ito ang unang beses na nagawang manakit ng guro dahil noong nakaraang Pebrero ay nagawang sampalin ni Ignacio ang isa sa magkapatid at hindi pa nakuntento, inutusan pa ang isang kaklase na sampalin din ang kakawang bata.

Bakit sa kabila ng napakaraming isyu sangkot ang mga mapanakit na mga guro ay walang nakikitang aksyon sa ahensya?

Tumutok sa "Failon Ngayon" ngayong Sabado July 16), 4:45 ng hapon pagkatapos ng "ABS-CBN News and Current Affairs Special Report."

Thursday, July 14, 2011

Mga Pinoy, Nangabog at Umeksena sa Pagsisimula ng PGT Season 3


Umarangkada na ang ikatlong season ng nangungunang talent-reality show sa bansa na “Pilipinas Got Talent” noong Sabado. Umeksena ang mga Pinoy sa pagpapakita nila ng talento.

Una na ang Loverkada Kids ng Butuan City na nagawang patayuin ang mga hurado sa kanilang upuan matapos silang magpakitang gilas sa kanilang gymnastic dance routine. Nagpabilib at kumirot naman ng puso ang magkapatid na Jefferson at Kurt Bringas ng Davao sa kanilang song number at nakakantig na kuwento ng buhay. Pinutulan kasi si Kurt ng kaliwang binti dala ng bone cancer at simula noon ay hindi na iniwan ni Jefferson ang tabi ng kapatid. Samantala, agaw-eksena naman sina Geo Ed Rebucas ng Zamboanga Del Sur at Ronnie Daquila ng General Santos City dahil sa kanilang kakaibang husay sa pagkanta. Hiyawan ang mga manonood sa pag-awit ni Geo ng “Through the Rain” dahil gayang gaya nito ang boses ng international diva na si Mariah Carey, habang nagala-Jovit Baldivino naman si Ronnie sa kabila ng kanyang pambabaeng bihis at itsura. Isa na kaya sa kanila ang hihiranging PGT season three grand winner? Patuloy na manood ng “Pilipinas Got Talent,” tuwing Sabado, 9 PM, at Linggo, 8:30 PM sa ABS-CBN.


Loverkada Kids:



Jefferson at Kurt Bringas ng Davao:

Wednesday, July 13, 2011

Xyriel Manabat, Singer na Rin!


Sumabak sa kanyang unang recording experience ang “100 Days to Heaven” star na Xyriel Manabat para bigyang boses ang bagong theme song ng nasabing palabas na pinamagatang “Kuha Mo.” Matapos ang ilang rehearsals ay nakuha na agad ng magaling na child star ang tamang tono at tamang pagkakaawit ng kanta kaya naman napabilib nito ang staff ng Star Records. Manood lang ng “100 Days to Heaven” at abangan ang bagong theme song nito na tiyak kagigiliwan ng lahat, Lunes hanggang Biyernes sa ABS-CBN pagkatapos ng “TV Patrol.” Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com,www.100daystoheaven.tv, www.facebook.com/100daystoheaven o sundan ang abscbndotcom sa Twitter.

Tuesday, July 12, 2011

Bigating Pinoy Eric, Tuloy ang Laban sa Labas ng Biggest Loser Camp

Puno ng drama at tensyon ang naganap na ika-limang weigh-in at elimination ceremony sa “The Biggest Loser Pinoy Edition,” kung saan si Eric Limatog ang tinanggal ng mga kasamahan niya sa Biggest Loser Camp.

Nagbanta kasi si Eric na babalik siya sa dating pamumuhay kung siya ang matatanggal sa kompetisyon. Nagmatigas din ito nang subukang palakasin ang loob niya ng host na si Sharon Cuneta.

Ikinuwento pa ng Megastar kung paano niya tinanggap ang mga pangungutya sa kaniyang pagtaba, at ibinida rin na nawalan siya ng 13 lbs. simula nang magsimula ang programa.

Ngunit ganun man ang ipinakitang asal noon ni Eric, mukhang nagbago na ang ihip ng hangin ngayon. Sa isang panayam, sinabi ng 22-taong binata na pinagsisisihan niya ang mga nasabi at ginawa noong huling gabi niya sa camp.

Taliwas sa kaniyang binitawang salita noon, patuloy siyang nagsisikap ngayon sa pagpapapayat.

“Gusto kong patunayan na lumalaban pa rin ako. Mas masipag na ako ngayon. Pati na rin ang mga pamilya, kamag-anak, at kaibigan ko, natuturuan ko sila sa tamang pagkain at sa tamang ehersisyo,” kuwento ni Eric.

