Saturday, December 31, 2011

E-Boy Teaser

Friday, December 30, 2011

ABS-CBN, Itatampok ang Yearend Special na 'Dos Mil Onse'

Babalikan ng ABS-CBN News and Current Affairs ang mga istoryang yumanig sa taong 2011 sa yearend special nitong “Dos Mil Onse” sa Sabado (Dec 31), 10:30 p.m hanggang 11:30 p.m., at Linggo (Jan 1) 10:15 a.m. hanggang 12:15 p.m. sa ABS-CBN.

Pangungunahan ng beteranong broadcast journalist na si Kabayan Noli de Castro ang pagsasariwa sa mga headliners at newsmakers ng taon. Iisa-isahin ng special ang mga balitang gumulat sa bansa at mundo, mula sa mga kalamidad tulad ng bagyong Sendong kamakailan lamang, ang lindol at tsunami sa Japan noong Marso, at serye ng mga typhoon sa Pilipinas at maging ang mga pinakamalalaking krimen at anomalya.

Titingnan ding muli ang mga pagbabago sa mundo ng pulitika sa bansa, krisis sa ekonomiya, at pati na rin ang mga hirap na pinagdaanan ng mga OFW sa mga nagkakagulong bansa sa Middle East.

Bibisitahin din ang mga maiinit na debate tungkol sa mga malalaking isyu sa lipunan katulad ng reproductive health (RH) bill, divorce bill at ang kontrobersyal na Kulo art exhibit.

Itatampok din ang mga inspiring na istorya ng mga taong tumatak sa puso ng marami, katulad ng kasalang Prince William at Kate Middleton, ang beatification ni Pope Joh Paul II at ang legacy ng henyong founder ng Apple na si Steve Jobs.

Kasama ni Kabayan sa pagtatampok ng mga istoryang ito ang mga multi-awarded journalist na sina Gus Abelgas, Jorge Carino, Dyan Castillejo, Karen Davila, Mario Dumaual, Alvin Elchico, Ted Failon. Lynda Jumilla, Henry Omaga-Diaz, Korina Sanchez, at Anthony Taberna. .

Huwag palalampasin ang yearend special ng ABS-CBN News and Current Affairs na “Dos Mil Onse” sa Sabado (Dec 31), ganap na 10:30 p.m hanggang 11:30 p.m., at sa Linggo (Jan 1) ganap na 10:15 a.m. hanggang 12:15 p.m. sa ABS-CBN.

Thursday, December 29, 2011

'ASAP 2012' May Engrandeng Salubong sa Bagong Taon

Salubungin ang 2012 nang puno ng kasiyahan ngayong Linggo (Enero 1) kasama ang buong pamilya ng 2011 PMPC Star Awards Best Musical Variety Show at Golden Screen Awards 2011’s Outstanding Musical Program na “ASAP 2012.”

Sa ika-17 taon ng top-rating musical variety show ng ABS-CBN, ipagdiriwang ang mga pinakamalalaking tagumpay ng 2011 at ang mga higanteng proyektong dapat abangan sa bagong taon.

Saksihan ang world-class concert performances nina Gary Valenciano, Zsa Zsa Padilla, Piolo Pascual, Vina Morales, Christian Bautista, Erik Santos, Angeline Quinto, Jed Madela, Jericho Rosales, Luis Manzano, Toni Gonzaga, Yeng Constantino, Sam Milby, Khalil, Zia Quizon, Kean Cipriano, Bugoy Drilon, Marcelito Pomoy, Jovit Baldivino, ASAP Boys R Boys, at bandang Kamikazee. Samantala, makihataw naman sa ASAP Supahdancers sa sina Maja Salvador, Shaina Magdayao, John Prats, Rayver Cruz, Bugoy Carino, at Georcelle Dapat-Sy.

Huwag naming palampasin ang taunang top 10 hit list ng programa sa “ASAP Diyes is it.” Tutukan ang back-to-back production numbers ng box-office royalties na sina Sarah Geronimo, Anne Curtis, Cristine Reyes, at Vice Ganda hatid ang ‘Top 10 Movies of 2011;’ kantahan kasama ang ASAP Sessionistas hatid ang ‘Top 10 Pinoy Hits;’ at ang todo-sayawang hatid ng ASAP Supahdancers para sa ‘Top 10 Dance Hits of 2011.’

Bibida rin sa “ASAP 2012” concertstage ang ilan sa mga bituing bibida sa 2012—sina Pokwang at Xyriel na lead stars ng pelikulang “A Mother’s Story,” Kapamilya teen stars na sina Julia Montes, Diego Loyzaga, Kathryn Bernardo, at Enrique Gil; at Primetime Bida teleserye love teams na kinabibilangan nina Erich Gonzales at Enchong Dee, Gerald Anderson at Jessy Mendiola, at Kim Chiu at Xian Lim.

Tampok din ngayong Linggo ang launch ng pinakabagong “ASAP 2012” website. Kaya’t maki-New Year’s party sa “ASAP” sa unang araw ng bagong taon, 12:15nn, sa ABS-CBN. Para sa updates, pictures at tsansang maka-hang out nang live ang stars ng ASAP Chill-Out, bumisita lamang sa http://asap.abs-cbn.com/ sundan ang@ASAPOFFICIAL sa Twitter, o i-‘like’ ang http://facebook.com/asapofficial.

Kuya Kim, Makakasama ang Matanglawin sa New Year


Sasalubungin ng broadcast journalist na si Kim Atienza ang bagong taon sa pamamagitan ng pagtampok ng isang natatanging uri ng lawin na walang iba kundi ang matanglawin.

Sa episode ng “Matanglawin” ngayong bagong taon (Jan 1), susundan ni Trivia King Kuya Kim ang mapangahas na ibon sa paghahanap nito ng pagkain. Animo’y may hasang ang matanglawin kapag gutom dahil bumubulusok ito hanggang sa ilalim ng karagatan makakuha lang ng isdang makakain.

Tutungo rin si Kuya Kim sa ilalim ng dagat, ngunit para maghanap naman ng isa pang uri kakaibang hayop. Pupuntahan ng Trivia King sa Bicol ang isang mala-higanteng isda na kinatatakutan ng mga tao doon.

Tinatawag nilang tawiki ang isdang ito, na kasing laki ng isang bus at may bungangang may lapad na umaabot hanggang isang metro.

Napagkamalang nagdudulot ng ala sang higanteng ito, kaya naman muntik nang maging extinct ang species nito.

Ang “Matanglawin” ay isang multi-awarded educational program na pinangungunahan ng Trivia King na si Kim Atienza. Kamakailan lang ay nakatanggap ito at si Kuya Kim ng pagkilala PMPC Star Awards para sa Best Educational Program at Best Educational Program Host; at ENPRESS Golden Screen TV Awards para sa Outstanding Natural History/Wildlife Program at Outstanding Natural History/Wildlife Program: Host categories. Tinanghal din na ika-siyam ang programa sa Top Ten Most Well-Liked TV Programs for 2011 ng Anak TV Awards kung saan si Kuya Kim ang ikatlo sa listahan ng Anak TV Makabata Male Stars sa taong ito.

Marami pang ibang kaalaman ang ibabahagi ni Kuya Kim tungkol sa matanglawin at tawiki sa Matanglawin ngayon Bagong Taon, 9:30 a.m. sa ABS-CBN.

Pokwang, 'TODA Max' ang Pasasalamat Ngayong Bagong Taon

Sa samu’t saring biyayang tinanggap niya ngayong taon, wala na yatang mahihiling pa ang komedyanang Pokwang, lalo’t maliban sa ganda ng takbo ng kanyang karera, masaya rin siya sa piling ng anak at iba pang kapamilya.

Matatandaang sa umpisa ng taon, ipinasilip ni Pokwang ang kanyang bagong gawang mansyon sa Antipolo City. Taus-puso din siyang tinanggap bilang bahagi ng “Happy Yipee Yehey!” family. Siyempre, matagumpay din ang pagkakalahok niya sa “TODA Max” na ngayo’y numero-unong sitcom na sa bansa.

Sa kabila ng likas na kakwelahan at pagiging masayahin, si Pokwang din ay isang ina at dating overseas Filipino worker (OFW) na dumaan sa iba’t ibang pagsubok tulad ng pagkamatay ng kanyang anak na lalaki ilang taon na ang nakararaan.

Kitang-kita ang bahaging ito ng pagkatao ni Pokwang sa kanyang natatanging pagganap bilang si Medy sa pelikulang “A Mother’s Story” ng The Filipino Channel (TFC) na kwento ng isang make-up artist na mapangahas na nag-TNT sa Estados Unidos upang maipagamot ang anak. Kasama niya sa nasabing pelikula sina Xyriel Manabat, Rayver Cruz, atbp.

“Totoong-totoo yung emotions na naibigay ko talaga. Kasi alam ko yung naramdaman ng isang ina na nawalay sa pamilya,” ani Pokwang.

Sa kanyang nakaantig na pagganap, taus-puso din ang suporta ng kanyang mga kasamahan sa “TODA Max” na sina action superstar Robin Padilla, Prince of Comedy Vhong Navarro at Angel Locsin.

Samantala, ngayong bisperas ng bagong taon (Dec 31) sa “TODA Max,” bagaman doña si Pokwang bilang si Lady G sa “TODA Max,” pamilya pa rin ang kanyang prayoridad. Maghahanda siya sa pagdating ng kanyang mga foreigner na in-laws, kaya’t baka hindi siya makakarating sa New Year’s eve party na ihahanda nina Tol (Robin), Justin (Vhong) at Isabel (Angel). Maliban kay Lady G, may trabaho din si Isabel kaya’t maari rin siyang hindi makadalo.

Lubos na ikalulungkot ito ni Tol lalo’t inihanda niya ang party para sa mga ka-miyembro niya sa TADO (Tricycle Association of Drivers and Operators), upang patayin ang alegasyon na nais niyang agawin mula kay Bruno (Jobert Austria) ang pagiging pangulo ng nasabing organisayon.