Dagdag pa niya, laking pasasalamat niya at nakapasok siya sa show. “Totoo palang nakaka-inspire ang Biggest Loser. Para sa akin, hindi lang ito simpleng programa kasi binago niya hindi lang ang buhay ko kundi pati na ang buhay ng mga tao sa paligid ko. Sana marami pa akong maturuan.”

Matapos maging Biggest Loser noong Week 5, bagsak sa ilalim ng yellow line si Eric kasama si Angela sa kanilang unang weigh-in bilang ‘singles.’ Ang dating pulis na si Larry naman ang itinanghal na Biggest Loser of the Week, matapos magbawas ng walong pounds o 3.86% ng kaniyang dating timbang.

Siguradong mas iinit pa ang bakbakan ng mga bigating Pinoy dahil mas ramdam na nila ngayon ang kumpetisyon bilang mga indibidwal na naglalaban-laban.

Sa paparating na workouts kasama sina Jim Saret at Chinggay Andrada at challenge kasama naman si Derek Ramsay, susubukan ang katatagan ng loob nina Alan, Angela, Art, Eboy, Joy, Hazel, Larry, Raffy, Ryan, Winwin.

Sa kanilang ika-pitong linggo kasi sa camp, mas madalas na silang dinadalaw ng pangungulila sa mga mahal sa buhay at maging ng pagod sa mga aktibidad.

Dagdag pa riyan ang mga twist sa show, tulad na lang ng pagsasara sa gym ngayong linggo. Alamin kung ano'ng gagawin ng mga bigating Pinoy para makapag-workout maski walang equipment na magamit.

Abangan din ang pinakabagong development sa namumuong pagtitinginan nina Raffy at Hazel at ang isa na namang pasabog na twist na ikagugulat ng mga contestant at manonood.

Huwag palampasin ang nakaka-inspire na laban ng mga Bigating Pinoy sa “The Biggest Loser Pinoy Edition,” mula Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng “Minsan Lang Kita Iibigin” sa ABS-CBN.

Maningning na Gabi para sa Star Creatives Group


Bumaha ng bituin sa Studio 10 kamakailan dahil dumalo ang ilang Kapamilya celebrities, bigwigs ng ABS-CBN, mga empleyado, advertisers at guests sa unang trade launch ng Star Creatives Group na pinamagatang “Bida Star.”

Ang naturang event ay pagdiriwang na rin ng 18th anniversary ng Star Cinema at ika-16 na taon ng Star Records na ngayon ay Star Music Group na. Ang nasabing trade launch ay nagsilbi ring daan upang ipakilala ng Star Creatives Group ang mga franchises nito na Star Televsion, Star Music Group at Star Cinema.

Lalong kuminang ang gabi nang dumalo ang mga Kapamilya artist na may mga upcoming projects sa Star Creatives Group-- KC Concepcion, Vhong Navarro, Melai Cantiveros, Jason Francisco, Kathryn Bernardo, Julia Montes, Albie Casino, Mateo Guidicelli, Sam Concepcion, Juris, Yeng Constantino, Ney Dimaculangan, 3AM, Martin Concio, G Canlas, Tutti Caringal, Angeline Quinto, Bugoy Drilon, Sam Milby, Bea Alonzo, Enchong Dee, Erich Gonzales, Cristine Reyes, Rayver Cruz, Empress, Ejay Falcon, Diether Ocampo, Jake Cuenca, Gerald Anderson, John Lloyd Cruz at Robin Padilla.

Napuno ng palakpakan ang venue nang ipinasilip ng team ang mga dapat abangan na mga pelikula at teleserye. Ito ay mga pelikulang magdadala ng pinakamalaking pangalan sa industriya at mga teleseryeng hatid ay world-class na kwento.

Sa pamamagitan ng kanilang unang trade launch, binigyang linaw ng Star Creatives Group ang mga spekulasyon at mga chismis tungkol sa mga lalabas na programa at pelikula sa mga darating na buwan at araw. Totoong magkakasama muli sa isang pelikula si John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo. Tama nga at magiging bida na si Melai Cantiveros sa isang pelikula at eto na nga ang “Adventures of Pureza.” Umeere na rin ang teleserye ng real-life sweethearts na si Cristine Reyes at Rayver Cruz, ang “Reputasyon.” Magkakaroon rin ng isang higanteng project si Aiai Delas Alas at Vic Sotto. Isang kakaibang pelikula rin ang gagawin ng Kantoboys. Magkakaroon rin ng pelikula sina Maja Salvador at Mateo. Isa namang horror film ang dapat antabayanan na pagbibidahan ni Kris Aquino. Mananakot rin ang kilalang child star na si Xyriel Manabat sa isang pelikula. Plus, iba pang mga sorpresa na dapat abangan.

Samantala, nabilib din ang mga naimbitahan sa event dahil sa mas malawak na services at offering ng Star Creatives Group. Ngayon ay nagproprodyus na rin ng events ang naturang grupo sa ilalim ng Star Music Group’s arm na Star events. Pwede na rin magprodyus ng mga awit at jingles ang grupo sa ilalim naman ng Star Songs.

Matagumpay nga ang naganap na “Bida Star” trade event. At sa pagtatapos nito, excited na ang mga advertisers sa mga susunod pang trade events ng Star Creatives Group.

Monday, July 11, 2011

Happy Yipee Yehey! May Bagong Baby


Masayang-masaya ang buong “Happy Yipee Yehey!” (HYY) family dahil may bago nang miyembro ang kanilang pamilya. Kumpiramadong magiging tatay na ang HYY host na si John Estrada sa nagdadalang-tao niyang misis na si Priscilla Mereilles. Kinumpirma ni John noong Lunes na ang pagbubuntis ni Priscilla na napatunayan nila matapos ang tatlong pregnancy test na isinagawa. Lalaki ang nais maging panganay ni John kay Priscilla, lalo’t biniyayaan naman na siya ng naggandahang mga anak na babae sa dati niyang kabiyak. Todo naman ang suporta ng mga ama din na sina HYY co-host na si Randy Santiago at guest co-host Rico J Puno sa panibagong pagmumulan ng inspirasyon ni John. Para sa mga updates, i-follow ang HYY sa Twitter, http://twitter.com/#!/hyyofficial

Sunday, July 10, 2011

Rayver Cruz - '143' Lyric Video

Saturday, July 9, 2011

'Reputasyon' - Trailer







Videos courtesy of danaryan1484 and Usapang Lalake

Yeng Constantino - 'Siguro' Music Video

Angeline Quinto - 'Kunin Mo Na Ang Lahat sa Akin' Music Video

New 'Minsan Lang Kita Iibigin' Music Video feat. Angeline Quinto

Friday, July 8, 2011

'Good Vibes' Boys Sam at Enrique, Ipa-Pareha Kina 'Mara at Clara'

Mula ng magsimula ang “Good Vibes,” lalo pang tumingkad ang pangalan at lumawak ang hatak sa kabataan nina Sam Concepcion at Enrique Gil.

Bukod sa ito ang unang programa na kanilang pinagbidahan, dito rin nila naipakita ang husay nila sa pagsayaw, pagpapa-kilig, at higit sa lahat, sa pag-arte.

Kaya naman hindi ikinagulat ng publiko na ang dalawa sa pinaka-inaabangang young male actors ang napiling makatambal sa pelikula ng teen stars ng “Mara Clara” na sina Kathryn Bernardo at Julia Montes.

Bukod kay Sam at Enrique, kapansin-pansin din sa programa si Arron Villaflor na nagdiwang ng kanyang kaarawan noong ika-5 ng Hulyo. Bilang si Franco sa programa, ipinakita ng aktor na handa na siyang gumanap ng mas mabigat at maselan na roles. Pero mayroon pa raw siyang gustong gawin na nais niyang matupad sa kaniyang birthday.

“More success po sana in my career. Gusto ko nga po makapag-choreograph ng dance sa ASAP Rocks someday. Parang Good Vibes and ASAP all in one,” sabi niya.

Mas palaban na raw ngayon si Arron at sa “Good Vibes” niya nakuha ang tapang sa pagharap sa mga hamon ng buhay.

“Natutunan ko sa role ko iyung ipaglaban ang tama. Huwag mag-give up anuman ang struggles at circumstances. Parang Franco-Carmi lang,” paliwanag ng binata.

Samantala, tuloy ang kilig vibes sa nangungunang youth-oriented show sa bansa. Sa payo nina Jhong (Eslove Briones) at Danilo (Joe Vargas), gagamit si Troy (Enrique) ng magic sa kanyang panliligaw kay Geleen (Linn Oeymo). May masasaksihang moment din si Monique (Coleen Garcia) sa pagitan nina Marc (Sam) at Ara (Yen Santos).

Kabang-abang din ang eksena nina Spencer (James Reid) at Maribeth (Devon Seron) kung saan akmang hahalikan ni Spencer ang dalaga!

Patuloy na subaybayan ang “Good Vibes” ngayong Linggo (July 10) pagkatapos ng “ASAP Rocks” sa ABS-CBN at malaman din kung papaano manalo ng limited edition “Good Vibes” watch, cellphone load, at chance maka-bonding ang GV crew.
Maging updated din sa cast at sa programa, maki-GV na sa http://goodvibes.abs-cbn.com/, www.twitter.com/goodvibes_crew at www.facebook.com/GVcrew.