Maging masaya pa kaya ang bagong taon sa Beverly Gil’s? Tunghayan ang “TODA Max,” pagkatapos ng “Maalaala Mo Kaya” sa ABS-CBN. Para sa mga updates, mag-logon sa http://twitter.com/abscbndotcom.

Wayuk at High Voltage Housemates, Magkakabogan sa Sayawan



Puspusan na ang paghahanda ng Team Wayuk at Team High Voltage housemates ng “Pinoy Big Brother Unlimited” para sa kanilang sagupaan sa dance floor sa ikalimang Kontra Battle na ballroom dancing ngayong Sabado (Dec 31).

Kahit pa nahihirapan sa paggiling at pag-indak ang ilan sa kanila, todo ang pag-eensayo ng “PBB UnliDay” at “PBB UnliNight” teams ng cha-cha, tango, at samba para sa Big Ballroom Battle” sa tulong ng dance instructors para makalamang sa kabilang grupo at makuha ang P150,000 cash prize.

Pursigido din si Naprey na magpakitang gilas sa secret task niyang matutong mag-ballroom dancing nang naka-wheel chair. Hindi man kalahok sa mismong showdown, kailangang pabilibin ni Naprey ang kapwa housemates at patunayang kaya niyang makipagsabayan sa kanila.

Samantala, hatid ni Kuya ngayong Linggo (Jan 1) ang isang eksplosibong sorpresa dahil may iilang housemates na makakalabas ng PBB house para salubungin ang 2012.

Pakatutukan din ang kauna-unahang live na back-to-back eviction night sa 2012 ngayong Lunes (Jan 2). Sinu-sinong housemates kaya ang manganganib na mapaalis ng bahay sa pagbubukas pa lamang ng taon?

Matapos namang magwagi ang Team Wayuk sa nakaraang “Give Big Love Concert” noong Biyernes (Dec 23), mas tumitindi pa ang labanan sa pagitan ng dalawang grupo ngayong tigdadalawa na ang kanilang panalo sa Kontra Battle series.

Nagkasundo ang tatlong hurado – ang singer na si Nina, ang dance instructor na si Joy Cancio, at direktor na si Rowell Santiago – na talagang mas nakakaaliw at buo ang konsepto ng numbers na binigay ng “PBB UnliDay” team.

Sa kabuuan naman, nakapaglikom ng P150,000 ang concert na siyang ipagkakaloob sa mga nasalanta ng bagyong Sendong sa Cagayan de Oro at Iligan.

Huwag bibitiw at subaybayan ang mga pangyayari sa loob ng Bahay ni Kuya araw-araw sa “Pinoy Big Brother UnliDay” kasama si Bianca Gonzalez sa Kapamilya Gold pagkatapos ng “Angelito: Batang Ama” at gabi-gabi sa “Pinoy Big Brother UnliNight” kasama si Toni Gonzaga pagkatapos ng “Nasaan Ka Elisa?” sa Primetime Bida. Patuloy pa ring tutukan ang “PBB Unlimited Updates” ni Robi Domingo tuwing “Helena’s Promise” at “Ikaw ay Pag-ibig” sa ABS-CBN.

Alamin ang mga pinakabagong kaganapan sa Bahay ni Kuya at sundan ang kanyang Secretary sa @OfficialPBB4 sa Twitter o i-like ang www.facebook.com/OfficialPinoyBigBrother.



Saturday, December 24, 2011

Bea Alonzo and Zanjoe Marudo - METRO January 2012 Issue

Friday, December 23, 2011

Isyu ng Incest sa 'Maria La Del Barrio' Pasisinungalingan Ngayong Lunes

Lalabas na ang katotohanang magpapalaya kina Maria (Erich Gonzales) at Luis (Enchong Dee) sa “Maria la del Barrio” ngayong huling lingo ng 2011. Sa gitna ng pagdurusa ni Fernando (Ian Veneracion) sa sakit na leukemia, saksihan kung paano malalantad sa lahat ang kasinungalingang binuo nina Victoria (Angel Aquino) at Sandra (Assunta de Rossi). Anong magaganap sa sandaling malaman nina Maria at Luis na hindi sila magkapatid? Handa ba silang kalimutan ang lahat upang magsimula muli? Huwag palampasin ang top-rating Primetime Bida teleseryeng "Maria la del Barrio," gabi-gabi, pagkatapos ng "Reputasyon" sa ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter.

ABS-CBN Execs at Stars, Nakibahagi sa 'Operation Sendong'

Nakiisa kamakailan sa “Sagip Kapamilya: Operation Sendong” ang ilang top executives ng ABS-CBN Corporation sa pangunguna ng kanilang chairman at CEO Eugenio "Gabby" Lopez III at ABS-CBN Foundation managing director Gina Lopez sa pamamahagi ng relief goods sa Paaralang Sentral ng Hilaga sa Cagayan de Oro City, kung saan kasalukuyang nanunuluyan ang mahigit 800 pamilya na biktima ng pananalasa ng bagyong Sendong. Kasama sa pagdalaw ang ilang Kapamilya stars na sina Piolo Pascual, Maja Salvador at Enchong Dee.

Bago ang pagbisita ng ABS-CBN executives, ilang Kapamilya stars na rin ang nauna nang dumalaw at tumulong sa relief operations sa iba’t ibang bahagi ng CDO at Iligan tulad nina Kris Aquino, Anne Curtis, Cristine Reyes, Vice Ganda, Sam Milby, Diether Ocampo, Jake Cuenca, Maricar Reyes, Rafael Rosell, John Lloyd Cruz, Shaina Magdayao, Matteo Guidicelli at si ABS-CBN channel 2 head Cory Vidanes.

Sa pagdayo ng ABS-CBN stars, nakapaghatid sila ng tulong at pinasaya ang mga kapamilyang pinalungkot ng trahedya. Tumulong din ang ibang Kapamilya talents sa gabi-gabing “Sagip Kapamilya: Operation Sendong Telethon” na hangad mangalap ng donasyon at magbahagi ng impormasyon kaugnay ng mga bagong kaganapan sa mga lugar na sinalanta ng bagyo. Nakibahagi sa telethon sina JM de Guzman, Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, Julia Montes, at Robi Domingo, na matiyagang naghintay ng tawag mula sa donors mula sa Pilipinas at ibang bansa.

Sa huling tala noong Biyernes (Dec 22) ng 3 pm, nakalikom na ang “Sagip Kapamilya: Operation Sendong” ng kabuuang donasyon na P42.6 million kasama pa ang additional P2.1 million ‘worth of pledges.’ Sa parehong araw, iniulat rin ng Sagip Kapamilya na naserbisyuhan na ng programa ang humigit 63,000 katao o humigit kumulang 21,252 na pamilya.

Patuloy pa rin nangangalap ang “ABS-CBN Sagip Kapamilya: Operation Sendong” ng mga donasyon para maitulong sa mas marami pang nabiktima ng bagyo sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Maaring dalhin ang mga donasyong de-lata, bigas, noodles, biskwit, kape, asukal, damit, kumot, banig, at gamot sa Sagip Kapamilya, ABS-CBN Foundation Inc. Mother Ignacia cor. Eugenio Lopez St. Diliman, Quezon City; ABS-CBN Cagayan De Oro, Barangay Bulua, Cagayan De Oro City; at sa ABS-CBN Davao, Shrine Hills, Matina, Davao City.

Para naman sa mga cash donation, maaring magpadala ng tulong sa Banco de Oro (Sct. Albano, Quezon Ave., Quezon City Branch) sa pamamagitan ng account name na ABS-CBN Foundation Inc.-Sagip Kapamilya na may account number na 393-011-4199. Para sa international cash donations, ang BDO dollar account number ng Sagip Kapamilya ay 393-008-1622 na may ‘swift code’ na BNORPHMM.

Puwede ring madeposito ng donasyon sa pamamagitan ng PNB at BPI na kapwa may account name na ABS-CBN Foundation Inc.-Sagip Kapamilya. Ang account number sa PNB ay 419-539-5000-13; samantalang sa BPI (West Triangle, Quezon City Branch), 3051-1127-75. Ang BPI Dollar Account ay nakapangalan din sa ABS-CBN Foundation Inc.-Sagip Kapamilya at may account number na 3054-0270-35.

Kathryn at Daniel, Nanguna sa 'Hottest 20 Stars Under 20 of 2011' Online Poll

Namayagpag ang 'KathNiel' love team nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ng Kapamilya teen show na "Growing Up" sa katatapos lamang na ‘Hottest 20 Stars Under 20’ online poll ng isang sikat na showbiz website. Sa huling tala ng Starmometer, nanguna sa listahan si Kathryn na may 10, 718 ‘likes,’ habang 7,922 ‘likes’ naman ang nakuha ni Daniel sa kanilang 'Hottest 20 Under 20 gallery' Facebook page. Patuloy na subaybayan ang pamumukadkad ng samahang 'Kathniel' ngayong Linggo (Disyembre 25) sa “Growing Up” pagkatapos ng “ASAP Rocks” sa ABS-CBN.

Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.growingup.tv , sundan ang @ABSGrowingUp sa Twitter, at i-‘like’ ang http:// www.facebook.com/abs.growingup.

'TODA MAX' na Kaligayahan, Paiiralin Ngayong Pasko

Abala ngayon ang action superstar Robin Padilla, Prince of Comedy Vhong Navarro, Pokwang, at Angel Locsin sa panghihikayat sa mga Pilipino na mag-abot ng tulong sa mga nasalanta ng bagyong Sendong sa Cagayan de Oro at mga karatig-lungsod nito.

Lumipad pa si Angel sa Cagayan de Oro upang personal na ipaabot ang tulong sa mga biktima ng bagyo, lalo na ‘yung mga nawalan ng mahal sa buhay. Walang humpay ang panawagan sa kanyang Twitter account na suportahan ang proyekto ng ABS-CBN Sagip Kapamilya.