Kathryn Bernardo Stars in 'Wansapanataym' Tonight

Magical Showdown sa 'Happy Yipee Yehey!' Ngayong Sabado

Talaga namang mapapamangha ang lahat sa magical showdown na magaganap sa “Happy Yipee Yehey!” (HYY) ngayong Sabado, lalo’t handa nang makisaya ang “Pilipinas Got Talent” grand finalist na si Rico The Magician, kasama ang seksing at nakakaaliw na HYY girl group na Pomeray—Pokwang, Melai at Kiray.

Kung may nakakatuwang Pomeray na magpapasaya sa lahat, mayroon din naggagwapuhang heartthrobs na tiyak na magbibigay-kilig sa mga kababaihan. “Boses pa lang, ulam na,” ganito madalas isalarawan ang “Pilipinas Got Talent” Season 2 grand winner Marcelito Pomoy. Kaya naman game na game ang HYY host na si John Estrada na mag-perform kasama sina Marcelito at hunk actor na si Jericho Rosales.

Magic ding maituturing ang powers ng mga inang handang gawin ang lahat, mapangalagaan lamang ang kanilang mga anak. Kaya’t buong-pagmamalaking inihahandog ang paglulunsad ng “Ilaw ng Tahanan,” kung saan pararangalan at tutuparin ang mga kahilingan ng mga ulirang ina.

Samantala, mga pinaka pinag-uusapang celebrities naman ang magtatagisan ng galing at diskarte sa “Pera O Bayong” at “Tanging Hinga.” Kayanin kaya nila ang mga challenges?

Walang patid ang kasiyahan na handog ng pinaka-masayang kabarkada sa tanghali, kasama sina Randy, John, Mariel Rodriguez, Toni at Pokwang, at sina Bianca Manalo, Melai, John Pratts, Bentong at Matteo.

Huwag palampasin ang Happy Yipee Yehey! mula Lunes hanggang Sabado, pagkatapos ng Showtime sa ABS-CBN. Bida Best Kapamilya!

Adel Tamano, Bagong Anchor ng ANC

Isa pang respetado at pinaniniwalaang personalidad ang kapamilya na ngayon sa ANC, the ABS-CBN News Channel. Si Atty. Adel Tamano, isang kilalang abogado at propesor, ang anchor ng bagong current affairs program na “Tamano Perspective” ng primerong all news channel.

Simula Huwebes (Hulyo 14) ng 7pm, susuriin ni Tamano ang iba’t ibang news stories sa ilalim ng iisang tema katulad ng nasyonalismo, family values, o kaya nama’y social media. Ngunit di tulad ng karaniwang news show, magbibigay si Tamano ng kaniyang opinyon sa bawat kuwento.

“Hindi puwede ang walang pinapanigan sa programa. Hindi ako mamamahayag, abogado ako at isang advocate at makikita sa palabas ang training ko bilang isang taong may paninindigan sa bawat isyu. Gagawin ko iyun para himukin ang mga manonood na magkaroon din ng sariling pananaw sa mga ito,” paliwanag niya.

Isang baguhan sa larangan ng media, naniniwala si Tamano na bukod sa marami siyang bagong matututunan sa bagong trabaho ay makapag-lilingkod din siya sa bayan sa ibang paraan.

“Binibigyan ko ng importansya ang intelihenteng pagdedebate at diskusyon. Magiging daan ang programang ito para madala ko ang ganitong klaseng diskurso sa publiko,” aniya.

Si Tamano ang pinakaunang Filipino Muslim na nagtapos sa Harvard Law School. Kasalukuyang siyang dean ng College of Law sa Liceo de Cagayan University. Partner din siya sa Kapunan, Tamano, Javier & Associates.

Ang 40 taong gulang na anak ng dating senador na si Mamintal Tamano ay lubos na nakilala ng mga Pilipino noong nakaraang dalawang eleksyon. Noong 2007, nagsilbi siyang spokesperson ng United Opposition, samantalang kandidato naman siya sa pagka-senador noong 2010.

Ayon kay Tamano, makakatulong ang kaniyang karanasan sa pulitika at pangangampanya sa kaniyang bagong trabaho.

“Nabigyan ako ng pagkakataong makita kung paano umiiral ang kapangyarihan sa iba’t ibang lebel ng gobyerno. Maski bata pa ako, isa na akong beterano pagdating sa pulitika at magagamit ko ito sa pagbibigay ng insight at analysis para sa mga manonood,” sabi pa niya.

Samantala, magsisimula na rin ang pangalawang season ng “View From the Top” sa ANC ngayong Lunes (Hulyo 11) ng 9:30pm. Samahan si ANC senior anchor David Celdran sa kaniyang pakikipanayam sa apat na malalaking pangalan sa iba’t ibang industriya.

Alamin ang disiplina at business ethic nina construction legend David Consunji ng DMC Inc., advertising guru Emily Abrera, chair emeritus ng McCann Ericsson Philippines, beauty doctor to the stars Dr. Vicki Belo ng the Belo Medical Group, at Diosdado Banatao, ang tanging Pilipino na major player sa Silicon Valley.

Ibabahagi rin ng programa ang “other side” ng mga tinitingalang business leaders at icons sa paglalantad ng gawain nila tuwing free time at mga personal nilang paniniwala at adbokasiya.

Tangan ni Celdran ang dalawampung-taong karanasan sa pagbabalita at pagho-host sa “View From the Top.” Maliban sa programa, siya rin ang anchor ng “Executive Class” sa ANC at editor-in-chief ng VAULT magazine, isang luxury at lifestyle magazine para sa mga lalaki.

Abangan ang “View From the Top” kasama si David Celdran sa Lunes (Hulyo 11), 9:30 pm at “Tamano Perspective” kasama si Atty. Adel Tamano sa Huwebes (Hulyo 14) ng 7pm sa ANC SkyCable channel 27.

Thursday, July 7, 2011

Umulan Man o Bumagyo, Panalo ang ABS-CBN sa National TV Ratings Ngayong Hunyo

Umulan man o bumagyo, mas marami pa ring Pilipino ang piniling manood ng ABS-CBN noong nakaraang Hunyo.
Muling namayagpag ang Kapamilya Network sa buong bansa sa average audience share nito na 37% laban sa 32% ng GMA base sa pinakahuling datos ng Kantar Media.

Umaariba pa rin ito sa primetime (6PM hanggang 12MN), kung kailan may pinakamaraming viewers at mas nilalagyan ng commercials ng advertisers, sa Luzon, sa Visayas, at sa Mindanao matapos makakuha ng national audience share na 44% o mas mataas ng 15 puntos kaya sa 29% ng GMA.

Nananatili ring numero uno ang ABS-CBN nationwide sa unang kalahati ng 2011 sa total day share na 36% laban sa 34% ng GMA. Mas lumaki din ang lamang ng Kapamilya mula 36% vs GMA's 35% noong unang quarter ng taon, at 37% vs GMA's 32% sa ikalawang quarter.

Nanguna pa rin para sa buwan ng Hunyo ang “Mara Clara,” na talaga namang tinutukan ng bawat Pilipino hanggang sa huli, matapos nitong makuha ang average rating na 38.6%
Sumunod naman dito ang nangungunang weekday program ngayon na “100 Days to Heaven” (34%) na agad na nakuha ang loob ng sambayanan dahil sa kuwento nitong talaga namang kapupulutan ng aral at sa husay sa pag-arte ng child superstar na si Xyriel Manabat. Pumangatlo naman ang “Maalaala Mo Kaya,” na siyang nanguna rin sa weekend programming sa average national TV rating na 30.8%

Nananatiling numero unong newscast sa bansa ang “TV Patrol” sa average rating nitong 27.5% na mas mataas ng siyam na puntos sa kalaban nitong “24 Oras” (18.7%).

Pumalo din ang live airing ng banggang Dallas Mavericks at Miami Heat sa inabangang “NBA Finals” sa average national TV rating na 19.1%. Mataas na ang naturang rating para sa isang programang ipinalabas sa umaga. Ito rin ang pinakamataas na rating na natamo ng NBA sa Philippine free-TV dala na rin sa mas maraming manonood na naabot ng ABS-CBN.

Labing isa sa top 15 na pinakapinapanood at umeereng programa sa ngayon ay mula sa ABS-CBN. Nakuha ng network ang top eight slots na kinabibilangan ng “100 Days to Heaven” (34%), “Maalaala Mo Kaya” (30.8%), “Guns and Roses” (28.7%), “Pilipinas Got Talent” (28.4%), “TV Patrol (27.5%), “Minsan Lang Kita Iibigin” (26.6%), “Rated K” (23.8%), at “Wansapanataym” (23%). Kasama rin ng mga Kapamilya shows na ito sa top 15 ang “Gandang Gabi Vice” (20.1%), “Goin Bulilit” (20%), at “Mula sa Puso” (18.8%).

Pagdating naman sa mga lugar sa Luzon sa labas ng Mega Manila o ang tinatawag na Balance Luzon, mas lumalaki pa ang lamang ng ABS-CBN sa national audience share na 48% laban sa 29% ng Kapuso pagdating sa primetime.

Nanatili namang balwarte ng Kapamilya ang Visayas at Mindanao. Tambak na tambak ang GMA sa Visayas sa audience share ng ABS-CBN Primetime Bida na 65% kontra 17% nito maging sa Mindanao kung saan 62% ang ABS-CBN at 15% lang ang GMA. Ang top 35 na pinakapinapanood na programa sa VisMin ay mula din sa Kapamilya Network.