“Hindi kami nandito para ipakita lang na namimigay kami, kundi para manghikayat rin kami sa mga kababayan natin na mag-share po tayo ng blessings, tutal magpa-Pasko naman po," ani Angel.

Ganoon din ang habag na nararamdam ang nararamdaman ni Robin Padilla para sa mga nasalanta.

“Malapit talaga sa puso ko ang mga taga-Mindanao, kaya talagang nalulungkot ako sa nangyari. Ang tulong na iaabot natin ay tiyak na magbibigay-saya sa mga biktima ng bagyo,” ani Robin.

Sa kabila naman ng pagiging abala, tuloy-tuloy ang pagbibigay-saya nila sa “TODA Max,” ang numero-unong comedy program sa bansa.

Ayon sa datos ng Kantar Media noong Sabado (Dec 17), nagtala ang “TODA Max” ng national TV rating na 24.1% laban sa 17.6% ng isang horror comedy program, at 7.6% ng isa ring comedy program ng mga kalabang istasyon.

Samantala, ngayong bisperas ng Pasko sa “TODA Max,” mahahabag si Tol (Robin) sa mga anak na sina Sandy (Aaliyah Benisano) at Ronron (Izzy Canillo) dahil nakikinood lang ang mga ito ng TV sa kapitbahay. Kaya naman isasanla niya kay Bruno ang relong bigay ng yumaong asawa para mabilhan ang anak ng segunda manong TV set. Ngunit paano kung mawala ang pinakamamahal na relo? Matulungan kaya si Tol ng kanyang pinsan na si Justin (Vhong) at ng kasintahan nito na si Isabel (Angel)?

Tunghayan ang “TODA Max,” pagkatapos ng “Maalaala Mo Kaya” sa ABS-CBN. Para sa mga updates, mag-logon sa http://twitter.com/abscbndotcom.

Angeline at Liezel, Inawitan ang Mga Buntis sa DZMM Buntis Congress

Inawitan ng “Star Power” grand winner na si Angeline Quinto at “Pinoy Dream Academy” finalist na si Liezel Garcia ang higit sa 1,500 nagdadalang-tao sa ika-siyam na DZMM Buntis Congress na ginanap sa tatlong lungsod sa bansa ngayong taon.

Nagbigay aliw ang celebrity mom na si Winnie Cordero bilang host sa lahat ng regions. Kasali rin si Christine Bersola-Babao at Mark Echem na nagpasaya sa mga buntis na lumahok at natuto sa seminar ng tamang pangangalaga ng kanilang sanggol bago at pagkatapos ng panganganak.

Nagbahagi ng kaalaman ang mga eksperto mula sa Department of Health (DOH), Commission on Population (COP), Midwives Foundation of the Philippines (MFP) at National Nutrition Council (NNC) ukol sa pangangalaga ng sinapupunan upang maiwasan ang mga kumplikasyon habang nagdadalang-tao na maaaring humantong sa pagkamatay ng ina at ng sanggol.

Ang pagtitipong ginanap sa SM Megamall sa Maynila ay dinaluhan ng 1,000 buntis, habang 200 nagdadalang-tao naman ang lumahok sa seminar sa Baguio City. Bukod pa sa 300 buntis na dumalo sa Buntis Congress sa Zamboanga City, mayroon ding 150 inang nagbe-breastfeed na nakiisa sa breastfeeding program ng lokal na pamahalaan nito.

Pinaalalahanan ng DZMM anchor at OB-gynecologist na si Dr. Bles Salvador ang mga inang sumailalim sa buwanang check-up para masubaybayan ang paglaki ng kanilang anak at maiwasan ang mga suliranin habang nagsisilang.

Samantala, pinangunahan ng assistant secretary ng Department of Health na si Dr. Eric Tayag ang pag-eehersisyo ng mga buntis sa tugtuging “Waka Waka” sa seminar sa Maynila.

Bukod sa pa sa kaalaman at makabuluhang impormasyon, nag-uwi ng baby bags ang mga dumalong buntis. Nagpa-raffle din ng cash prizes, bedroom, bathroom, at recreation showcases sa tatlong pagtitipon, na pinangunahan ng DZMM anchor na si Winnie Cordero at ng DJs ABS-CBN regional radio stations.

Sa nakalipas na siyam na taon, nagbibigay ang DZMM Buntis Congress ng libreng seminar para turuan ang mga buntis ng mga dapat at hindi dapat gawin bilang isang ina. Ito rin ang ikatlong taong nagdaos ng mga seminar sa mga lungsod sa labas ng Metro Manila.

Melai, Sasama sa Christmas Day Adventures ni Kuya Kim sa 'Matanglawin'

Tiyak na mapupuno ng tawanan ang adventures ni Trivia King Kuya Kim sa “Matanglawin” ngayong Araw ng Pasko (Dec 25) sa pagbisita ni Melai Cantiveros. Sasamahan niya ang award-winning anchor sa pagbisita nito sa mga naulila sa Children’s Joy Foundation.

Magpapa-party si Kuya Kim at Melai the Christmas Elf sa bahay-ampunan at pamamanghain ang mga bata sa ihahandang magic show. Siguradong magugulat naman ang lahat sa pagdating ng sikat na Secret Santa.

Ipapakita rin ni Kuya Kim ang iba’t ibang home decorations ng ibang mga kultura sa panahon ng Kapaskuhan.

Hiindi makukumpleto ang saya kung hindi makakapiling ni Kuya Kim ang mga hayop ngayong Pasko. Sasamahan sya ni “Princess Sam” sa paglilibot ng Zoo on Wheels para makapagbigay ng saya sa mga animal lovers.

Ibinihagi ni Kuya Kim sa nagdaang taon ang mga kaalaman tungkol sa mga hayop, kalikasan, pop culture atbp. Nakita ang katapangan ni Kuya Kim sa pagharap sa iba’t ibang mga pagsubok. Humiga sya sa kabaong, tumira sa gubat, pumunta sa bunganga ng bulkan at nasakmal ng bayawak.

Huwag palalampasin ang saya sa “Matanglawin” ngayong Araw ng Pasko (Dec 25), 9:30 ng umaga sa ABS-CBN.

NBA, Babalik na sa Studio 23

Babalik na ang NBA sa Studio 23 sa Lunes (Dec 26) pagkatapos ng matagal-tagal ding paghihintay. Isa sa mga nakatakdang laro sa pagbabalik ng liga ay ang muling pagtutuos ng reigning NBA champions na Dallas Mavericks at ng nakalabang team noong huling finals na Miami Heat. Mapapanood ang laro ng 8:30 am at 7 pm.

Lalo pang lumakas ang Mavericks matapos lumipat sa koponan ngayong season ang ilang magagaling na manlalaro ng ibang koponan. Nasa Mavericks na ngayon ang dating Laker na si Lamar Odom, isang beteranong forward, at si Vince Carter, na isang ring NBA star. Nananatili naman sa Miami ang power trio nina LeBron James, Dwyane Wade at Chris Bosh.

Magsisilbi namang pampainit sa laro ng Heat at Mavericks ang pagtatagisan ng Chicago Bulls at Los Angeles Lakers na mapapanood ng 6 am at 9:30 pm. Sa pag-alis ni Odom at ng tanyag na coach na si Phil Jackson noong huling season, kinakikitaan ngayon ng malaking pagbabago ang Lakers. Nananatili namang bahagi ng Bulls ang star player nitong si Derrick Rose.

Maglalaro naman ang Bulls at Los Angeles Clippers sa susunod na Sabado (Dec 31). Mapapanood ito ng 11 am. Sa January 1, matutunghayan naman ang bakbakan ng Philadelphia 76ers at ng Golden State Warriors ng 10 am. Sa susunod na araw, January 2, maglalaban ang Lakers at Denver Nuggets ng 9 am. Mapapanood ang NBA primetime telecast ng mga larong ito sa parehong araw ng 9:30 pm sa Studio 23.

-30-

Thursday, December 22, 2011

'ASAP Rocks' May Handog na 'Christmas Special' Ngayong Linggo

Gawing mas espesyal ang Pasko ng pamilya ngayong Linggo (Disyembre 25) kasama ang pinamalalaking bituin ng 2011 PMPC Star Awards Best Musical Variety Show at Golden Screen Awards 2011’s Outstanding Musical Program na “ASAP Rocks.”

Una sa ‘Christmas list’ ng ‘ASAP Christmas Special’ episode ng top-rating musical variety show ng ABS-CBN ang world-class ‘Rated PG’ segment ni Gary Valenciano, na susundan ng iba’t-ibang pamaskong sorpresang hatid ng mga bida ng 2011 Metro Manila Film Festival entries na sina Angelica Panganiban ng “Segunda Mano” at AiAi delas Alas ng “Enteng ng Ina Mo;” box-office queens, Cristine Reyes at Anne Curtis; teleserye royalties na sina Erich Gonzales, Enchong Dee, Julia Montes, Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, Kim Chiu at Xian Lim; at ng Kapamilya child wonders na sina Zaijan Jaranilla, Mutya Orquia, Louise Abuel, at Xyriel Manabat.

Tiyak na magpapangiti naman ang family reunion ng ASAP Kapamilya mainstays na sina Gary, Martin Nievera, at ZsaZsa Padilla kasama ang kani-kanilang mga anak na sina Paolo, Gabriel, at Kiana; Ram at Robin; at Karylle at Zia.

Todo ‘Christmas jamming’ din ngayong Linggo tampok sina Vina Morales, Christian Bautista, Erik Santos, Yeng Constantino, Jed Madela, Angeline Quinto, Jovit Baldivino, Nikki Gil, at ASAP Sessionistas.

Samantala, magpapasikat din ang ‘Bailes de Luces’ ng “Showtime,” ASAP Supahdancers na sina Shaina Magdayao, Maja Salvador, John Prats, Rayver Cruz, Gabriel Valenciano, Iya Villania, Enrique Gil, Sam Concepcion, Empress, Jessy Mendiola, Robi Domingo; at ASAP ‘teen favorites’ na sina Devon, Linn, Ivan, Sue, at Paul.

Ipagdiwang ang Pasko sa “ASAP Rocks” ngayong Linggo, 12:15nn, sa ABS-CBN. Para sa updates, pictures at tsansang maka-hang out nang live ang stars ng ASAP Chill-Out, bumisita lamang sahttp://asap.abs-cbn.com/ sundan ang@ASAPOFFICIAL sa Twitter, o i-‘like’ ang http://facebook.com/asapofficial.

Rosalie, Nakapagdesisyon Na

Sinunod na nga ni Rosalie (Charee Pineda) ang kagustuhan ng kanyang pamilyang lisanin ang kanilang probinsya at magsimula ng panibagong buhay kahit na ang kapalit nito ay ang tuluyang pagkawalay niya kay Angelito (JM De Guzman) at sa kanilang anak. Nanaig ang pagiging anak ni Rosalie lalo pa’t kailangan niyang protektahan ang ama na posibleng makasuhan sa naganap na insidente sa bus station. Ang kapatid naman niyang so Rolan (Matt Evans) ay naiwan para makulong sa salang arson. Laking gulat naman ni Angelito sa ibinalita ng kanyang lola na pag-alis ni Rosalie. Paano nga kaya haharapin ni Angelito ang responsibilidad ng pagtaguyod sa isang sanggol ng mag-isa? Ano ang magiging papel ng mga bagong kaibigan tulad ni Jenny (Kaye Abad) sa buhay niya? Walang bibitiw sa pinag-uusapang serye tuwing hapon, ang “Angelito: Batang Ama,” 3:30 PM pagkatapos ng “Helena’s Promise” sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN. Sundan ang Twitter sa @Batang_Ama, Facebook (www.facebook.com/AngelitoBatangAma), at YouTube (www.youtube.com/AngelitoBatangAma). I-tweet na ang inyong mga opinion, saloobin, at suhestiyon gamit ang hashtag na #AngelitoBatangAma.

KC Concepcion, Piniling Manatili Bilang Kapamilya

Pumirma ng isang exclusive contract sa ABS-CBN si KC Concepcion. Sa naganap na contract signing, nakasama ni KC (mula kaliwa) ang bago niyang manager na si Vic del Rosario, ABS-CBN president and COO Charo Santos-Concio, Channel 2 head Cory Vidanes, at TV production head Linggit Tan. “Dito na ko lumaki sa ABS-CBN at masaya akong mananatili akong Kapamilya,” sabi ni KC. “Magaganda ang mga inihahandang proyekto para sa akin, kabilang ang teleseryeng Alta, ang ASAP tuwing Linggo, at magiging host din ako ng isang bagong show.”

Santa Claus, Nasa 'Wansapanataym' Ngayong Sabado

Ipadiwang ang Pasko ngayong Sabado (Disyembre 24) kasama ang buong pamilya at si Santa Claus sa ‘Santa Maybe’ episode ng “Wansapanataym.” Tutukan kung paanong napunta si Santa sa buhay ni Badong (Jayson Gainza), isang amang hindi naniniwala sa Kapaskuhan dahil sa sunod-sunod na pagsubok na pinagdaanan. Maibalik pa kaya sa puso ni Badong ang diwa ng Pasko kasabay ng pagbalik ng memorya ni Santa Claus? Kasama ni Jayson sa Christmas episode sina Ricky Rivero, Amy Nobleza, Jhiz Drocareza, Rency Consigna, at Arlene Muhlach. Ang ‘Santa Maybe’ ay idinirek ni Avel Sunpongco at sinulat ni Joel Mercado Scriot. Maki-Pasko kay Santa Claus sa Catholic Mass Media Awards’ Best Children and Youth Program na “Wansapanataym” ngayong Sabado ng gabi pagkatapos ng “TV Patrol Weekend” sa ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter.

P500,000 na Napanalunan ng Star Magic Artist sa HYY, Ido-Donate sa mga Biktima ng Bagyong Sendong

Hindi sukat-akalain ng Star Magic artist na si Chienna Filomeno na siya ang maglalaro sa jackpot round ng “Susi ng Kapalaran” sa “Happy Yipee Yehey!” Na-pressure man sa laro, lalo’t alam niyang ang salaping mapapanalunan ay mapupunta sa mga biktima ng bagyong Sendong, sinunod niya ang pakiramdam na gamitin ang susi, kaysa piliin ang P200,000 na inalok sa kanya ng HYY hosts. Sa kalahating milyong napanalunan, ang buong-pwersa na Star Magic ay marami nang matutulungan. Puspusan din ng kampanya ng karamihan sa kanila upang tulungan ang mga nasalanta ng bagyo. Trending naman sa Twitter ang kanilang pagka-panalo. Ilan sa mga nagniningningang Star Magic artists na lumahok din sa nasabing laro ay sina Dominic Ochoa, Guji Lorenzana, Japoy Lizardo, Kitkat, Kathryn Bernardo, Rap Fernandez, Igi Boy Flores, Makisig Morales at CJ Navato. Para sa mga updates, i-follow ang HYY sa Twitter, http://twitter.com/#!/hyyofficial.

Wednesday, December 21, 2011

Nakahahalina, Kawili-Wili't Kapanapanabik na Personalidad, Tampok sa Cinema One

Buong-pusong inihahandog ng Cinema One, ang numero-unong cable channel sa Pilipinas, ang “Cinema One’s Top 10 F.I.E. People of 2011,” kung saan ang King of Talk na si Boy Abunda ang host.

“Nakahahalina, kawili-wili at kapanapanabik,” ganito isalarawan ang mga taong tampok sa listahan ng movie channel. Masusing pinili mula sa pangalang naging matunog ngayong taon, ang mga personalidad na ito ay nagmula sa mundo ng showbiz, sports, media, pulitika, negosyo at maging sa sining at kultura. Ang iba’y nagbigay-karangalan. Marami din sa kanila ang nagbigay-inspirasyon sa iba.

Pangunahin sa listahan ang tinaguriang “Superstar” sa showbiz na si Nora Aunor, na kamakailan lang ay nagbalik pelikula’t telebisyon. Matapos ang mahabang panahong pananahimik at pagtitiis sa matitinding isyung ipimupukol sa kanya, handa nang patunayan ni Nora na siya pa rin ang nananatiling Superstar. Kamakailan lang ay binigyan siya ng parangal ng Cinema One Originals Festival para sa kanyang natatanging kontribusyon sa Sine Pilipino.

Laman din ng mga balita kamakailan si dating Pangulo Gloria Macapagal-Arroyo at asawang si Mike Arroyo. Ito’y matapos ma-aresto si PGMA dahil sa kasong criminal para sa di-umano’y pandaraya sa eleksyon. Ngunit bago tuluyang ma-bilanggo ang dating panulo, gumawa muna ito ng mga eksena na talagang pinag-usapan ng marami—sa paliparan at sa ospital.

Isa rin sa mga naging matunog sa pulitika ay si Justice Secretary Leila de Lima. Humarap si de Lima sa mga kontrobersiya, lalo na ‘yung tungkol sa kanyang naging desisyon sa mga pinaka-prominenteng kaso sa bansa. Bago tuluyang manungkulan bilang kalihim, siya ay naging chairperson ng Philippine Commission on Human Rights sa ilalim ng nakaraang administrasyong Arroyo.

Naging usap-usapan din ang Star Magic artist na si Andi Eigenmann dahil matapang niyang hinarap ang mga hamon ng biglaang pagbubuntis. Sa likod niya ay ang taus-pusong suporta ng inang si Jacklyn Jose, na nagsabing ang pagbubuntis ni Andi ay nagpatatag sa relasyon nilang mag-ina.

Simula nang tinanghal siyang world boxing champion at kalauna’y binoto bilang kongresista, naging laman na ng mga balita sa loob at labas ng bansa si Manny Pacquiao, pati na rin ang kabiyak na si Jinky. Kamakailan lang ay nanalo siya laban sa Meksikanong si Juan Manuel Marquez, kaya’t nananatili siyang “People’s Champ” sa puso ng mga Pinoy. Si Jinky naman ay tahasang inamin na muntikan na silang maghiwalay ng kanyang asawa dahil sa mga problemang hindi niya tinukoy. Ngunit ngayon ay tila walang nangyari dahil masaya nang humaharap sa publiko ang mag-asawa.

Ang pagbibida naman ni Vice Ganda sa “Praybeyt Benjamin” na tinagurang highest-grossing film ng bansa sa kasaysayan, ang nagdala sa komedyante sa rurok ng tagumpay. Tunay na larawan ng isang matagumpay na miyembro ng LGBT (lesbians, gays, bisexuals and transgenders) community, si Vice ay naging matagumpay bilang TV host, komedyante at recording artist.

Sa mundo naman ng negosyo, parang kaboteng nagsulputan ang mga tatak SM na establisyamento ngayong taon. Mula sa mga pinakamalalaking mall sa Asya, halos parating bukas na mga bangko, ang mga Sy ay mayroon na ring condominiums at iba pang real properties. Kilalanin sina Teresita Sy-Coson at Henry T. Sy Jr., ang mga tao sa likod ng tagumpay ng SM, na siya ring mga anak ng makasaysayang business tycoon na si Henry Sy Sr.

Muling lumikha ng ingay ang Pilipinas sa buong mundo nang tanghalin si Shamcey Supsup bilang 3rd Runner-up sa Miss Universe pageant ngayong taon. Namangha ang lahat nang sabihin niya sa question and answer portion ng patimpalak na hindi niya papalitan ang relihiyon kahit pa sa lalaking minamahal. Patunay ang kanyang sagot na marami pa ring Pilipino ay likas na may pagpapahalaga sa Diyos at iba pang tradisyon.