Ang ABS-CBN ay naka-subscribe sa media research agency na Kantar Media. Lumipat sa Kantar Media/TNS ang ABS-CBN matapos magsampa ito ng kaso laban sa AGB Nielsen Media Research sa hindi nito pagsunod sa hiniling na imbestigasyon hinggil sa umano'y pandaraya ng datos ng kanilang TV ratings. Kasalukuyang nakabinbin pa sa korte ang kaso.

Jericho, Iya, at Melai Haharapin ang Hamon ng Buhay sa 'I Dare You'


Isang kakaiba at espesyal na programang babago sa pananaw at buhay ng mga sikat at karaniwang Pilipino ang inihahandog ng nagsasanib-puwersang News and Current Affairs division at TV Entertainment Group ng ABS-CBN simula ngayong Lunes (Hulyo 11)---ang “I Dare You.”

Kasama ang award-winning actor na si Jericho Rosales, ang versatile actress at host na si Iya Villania, at ang comedy princess na si Melai Cantiveros, susubukan ng “I Dare You” ang tibay ng loob at diskarte ng mga tampok na celebrity Kapamilya challengers sa pamamagitan ng pag-salang sa kanila sa pamumuhay ng iba’t ibang “Bidang Kapamilya.”

Ang mga Bidang Kapamilya ay mga karaniwang Pilipino na patuloy na hinaharap at hindi inuurungan ang mga hamon ng buhay, maski gaano kahirap. Sila ang mga tindera sa palengke, mga guro sa bundok, mga namumulot ng basura, magsasaka, mekaniko, stuntman, mga senior citizen o kaya nama’y mga may kapansanan, at marami pang iba.

Papasukin ng mga celebrity Kapamilya challengers ang kanilang mundo upang maipakita sa publiko ang realidad ng buhay, at para na rin mabigyan ang kanilang mga kakamping bidang kapamilyang ng gantimpalang nararapat sa kanila.

Sa unang episode ng “I Dare You,” sasamahan ng mga sikat na artistang sina Gab Valenciano at Alessandra De Rossi si Jericho sa kaniyang pagbabalik sa dating pamumuhay bilang kargador at tindero sa palengke.

Dito makikita sa unang pagkakataon sina Gab at Alessandra na walang make-up, walang alalay, at gumaganap ng walang cut o take two. Dito rin masisilayan ang nakabibilib na kuwento ni Jericho, na naiahon ang sarili at pamilya mula sa hirap gamit ang sipag at tiyaga.

Ayon sa aktor, hindi layunin ng programa na i-deglamorize ang mga artista, kundi bigyan sila ng pagkakataong ipakita sa manonood kung sino talaga sila bilang mga tao.

Sabi nga niya sa isang panayam sa www.push.com.ph, “’Yung programa namin works both ways. ‘Yung ordinaryong tao, nakikita nila yung tunay na kalooban ng mga artista, at yung mga artista naman nakikita nila yung tunay na pamumuhay ng mga karaniwang tao."

Dagdag pa ni Iya, hindi lang mga celebrity Kapamilya challengers ang mai-inspire sa “totoong drama” ng show, kundi pati mga manonood.

“Nandito ang ‘I Dare You’ para palakasin ang loob ng mga tao at hamunin sila na harapin ang buhay tulad ng nagagawa ng ibang kapamilya natin kahit hirap sila,” aniya.

Bagamat puno ng mga kuwentong aantig sa puso, maka-aasa rin ang manonood ng light at funny moments mula kay Melai, na kasama rin nina Jericho at Iya sa pag-alalay sa mga celebrity Kapamilya challengers.

“Ako yung pangpa-abnormal na host, pampaloko, hindi sobrang serious,” biro pa niya.

Pero giit ni Melai, alam niyang kakaiba ang proyektong ito sa lahat ng nagawa na niya sa kaniyang career. “May pinangggalingan ‘yung paghost namin dito, may puso at diwa,” aniya.

Samahan sina Jericho Rosales, Iya Villania, at Melai Cantiveros sa pagbibida sa mga Pilipinong hindi inuurungan ang hamon ng buhay sa “I Dare You,” Lunes hanggang Biyernes, bago mag “Mula sa Puso” simula Hulyo 11 sa ABS-CBN.

-- MORE PICTURES HERE --

Patuloy ang Pagpapakitang Gilas ng Pinoy sa 'Pilipinas Got Talent' Season 3


Tuloy tuloy ang pagpapakita ng galing ng Pinoy dahil muling hahalughugin ng ABS-CBN ang bansa para hanapin ang pinakanatatanging acts na maglalaban-laban sa ikatlong edisyon ng “Pilipinas Got Talent.”

Mahigit 40 probinsya mula Luzon, Visayas, hanggang Mindanao ang sinuyod ng PGT team kung saan libo-libo ang nag-audition. Sinadya talagang puntahan ng programa ang mga hindi pa napupuntahan lugar sa bansa para maghanap ng talento.