Sa sports, makulay din ang naging mga karanasan ng Philippine Dragon Boat Federation ngayong taon, matapos silang mag-uwi ng karangalan sa bansa. Lalo pa silang naging kontrobersyal nang hindi sila kilalanin ng pamahalaan bilang opisyal na kinatawan ng Pilipinas sa ASEAN games at iba pang torneo. Marami man ang natuwa sa kanilang pagpanalo, ni isang kusing ay wala naman silang natanggap mula sa Philippine Sports Commission.

Tampok din sa special na handog na ito ang mga filmmakers naging bantog ngayong taon tulad nina Loy, Marlon Rivera, Antoinette Jadaone, Victor Villanueva at Sari Dalena.

Tunghayan ang “Cinema One’s Top 10 F.I.E People of 2011” ngayong Huwebes (Dec 23), 10p.m. Ang Cinema One (SkyCable Channel 56) ay available sa SkyCable Gold, SkyCable Silver at iba pang quality cable operators sa buong bansa.

Star Records, Wagi sa 24th Awit Awards

Kuminang ang mga bituin ng Star Records sa katatapos lang na 24th Awit Awards sa pagwawagi nito ng pitong parangal mula sa iba’t ibang kategorya.

Dalawang tropeyo ang nasungkit ni 1st PGT grand winner na si Jovit Baldivino. Pinarangalan siya ng ‘Best Male Performance by a New Male Recording Artist’ award; samantalang ang “Faithfully” album niya ang kinilalang ‘Best Selling Album of the Year.’

Pinarangalan ng ‘Album of the Year Award’ si Juris sa kanyang “Now Playing by Juris” album; ‘Best Inspirational/Religious Recording’ ang “Sa’yo Lamang” album ni Jamie Rivera kasama ang Hail Mary the Queen Children’s Choir; ‘Best Performance by a New Group Recording Artists’ ang Ezra band; ‘Best Dance Recording’ ang “Move” ni Gabriel Valenciano kasama ang kapatid na si Kiana; at ‘Best Song Written for TV/Movie/Stage Play’ para sa “Kaya Mo!” na ginamit sa pelikulang “RPG Metanoia” ng Star Cinema.

Taunang ginaganap ang Awit Awards ng PARI (The Philippine Association of the Record Industry, Inc.) upang bigyang pugay ang mga Pilipinong mang-aawit at ang mga tao sa likod ng mga mahuhusay na obra maestra.

Coney Reyes, Mag-Aampon ng Bata Ngayong Pasko

Bibida ngayong bisperas ng Pasko (Disyembre 24) sa “Maalaala Mo Kaya” ang bateranang aktres na si Coney Reyes. Matapos ang matagumpay na Primetime Bida series na “100 Days to Heaven,” muling mapapanood sa telebisyon si Coney sa 'Foster a Child' episode ng MMK kung saan gagampanan niya ang karakter ni 'Mila,' isang inang noong una'y tinatanggihan ang mag-ampon ng bata, ngunit sa kalauna'y mamahalin ng tunay ang sanggol na kinalinga. Saksihan kung papaanong higit na ginawang makabuluhan ng isang sanggol ang Pasko ng isang mag-anak at ang pagiging magulang ng isang ina. Kasama ni Coney sa 'Foster a Child' episdoe sina Tommy Abuel, Pia Romero, Bryan Santos, Franco Daza, Charles Christianson, Kalila Aguiluz, Blythe, Nikka Valencia, at Tanya Gomez. Ito ay sa ilalim ng pagsasaliksik ni Akeem Jordan del Rosario, panulat ni Benjamin Benson Logronio, at direksyon ni Rechie del Carmen. Huwag palampasin ang patuloy na pagdiriwang ng ika-20 anibersaryo ng longest-running drama anthology ng Asya, ang “Maalaala Mo Kaya” (MMK), tuwing Sabado ng gabi, pagkatapos ng “Junior Master Chef Pinoy Edition.” Para sa iba pang updates, mag log on sawww.mmk.abs-cbn.com, sundan ang MMKOfficial sa Twitter, at i-“like” ang www.faceboook.com/MMKOfficial.

Tuesday, December 20, 2011

Kapamilya Stars, Namahagi ng Tulong sa mga Nasalanta ng Bagyong Sendong sa Cagayan de Oro


Personal na bumisita at nag-abot ng tulong kamakailan ang Kapamilya stars na sina Kris Aquino, Vice Ganda, Angel Locsin at Anne Curtis sa mga nasalantang lugar ng bagyong Sendong sa Cagayan de Oro City.

Bitbit ang mga donasyong pagkain, tubig, at mga gamit panligo; dinalaw nina Kris, Vice, Angel, at Anne ang pami-pamilyang magpahanggang ngayon ay wala pa halos masilungan, makain, at mainom.

Ayon kay Kris, hindi nila sasayangin ang pagkakataong makatulong sa mga nangangailangang kababayan. Kuwento niya, “Nakakatuwa kasi pati ‘yung mga kasambahay ko, tumulong rin. Ang bait nila kasi hanggang alas-kuwatro ng umaga, nagre-repack sila ng mga ipamimigay naming.”

Pakikipagkapwa naman ang mensahe ni Vice sa kanyang pagdalaw. “Nakababagabag na ‘yung mga nangyayari kaya’t kailangang may gawin tayo. Alam nating lahat na ang daming nasalanta dito sa Cagayan de Oro, pati sa Iligan; at parang nakaka-konsensya naman kung ilalaan pa namin ‘yung panahon namin sa shopping," sabi ng komedyante.

Samantala, kapwa hinikayat nina Angel at Anne ang publiko na magbahagi ng biyaya ngayong Pasko sa pamamagitan ng pagtulong sa mga nabiktima ng bagyong Sendong.

Paliwanang ni Angel, “Hindi kami nandito para ipakita lang na namimigay kami, kundi para manghikayat rin kami sa mga kababayan natin na mag-share po tayo ng blessings, tutal magpa-Pasko naman po."

"Sa nakikita po namin, ang pinakaimportanteng kailangan nila sa ngayon ay malinis na tubig na puwedeng mainom," dagdag panawagan pa ni Anne.

Patuloy pa rin nangangalap ang “ABS-CBN Sagip Kapamilya: Operation Sendong” ng mga donasyon para maitulong sa mas marami pang nabiktima ng bagyo sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Maaring dalhin ang mga donasyong de-lata, bigas, noodles, biskwit, kape, asukal, damit, kumot, banig, at gamot sa Sagip Kapamilya, ABS-CBN Foundation Inc. Mother Ignacia cor. Eugenio Lopez St. Diliman, Quezon City; ABS-CBN Cagayan De Oro, Barangay Bulua, Cagayan De Oro City; at sa ABS-CBN Davao, Shrine Hills, Matina, Davao City.

Para naman sa mga cash donation, maaring magpadala ng tulong sa Banco de Oro (Sct. Albano, Quezon Ave., Quezon City Branch) sa pamamagitan ng account name na ABS-CBN Foundation Inc.-Sagip Kapamilya na may account number na 393-011-4199. Para sa international cash donations, ang BDO dollar account number ng Sagip Kapamilya ay 393-008-1622 na may ‘swift code’ na BNORPHMM.

Puwede ring madeposito ng donasyon sa pamamagitan ng PNB at BPI na kapwa may account name na ABS-CBN Foundation Inc.-Sagip Kapamilya. Ang account number sa PNB ay 419-539-5000-13; samantalang sa BPI (West Triangle, Quezon City Branch), 3051-1127-75. Ang BPI Dollar Account ay nakapangalan din sa ABS-CBN Foundation Inc.-Sagip Kapamilya at may account number na 3054-0270-35.

Mga Anime na Punong-puno ng Aksyon, Handog ng HERO TV Ngayong Kapaskuhan

Ang pantasya’y magkakatotoo. Ang alamat ay mabubunyag. Ganito isalarawan ng Hero TV, ang pinaka-pinapanood na anime channel sa bansa, ang mga palabas na handog nito ngayong kapaskuhan, lalo’t may mga bago’t nagbabalik na anime, mga kapanapanabik na pelikulang tatak “Hero Theatrix,” ang pinakabagong yugto ng “My Hero Nation” at ang “2011 Hero Yearend” special na dapat abangan.

“Bida Ka Dito,” ani ng tagline ng Hero TV, na humihikayat sa mga kabataan na maging bayani ng kani-kaniyang pamilya’t mga kaibigan. Ngayong kapaskuhan, iniimbitahan ng Hero TV ang lahat na pasukin ang mundo ng kabayaniha’t tagumpay sa pamamagitan panonood ng mga bagong handog nito.

Ilan sa mga dapat tunghayan ay ang “Blue Dragon Season2,” “Superior 8 Ultraman Brothers” and “Megamonster Battle Ultra Galaxy The Movie.” Isang kapistahan din na pinamagatang “Feast of Animated Theatrixx” ang kukumpleto sa bawat pamilyang Pilipino ngayong kapaskuhan, lalo’t de-kalibreng mga animated movies ang tampok dito ngayong Disyembre 24 at 25, 12p.m. at 12a.m.

Nagababalik naman ang mga patok na patok na anime na “Reborn Season 1,” “Code Geass,” “Needless,” “Eyeshield 21 Season 3,” “One Outs,” “Yugioh GX Season 2,” “Hana Yori Dango,” “Devil May Cry,” at “Lovely Idol.”

Matapos mapalaya ang mundo mula sa karimlan, si Shu at ang kanyang mga kaibigan ay handa nang protektahan ang mundo mula sa kasamaan. Maglalaban din ang dalawang pinakamalalakas na dragon, ang Blue Dragon ni Shu at ang walang kinatatakutan na Red Dragon. Tunghayan ang maaksyong tagpong ito sa “Blue Dragon Season 2” tuwing Martes, 7:30p.m., na may replay tuwing 5a.m. at 12p.m.

Sa “Hero Theatrixx” naman, dalawang Ultraman movies ang nakatakdang itanghal—ang “Superior 8 Ultraman Brothers” sa Disyembre 18, 12:30 a.m., 12p.m. at 9p.m., na siyang pinaka-tumabo sa takilya at “Megamonster Battle Ultra Galaxy The Movie” na ipapalabas ngayong pasko (Dec 25), 1a.m., 12p.m. at 9p.m., na pumangalawa naman sa pinaka-mabentang Ultraman movie.

Ngayong Disyembre din, ang “My Hero Nation Season 2” ay magtatampok ng kaabang-abang na mga kaganapan ngayong kapaskuhan. Umaatikabong performances, dubbing, gaming, cosplaying, anime fan mail reading, manga style drawing ay ilan sa mga hatid ng nasabing programa. Mapapanood ang “My Hero Nation Season 2” tuwing Sabado, 12p.m. at 8p.m. na may replay tuwing Linggo, Lunes, Miyerkules at Biyernes, 12p.m. at 8p.m.

Samantala, bago tuluyang magsara ang taon, tayo’y magbalik-tanaw sa mga adventures na pinagdaanan ng mga manonood ng Hero TV ngayong taon. Huwag palampasin ang “2011 Hero Year-end Special” ngayong Disyembre 31 at 12p.m. at 9p.m., na may mga replay sa Enero 1 sa parehong timeslots.

Ang Hero TV (Channel 44) ay available sa SkyCable Gold, SkyCable Silver at iba pang quality cable operators sa buong bansa. Para sa mga updates, mag-logon sa www.myheronation.com

Finale ng 'The X Factor' via satellite sa Studio 23


Magpapasiklaban na sa kantahan sina Melanie Amaro, Josh Krajcik, at Chris Rene para patunayang sila ang karapat-dapat na tanghaling pinakaunang kampeyon ng ”The X Factor USA” ngayong Huwebes (Dec 22) at Biyernes (Dec 23) live via satellite sa ganap na 7 PM via Studio 23.

Ang magwawagi sa kumpetisyon ay bibigyan ng US$ 5 million Sony recording contract at may pagkakataong magtanghal sa taunang Pepsi Superbowl.

Hindi lamang ito labanan ng tatlong finalist acts kung hindi bangaan din ng tatlo sa mga hurado dahil si Melanie ay alaga ni Simon Cowell, si Josh naman kay Nicole Scherzinger, at si Chris Rene ay kay L.A. Reid. Wala naman sa mga grupo ni Paula Abdul ang umabot sa finals.

Una ng gumawa ng ingay ang rapper na si Chris Rene matapos nitong mapabilih ang mga hurado sa kanyang orihinal na komposisyon. Mas lalo pang naantig ang mga manood sa kanyang kuwento bilang basurerong nagsisimula ng bagong buhay matapos siyang lumabas sa rehab.

Panibagong buhay din ang hudyat ng “The X Factor” sa trenta anyos na si Josh na mula sa paggawa ng burrito sa isang restaurant ay ngayon isa ng sikat na mang-aawit. Nakuha niya ang mga boto ng hurado noong auditions dahil sa kanyang rendisyon ng kanyang “At Last” ni Etta James.

Samantala, pinatunayan naman ni Melanie na karapat dapat siyang pabalikin sa kumpetisyong. Matatandaang binigyan ng isa pang pagkakataon at personal na pinabalik ng kanyang mentor na si Simon si Melanie pagkatapos ng Judges Homes’ week. Simula noon, tuloy tuloy na nga ang tagumpay ng dalaga bilang resident diva at biritera sa mga contestant.

Sino nga kaya ang pipiliin ng America para manalo?

Hindi pa man napapangalanan ang unang winner ng “The X Factor“ ay nakakasa na agad ang second season nito. Hahanapin na rin kung sino sa mga Pinoy ang may X factor sa pagsisimula ng “The X Factor Philippines” na mapapanood malapit na sa ABS-CBN.

Huwag palalampasin ang inaabangang finale ng “The X Factor” ngayong Huwebes (Dec 22) at Biyernes (Dec 23) live via satellite sa ganap na 7 PM via Studio 23.

City Hunter Starring Lee Min Ho - Trailer

Monday, December 19, 2011

ABS-CBN Regional Network Group, Pinarangalan ng World Wildlife Fund

Pinangaralan ang ABS-CBN Regional Network Group(RNG) bilang “Media Partner of the Year” para sa walang-sawang pagsuporta nito sa misyon ng World Wildlife Fund (WWF), isang organisasyong nangangalaga sa mga hayop at kalikasan.

Ang pagkilala ay ibinigay kamakailan sa WWF Philippines Anniversary Black and White Benefit sa Manila Polo Club. Ito rin ang ika-15 taon ng WWF sa Pilpinas.

Sa pamamagitan ng page-ere ng mga patalastas ng WWF sa 32 TV stations at 14 na My Only Radio (MOR) stations nito, nakatulong ang ABS-CBN RNG sa pagbibigay kaalaman tungkol sa pangangalaga ng mga pawikan. Taus-puso din ang pagtatampok ng mga proyekto ng WWF sa mga programa ng Kapamilya network tulad ng “Umagang Kay Ganda” at “TV Patrol.”

“Nararamdaman namin na ang adbokasiyang ito ay napapanahon at dapat isapuso lalo na sa napakabilis na pagbabago ng klima sa mundo,” ani Desiree Bretana, Customer Marketing Group Head para sa RNG na tumanggap ng parangal.

Ang ABS-CBN RNG ay nagsimulang tumulong sa WWF simula noong Enero 2011. Idinagdag ni Bretana na magpapatuloy ang pagsuporta ng RNG sa mga proyekto ng WWF sa hinaharap.

'Ikaw Ay Pag-ibig' Maghi-himala Ngayong Pasko

Pasko na ngayong Linggo at kasabay ng paghahanda ng mga pamilyang Pilipino para sa engrandeng selebrasyong ito ay ang patuloy na paglalakbay at ‘paghihimala’ ng mga ulilang batang bida ng top-rating ‘Christmas-serye’ ng ABS-CBN na “Ikaw ay Pag-ibig.”

Sa gitna ng paghahanap ng mga bata sa mga magulang ni “Baby Rafa,” tutukan ngayong linggo ang mga kaabang-abang na rebelasyon tungkol sa tunay na pagkatao ni Nonoy (Zaijan Jaranilla). Sa pagbabalik nina Agnes (Dimples Romana) at Andrew (Paulo Avelino) sa bayan ng San Gabriel, matuklasan na kaya nila na ang batang kalyeng si Nonoy at ang nawawalang anak ni Agnes na si Julius ay iisa? Tanggapin kaya agad ito ni Nonoy at tuluyang iwan ang mga kaibigan?

Samahan sa “Ikaw ay Pag-ibig” sina Nonoy, Angelica (Xyriel Manabat), Edison (Louise Abuel), at Tinay (Mutya Orquia) sa kanilang araw-araw na pakikipagsapalaran habang natututunan ang halaga ng taos-pusong pagbibigayan, lubos na pagmamahalan, at tunay na kahulugan ng Pasko.

Kasama rin ng apat na Kapamilya child wonders sa “Ikaw ay Pag-ibig” sina Alfred Vargas, Yen Santos, Bembol Roco, Mark Gil, at ang dalawang bagong Kapamilya child stars na sina Izzy Canillo at Gerald Pesigan. Ito ay sa ilalim ng direksyon nina Jojo Saguin at Erick Salud.

Huwag palampasin ang "Ikaw ay Pag-ibig" gabi-gabi sa Primetime Bida, pagkatapos ng “TV Patrol” ng ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com, sundan ang @IkawayPagibig sa Twitter, o i-‘like’ ang http://www.facebook.com/IkawayPagibig.

Karylle - 'Basically You' Music Video

Sunday, December 18, 2011

ASAP That's Christmas Performances

Mga Modus Ngayong Kapaskuhan, Iisa-isahin ni Julius sa 'XXX'

Pasko na naman kaya naman uso na naman ang mga mandurugas at kawatan. Huwag ng paloloko at umiwas habang maaga sa tulong ni Julius Babao na magsisiwalat ng mga modus operandi na madalas na nambibiktima ng mga mamamayan tuwing Kapaskuhan ngayong Lunes (Dec 19) sa “XXX.”

Kasabay nito, tutukan naman ni Anthony Taberna ang isang salon matapos magreklamo ang isang lalaki na nasira at naputol-putol diumano ang buhok matapos magpa-hair treatment dito. Napag-alamang ang naturang treatment daw ay hindi pala rehistrado sa Food and Drug Administration.

Samantala, isang naiibang paniniktik naman ang gagawin ni Pinky Webb sa isang binatilyo sa Bulacan. Sinundan siya ng programa sa loob ng ilang araw hindi para ibuko sa maling gawain kung hindi para kumpirmahin ang hindi niya matatawarang sipag sa pagtataguyod ng pamilya at pag-aaral. Kaya naman, isang handog ang naghihintay sa kanya ngayong Pasko mula sa “XXX.”

Ang “XXX” ay nakapagsiwalat na ng maraming katiwalian sa lipunan. Ilan sa mga pinakapinag-usapang isyu sa bansa ay dahil sa expose ng programa tulad ng lolang walang awang kinulong at minamaltrato sa loob ng kulungan ng aso at ang paglabas-masok ni dating Batangas Governor Antonio Leviste.

Pakatutukan ang “XXX” ngayong Lunes (Dec 19) pagkatapos ng “Bandila” sa ABS-CBN. Mapapanood din ito sa DZMM TeleRadyo sa parehong araw sa ganap na 9:15 PM.