Nagbunga naman ang kanilang paghahanap dahil marami acts ang hindi lang nagpabilib, kung hindi mas nangabog, mas nagpatawa, at mas umantig pa sa puso ng mga host at mga hurado.

Ngayon pa lang excited na ang Big Three judges at ipinahayag ang kanilang saloobin sa back-to-back airing na ito ng nangungunang talent-reality show sa bansa.

“PGT went the extra mile in Season 2 kasi marami tayong pinuntahan. In Season 3, triple pa yung lugar kung saan tayo nag-scout ng talent. Yun yung inaasahan ko sa Season 3 na kahit saang sulok ng Pilipinas we’ve got talent,” sabi ng Queen of all Media na si Kris Aquino.

“I am happy with the outcome of Season 2 as we really found somebody who is realty amazing in the person of Marcelito. In Season 3, I hope our grand winners will give inspiration to people who’s got talent to come forward and really show what they can do for our country,” sabi naman ng tinaguriang ‘the expert’ na si Freddie M. Garcia.

Payo namang ang ipinahayag ng Comedy Concert Queen at huradong si Ai Ai Delas Alas.

“Galingan ninyo kasi kung hindi niyo gagalingan lalamunin kayo ng ibang napakahusay na contestants ng PGT 3. Agaw buhay dapat at lahat ng ugat sa katawan niyo buhayin niyo,” sabi niya.

Ito ang pinakaunang pagkakataon saan man sa mundo na dalawang magkasunod na edisyon ng Got Talent franchise ang eere sa telebisyon.



Kamakailan nga ay kinilala pa lang bilang ikalawang grand winner ang tinaguriang male diva na si Marcelito Pomoy ng Imus, Cavite. Pumangalawa sa kanya ang tapdancing brothers na Happy Feet at sumunod ang mapangahas na breakdancers na Freestylers.

Sino kaya ang magwawagi sa edisyong ito at magkakamit ng P2 milyon?

Huwag palalampasin pagpapatuloy ng pangarap, pagpapakita ng galing, at pagkamit ng tagumpay ng mga Pilipino sa “Pilipinas Got Talent 3, tuwing Sabado, 9 PM, at Linggo, 8:30 PM, kasama sina Luis Manzano at Billy Crawford bilang hosts, sa ABS-CBN.

Tuesday, July 5, 2011

Christian Bautista - 'I'm Already King' Music Video

'Us Girls,' Kikilalanin ang Reyna ng Twitter na si Anne Curtis

Pagkatapos magtala ng mahigit isang milyong tagasunod o followers, walang duda na ang “Showtime” host na si Anne Curtis ang reyna ng Twitter dito sa Pilipinas.

Isa si Anne sa pinaka-aktibong artista sa bansa na gumagamit ng sikat na micro-blogging site para makipag-usap sa mga kaibigan at tagahanga.

Ngayong Huwebes (Hulyo 7) sa “Us Girls,” ibabahagi ng nag-iisang diyosa ng Twitter ang iba’t ibang kuwento sa likod ng mga tweet niya.

Sa episode na ito, ilalahad din ng nangungang fashion and lifestyle magazine show sa bansa ang mga “havey” at “waley” pagdating sa fashion, food, at fitness, base sa mga tweet ng iba’t ibang sikat na Pinoy.

Samahan sina Iya Villania, Chesca Garcia-Kramer, at Angel Aquino sa pagsunod sa tulad nina “SNN” host Bianca Gonzalez at “The Wrap” anchor Gretchen Fullido na ibabahagi ang lihim sa mga nagagandahang outfit na madalas nilang banggitin sa kanilang tweets.

Dadalhin din tayo nina Iya, Chesca, at Angel sa madalas banggitin na kainan at pasyalan ng mga Twitter celebrities. Pati tips sa kalusugan at pagpapaganda ng katawan, ipapakita sa tulong mismo ng mga fitness buff sa Twitter.

Huwag palampasin ang pang-trending topic na episode na ito ng “Us Girls,” ngayong Huwebes, 9:30pm sa Studio23.

Derek Ramsay, Inspirado sa mga Bigatin ng 'The Biggest Loser Pinoy Edition'

Sa mga kinahaharap na problema, kumukuha ng lakas ang aktor na si Derek Ramsay sa mga bigating Pinoy ng “The Biggest Loser Pinoy Edition” kung saan siya ang gumaganap na game master tuwing challenges.

Pag-amin ng “ultimate leading man” at kilalang sports enthusiast, nakaka-inspire ang pinagdadaanan ngayon ng natitirang 11 kalahok sa pinakamalaki at nangungunang reality show sa bansa.