Walang Hanggan - Official Full Trailer and Teasers

Full Trailer:



Teasers:







Friday, December 16, 2011

Pangangaroling sa Bahay ni Kuya, Dinagsa


Daan-daang tagahanga ang nakisaya sa harap ng Pinoy Big Brother house sa nakaraang dalawang gabi upang mag-request ng Christmas carol songs sa kanilang paboritong housemates ng Team Wayuk “PBB UnliDay” at Team High Voltage (“PBB UnliNight”). Nagkaroon sila ng pagkakataong marinig ang pagtatanghal ng housemates ng pitong klasikong awiting pamasko at isang orihinal na komposisyon sa halagang P100 kada request. Para sa kanilang weekly task, namamasko ang housemates sa madla simula noong Miyerkules (Dec 14) hanggang mamayang gabi (Dec 16) mula 6 PM hanggang 3 AM upang makalikom ng halagang kanilang ipagkakaloob sa mapipili nilang charity. Alamin ang mga pinakabagong kaganapan sa Bahay ni Kuya at sundan ang kanyang Secretary sa @OfficialPBB4 sa Twitter o i-like ang www.facebook.com/OfficialPinoyBigBrother.

'Da Best' na Pasko, Handog ng ABS-CBN sa Bawat Pilipino


Punong-puno ang Big Dome kamakailan matapos itong dagsain ng libu-libong Pilipino, upang tungahayan ang taunang Christmas special ng ABS-CBN, kung saan nagbigay-saya’t aliw ang performances ng mga Kapamilya star.

Pinamagatang “Da Best Ang Pasko Ng Pilipino: The 2011 ABS-CBN Christmas Special,” ang nasabing special ay hindi lamang nagpakita ng special performances, kung hindi sinariwa din nito ang tunay na diwa ng “Da Best” na Pasko, ang pagmamahalan ng bawat Pilipino. Tunghayan ang pagdiriwang na ito sa ABS-CBN ngayong Sabado at Linggo, 9:30p.m.

“Makukulay at tunay na makapanindig-balahibo,” ganito isinalarawan ng marami ang mga bonggang production numbers na mapapanood ngayong weekend.

Opening number pa lang ay hitik na sa kaningningan, lalo’t tampok sa isang Christmas medley ang pinaka-pinaguusapang Kapamilya singing stars tulad nina Piolo Pascual, KC Concepcion, Anne Curtis, Jericho Rosales, Sarah Geronimo at marami pang iba.

Mapapabilib din ang lahat sa makapigil-hiningang pag-rampa ng naglalakihang Star Magic artists, kasama sina Kim Chiu, Xian Lim, Enchong Dee, Jodi Sta. Maria, Julia Montes, Kathryn Bernardo atbp.


Magpapakilig din ang mga pinaka-pinaguusapang Kapamilya love teams ngayong taon. Aawitin nila ang mga love songs na paniguradong magbibigay ng dahilan para sa lahat na umibig.

Ihahandog na rin ng Kapamilya network ang pasilip sa mga bago nitong programa sa 2012. Isa na nga dito ay ang kapana-panabik na pagbabalik-tambalan nina Richard Gomez at Dawn Zulueta sa teleseryeng “Walang Hanggan.” Kasama ang iba pang cast member ng programa, magpapakilig ang ang dalawa sa kanilang romantic performance. Ihuhudyat na rin ang pagsisimula ng love team nina multi-awarded actor Coco Martin at teen superstar Julia Montes.

Tunay na kaabang-abang ang world-class solo performances ng pinaka-maningning na Kapamilya stars tulad nina Sarah G, Toni Gonzaga, atbp., habang full force din ang buong cast ng “Happy Yipee Yehey!” na aawitin ang Christmas hits mula sa kanilang gold record album na “HYY Nananana.”

Para naman maghandog ng isang pang-pamilyang pelikula ngayong Pasko, magibibigay saya ang kwelang-kwelang tambalan nina Comedy Concert Queen Aiai delas Alas at Vic Sotto, na mga pangunahing bida sa Star Cinema co-produced movie na “Enteng Ng Ina Mo.”

At para magbigay-inspirasyon sa bawat Pilipino, taus-pusong mensahe ang iiwanan nina ABS-CBN Chairman and Chief Executive Officer Eugenio Lopez III at ABS-CBN President and Chief Operating Officer Charo Santos-Concio.

Huwag palampasin ang “Da Best Ang Pasko Ng Pilipino: The 2011 ABS-CBN Christmas Special” ngayong Sabado at Linggo, 9:30p.m. sa ABS-CBN.


Thursday, December 15, 2011

'Asia's King of Talk' na si Boy Abunda

Maituturing nang ‘Asia’s King of Talk’ ang batikang TV host na si Boy Abunda sa pagkilala kamakailan sa kanyang late-night program na “The Bottomline with Boy Abunda” bilang “Best Talk Show for 2011” ng 16th Asian TV Awards.

Tinalo ng “Bottomline” ang anim pang kalahok mula sa iba’t ibang bansa sa Asya, kabilang ang “Talk Asia” ng CNN Hong Kong at “The Euthanasia Debate” ng New Delhi Television sa India.

Ayon kay Boy na personal na tinanggap ang award sa Singapore, labis-labis ang saya niya sa natamong karangalan hindi lang ng show kundi ng buong bansa. Kuwento niya, “Lampas pa sa kasiyahan ang naramdaman ko sa pagkapanalong ito. Akala ko nasanay na ako sa pagtanggap ng awards, pero ito pala ang magpapakaba sa akin. Sa pagkatuliro ko nu’ng awards night, ang tanging naaalala ko na lang na sinabi ko sa acceptance speech ay inaalay ko ang tropeyo sa aking pinakamamahal na bansang Pilipinas.”

Binigyang pugay din ng TV host ang kanyang staff sa show na aniya’y buong pusong pinagsisikapan ang bawat episode na ipinalalabas. Aniya, “Sa sobrang pinagpaguran, ‘maamoy’ mo ‘yung passion sa ginagawa naming at pagmamahal sa show."

Ikinuwento pa ni Boy na muntik na siyang hindi dumalo sa awards night dahil bukod sa kawalang kasiguruhang mananalo laban sa mga bigating pangalan tulad ng CNN, nagdalawang-isip rin siyang iwan ang kanyang ‘Nanay Lesing’ na personal niyang inaalagan mula nang magkasakit ito ng dementia. “Natatakot akong iwan ang Nanay. Pero nang humingi ako ng permiso sa kanya at nalaman niya kung saan ako pupunta, hindi niya ako pinigilan,” pagbabahagi ni Boy.

Ang episode na kinatampukan ni Maguindanao Governor Esmael “Toto” Mangundadatu ang ipinadalang entry ng “Bottomline” sa Asian TV Awards, na ayon kay Boy ay marahil pinili ng mga hurado dahil sa ‘international appeal’ ng diskusyon na tumalakay sa isyu ng Maguindanao massacre. Komento ni Boy, “Bago kasi ang atake ng episode, matapang, at mapangahas.”

Ang Asian TV Awards ay taunang parangal na kumikilala sa husay ng mga television shows sa Asya.

Samantala, tatawid ng ‘bakod’ ngayong Sabado (Disyembre 17) ang “Segunda Mano” leading man na si Dingdong Dantes upang harapin ang maiinit na isyung ibinabato sa kanya.

Tutukan ang mga rebelasyong pasasabugin ni Dingdong sa “Bottomline” kasama ang mga estudyante ng ICCT Colleges bilang audience at “bottomliners” na sina Mike Lopez, Nini Borja, Gibby Gores, Julian Mauricio, DJ Chacha, at Gabby Eigenmann.

Huwag palampasin ang Asian TV Awards’ Best Talk Show for 2011, “The Bottomline with Boy Abunda,” ngayong Sabado ng gabi, 11:30pm, pagkatapos ng “Banana Split” sa ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on lamang sa www.abs-cbn.com o sundan and abscbndotcom sa Twitter.

Atty. Adel Tamano, Isisiwalat Kay Ted Kung Bakit Hindi Siya Nagdiriwang ng Pasko

Ano nga ba ang buhay na walang Pasko? Aalamin iyan ni Ted Failon ngayong Sabado (Dec 17) sa “Failon Ngayon” sa kanyang pakikinig sa kuwento ng mga Pilipinong hindi naniniwala o nagdiriwang ng Pasko dahil sa kanilang relihiyon.

Isa rito ang pulitiko at propesor na si Atty. Adel Tamano na lumaking Muslim. Nagagawa lang umano niyang mag-decorate sa kanilang bahay tuwing Pasko para sa asawang Katoliko. Ngunit pagsapit ng ika-25 ng Disyembre, ang kanilang pamilya ay ipinagdidiwang ang kaarawan ng kanyang ama.

Ang Pilipinas ang isa sa dalawang bansa sa Asya kung saan mas nakararami ang mga Katoliko. Ayon sa Census, ang Pilipinas ay binubuo ng 80.9% na Katoliko, 5% na Muslim, 2.8% na Evangelical, 2.3% na Iglesia ni Kristo, 2% na Aglipayan, 4.5% na iba pang mga Kristyano kabilang ang mga Saksi ni Jehova at 1.8% na kasapi ng iba pang relihiyon.

Sa mga nabanggit na relihiyon, kabilang ang mga Muslim, Iglesia ni Kristo at Saksi ni Jehova sa mga relihiyon na hindi ipinagdiriwang ang Pasko.

Kasalukuyang nasa ikalawang taon na ang ”Failon Ngayon” ng paghihimay ng pinakasariwang mga isyu at pagbibigay aksyon at solusyon sa mga kasong tinalakay na nito sa programa.

Tunghayan ang buong kuwento ni Ted Failon ngayong Sabado (Dec 17), 5PM sa ABS-CBN.

Mga Patok na Putahe ng Junior Master Chef Philippines Nasa Pancake House Na

Matitikman na ang katakam-takam na mga putaheng tampok sa “Junior Master Chef Philippines” (JMC) sa Pancake House, ang restaurant na pinagkalooban ng karapatan ng ABS-CBN Licensing.