Kamakailan lang ay tinutukan ng bayan ang pagbubuwag sa Red at Blue Team at ang pagsisimula ng kanilang pakikibaka bilang indibidwal na contestant sa nakaraang weigh-in.

“Napaka-emosyonal ng pinagdadaanan nila pero hinaharap nila kahit gaano kabigat. Kaya kapag may problema ako, iniisip ko na lang ‘yung ginagawa ng mga contestants at nai-inspire ako,” paliwanag niya.

Ani Derek, sobra-sobrang effort ang pinapakita ng mga bigating Pinoy na sina Alan, Angela, Art, Eboy, Joy, Hazel, Larry, Raffy, Ryan, Winwin, at ang Biggest Loser ng nakaraang linggo na si Eric. Bukod sa puspusang training at pagkain ng wasto, kailangan din nilang tiisin ang pagkawalay sa kanilang mga mahal sa buhay.

Kaya naman para sa pinakauna nilang challenge bilang mga indibidwal noong Lunes (Hulyo 4), binigyan ng pahinga ni Derek ang mga contestant sa pamamagitan ng isang magaan na challenge---ang mag-enjoy sa paglalaro ng Ultimate Frisbee.

Sa nasabing laro, team captains sina Raffy at Alan na piniling maka-grupo ang mga dati nilang kasama sa Red Team at Blue Team. Matapos magpawis at magtunggali, nanaig sa pinakaunang pagkakataon ang mga dating Red Team sa score na 4-3.

Ani Derek, bilang game master ay sinisigurado niyang patas ang turing niya sa bawat contestant. “Sinusubukan kong dumistansiya to a certain point, kahit off-cam. Para hindi ako masyado magkaron ng bias or anything. And since alam ko mga strengths and weaknesses nila based on the challenges, doon ko binabase kung paano ko palalakasin ang loob nila,” paliwanag niya.

Masusi rin daw niyang pinaplano ang atake niya sa bawat challenge. “Iniisip ko kung sino ‘yung madaling mag-adapt at kung sino ang malamang mahirapan. Para alam ko kung sino ‘yung tututukan,” sabi pa niya.

Sa linggong ito, haharapin ng mga contestant ang “water weight challenge” kung saan kailangan nilang ilipat ang 50 sako ng holen sa magkabilang dulo ng swimming pool. Dahil nanalong MVP sa Frisbee challenge, bawas ng isang sako ang dalahin ni Hazel.

Ang tatlong unang makatatapos ay maaaring pumili ng isa sa tatlong rewards: immunity, dalawang pound advantage sa weigh-in, o isang video message mula sa kanilang pamilya. Ang dalawang huling matatapos naman ang magsisilbing labandera ng grupo para sa linggo.

Masayang-masaya naman si ABS-CBN Business Unit Head Laurenti Dyogi sa tinatakbo ng programa, na patuloy na nangunguna sa timeslot nito.

“Higit pa sa ratings, ang ikinatutuwa ko sa programa ‘yung pagbabago ng buhay ng mga contestant. Marami pang mangyayari exciting moments kung saan mamamangha ang publiko sa laki ng nabawas nilang timbang,” sabi pa niya.

Abangan kung sinong magwawagi at sinong uuwing sawi sa paparating na challenge at pinakaunang competitive weigh-in ng mga bigating Pinoy bilang singles. Huwag palampasin ang mas bumibigat pang labanan sa “The Biggest Loser Pinoy Edition,” mula Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng “Minsan Lang Kita Iibigin” sa ABS-CBN Primetime Bida.

Angelica Panganiban - METRO July 2011 Cover


It’s a celebration of beauty this July as Metro Magazine brings to you its annual beauty issue, featuring the gorgeous Angelica Panganiban on the cover.

Revel in all things beauty as you flip through the pages of Metro Beauty Awards—where we give you over 100 of the best hair, skin, lip, and eye products, as well as beauty finds under P1,000. As a special feature, Metro shines the spotlight on Filipina beauty, where we pay homage to some of the country’s top morena models who are not afraid to say that brown is indeed beautiful. Also, Metro takes on a special project with one of the country’s most influential photographers, Raymund Isaac, as he turns his lens on three Filipina women who epitomize Filipina beauty in their respective fields. This July, fashion takes on iconic fashion trends of yore as we show you lady like silhouettes with Peplum detailing and brightly colored gypsy-bohemian inspired frocks.

After featuring a barrage of all things beautiful, Metro shares some tips and tricks on how to live a beautiful life. After all, what is beauty if you can’t live it? We also take you on a trip to two of the country’s top local destinations—Miniloc Island’s rustic wonders and Davao’s laid back charm.

So whatever it is that you deem beautiful, whether it be in beauty trends, fashion, or lifestyle, Metro has got all the beauty bases covered.