Matatandaang napabilib ng mga kalahok sa nasabing kumpetisyon ang mga hurado dahil sa kanilang murang edad, nakapaghanda sila ng mga masasarap at pang-chef na mga putahe.

Umpisahan ang masarap na kainan sa masustansyang Cabbage Lumpia in Coconut Breading. Para sa malutong na lumpia, nilamanan ang repolyo ng tostadong tinapay.

Masustansya rin at malaki ang serving ng JMC Philippines dish sa main course. Ang Fish Birger na nasa ibabaw ng Brown Rice Pilaf na may malunggay sauce at caramelized na luya ay talagang kapana-panabik at maaring ibahagi sa buong pamilya.

Para naman sa mga mahilig sa twist, subukan ang Pinoy na Pinoy na Rice in Ampalaya Silog at Porksilog steak. Kumpletuhin din ang veggie experience sa Tofu Eggplant Salad na handog ng mga Kiddie Cooks.

Hitik din ang putaheng Baby Back Ribs na may Warm Bacon Potato Salad at mais, na talagang swak na swak sa mga biyahero.

Ang ABS-CBN Licensing ang siyang kumakatawan sa Shine International na siyang nagmamay-ari sa prankisa ng Master Chef.

Kumain na sa Pancake House at mag-enjoy sa putaheng handog ng mga talentadong Kiddie Cooks. Mapapanood ang “Junior Master Chef Pinoy Edition” tuwing Sabado (pagkatapos ng “Wansapanataym”) at Linggo (pagkatapos ng “Goin’ Bulilit) sa ABS-CBN

Jovit, Third Party sa Relasyong Daniel at Kathryn?

Ginulat ng singer na si Jovit Baldivino ang fans ng "Growing Up" nang lumabas ito noong nakaraang linggo sa hit teen series ng ABS-CBN. Ginagampanan ni Jovi tang karakter ni Brando, ang magbabalot ng kaibigan ni Ella (Kathryn Bernardo) na hinahangaan ng dalaga sa kabaitan nito at husay kumanta. Higit na kilalanin si Brando ngayong Linggo (Disyembre 18) at alamin kung anong ginawa niya upang mapaselos nang labis si Patrick (Daniel Padilla). Si Brando na ba ang wawasak sa namumuong ‘mutual understanding’ ng ‘EllRick’ (Ella at Patrick) love teams? Damhin ang simoy ng Pasko kasama ang “Growing Up” barkada nina Tammy (Julia Montes), Jason (Diego Loyzaga), Tikoy (Neil Coleta), Cassie (Yen Santos), Britney (Kiray Celis) at Winston (EJ Jallorina) ngayong Linggo pagkatapos ng “ASAP Rocks” sa ABS-CBN.

Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.growingup.tv, sundan ang @ABSGrowingUp sa Twitter, at i-‘like’ anghttp://www.facebook.com/abs.growingup.

Tuesday, December 13, 2011

Randy, John, at Rico, Napa-'Yehey' sa Natamong Gold Record Award


Naka-gold na ang Christmas album ng “Happy Yipee Yehey!” matapos lamang ng dalawang linggo mula nang i-release ito ng Star Records.

Tuwang-tuwa sa natamong parangal ang mga host ng HYY na pinangungunahan nina Randy Santiago, John Estrada, at Rico J. Puno, na mas kilala ngayon sa tawag na ‘RJR.’

“Natutuwa kami na nagbunga lahat ng paghihirap namin sa paggawa ng album na ‘to. Patunay ang gold record award na ito na may mga nagmamahal na sa amin sa HYY,” paghayag ni Rico.

Para naman kay John na unang beses naglabas ng record album, ‘unexpected dream’ ang lahat. Kuwento niya, “Siyempre lahat ng tao naman gustong maging singer, pero alam kong hindi ko linya ‘yun, kaya hindi ko na masyadong hinangad. Pero heto, biniyayaan tayo ng Panginoon na mapasama sa HYY family at nung gumawa ng album, nakasali ako, at ngayon nga ay nag-gold pa.”

Samantala, laking pasalamat ni Randy hindi lamang sa HYY fans na bumili ng album, kundi maging sa mga FM station na sumuporta sa kanila. “Maraming salamat sa mga radio station na naniniwala at natutuwa sa pagpapatugtog ng mga kanta namin,” aniya.

Positibo si Randy na patuloy pang tatangkilikin ang album dahil sa Kapaskuhan. Pahayag niya, “Hopefully maka-platinum kaagad, lalong-lalo na ngayong Pasko, magandang pamasko ‘yung album para sa ating mga mahal sa buhay.”

Tampok bilang carrier single sa seven-track Christmas album ng HYY ang “Nananana” na inawit nina Randy, John Estrada, at Rico J. Puno o mas kilala ngayon sa tawag na “RJR”.

Pangkumpleto naman ng selebrasyon ng Pasko ang mga swak na pang-sing-along na “I Swing Mo” at “Matapos Man Ang Kailanman” ng RJR; “No Boypren, No Problem” ni Pokwang; “Mahalin Ka Ng Totoo” ni Toni Gonzaga; “Merry Christmas and a Happy Yipee Yehey” at “Happy Yipee Yehey Theme Song” na kapwa inawit ng HYY cast. May kasama ring minus one versions ng mga kanta.

Mabibili pa rin ang “Happy Yipee Yehey! Nananana” album sa lahat record bars sa buong bansa at maaari na ring ma-download ang mga kanta sa internet, mag-log on lamang sa www.starrecords.ph.

Kapamilya Shows at Talents, Mas Pinagkakatiwalaan ng mga Magulang Para sa Anak

Mas tiwala ang mas maraming mga magulang sa mga palabas, artista, at tagapaghatid ng balita ng ABS-CBN para ipapanood sa kanilang mga anak sa telebisyon matapos humakot ng Anak TV Seal Awards ang Kapamilya Network kamakailan.

Nakakuha ng 24 parangal mula sa Anak TV ang ABS-CBN kaya naman ito na ang masasabing pinaka child-friendly na TV network sa bansa, habang ang kalabang GMA ay ginawaran ng 33 at ang TV naman na may 11.
Anim naman sa Top Ten Most Well-Liked TV Programs sa bansa ngayong 2011 ay mula pa rin sa Kapamilya Network at tinalo ang apat mula sa GMA. Wala naman sa mga programa ng TV5 ang nakapasok.

Nanguna sa listahan ang top-rating newscast sa bansa at International Emmy nominated na “TV Patrol” base na rin sa isinagawang Boto Ko To survey, kung saan tinanong ang piling mga Pinoy kung anong local TV show ang kanilang pinagkakapitagan sa kanilang mga kabahayan.

Ang lima pang Kapamilya programs na kalahok sa top ten ay “100 Days to Heaven,” “Showtime,” “Budoy,” “Maala-ala Mo Kaya,” and “Matanglawin.

Pagdating naman sa pagbabalita, mas marami pa ring ABS-CBN anchor ang nakapasok sa talaan ng Anak TV Makabata Stars para sa taong ito. Pitong ABS-CBN broadcast journalist ang kinilala, lima mula sa GMA 7, at wala naman sa TV5.

Kabilang dito sina Kim Atienza, Noli de Castro, Ted Failon, Karen Davila, at Bernadette Sembrano. Naiangat naman sa Hall of Fame sina Korina Sanchez at Julius Babao matapos itong mapabilang sa listahan sa loob ng pitong magkakasunod na taon.

Pinakapinagkakatiwalaan din ang mga Kapamilya Stars kung saan 12 ang pinangalanan bilang Makabata Stars kumpara sa isa mula sa GMA at dalawa mula sa TV5.

Sina Gerald Anderson, John Lloyd Cruz, Kim Chiu, Anne Curtis, Sarah Geronimo, Toni Gonzaga, Angel Locsin, Luis Manzano, Coco Martin, Piolo Pascual, Charo Santos, at Judy Ann Santos ang nakapasok sa listahan habang nailuklok din sa Hall of Fame si Gary Valenciano.

Samantala, ginawaran naman ng Anak TV seals ang mga programang "Failon Ngayon," "Junior MasterChef," "Matanglawin," "Kabuhayang Swak na Swak," "Rated K," "Salamat Dok," "Wansapanataym,” “Why Not?," "I Got It," "Dora the Explorer," "Spongebob Squarepants,” "Jimmy Neutron,” at maging regional programs na “Arangkada,” “Mindanao,” “Derecho (Iloilo),” “Halad sa Kapamilya,” “Maayong Buntag Kapamilya (Cebu),” “Maayong Buntag Mindanao,” “Maganda Umaga South Central,” “MagTV Na! Amiga,” “MagTV Na! Atin To! (Baguio),” “MagTV Na! Ato Ni! (CDO),” “MagTV Na! Cebu,” and “MagTV Na! Sadya Ta!” para sa nilalaman nitong pabor sa mga kabataan.

Ang Anak TV Seal Award taunang ginagawad ng Southeast Asian Foundation for Children and Television para bigyang pugay ang mga child-sensitive na programa at personalidad sa bansa.

Ngayong 2011, 235 na parangal ang tinanggap ng ABS-CBN mula sa mga university award-giving bodies, CMMA, Golden Dove Awards, Star Awards, Golden Screen TV Awards, Asian TV Awards, Philippine Quill Awards, Anvil Awards, at Tambuli Awards. Mahigit doble pa ito sa naiulat na parangal na nakuha ng GMA na 113 at TV5 na may 37.



* - SOURCE: VARIOUS NEWS AND ONLINE WEBSITES
**- SOURCE: GMANETWORK.COM
***- SOURCE: STARMOMETER.COM

Monday, December 12, 2011

Hinaing ng mga Magsasaka ng Luisita, Didinggin ni Niko sa 'Patrol ng Pilipino'

Natuldukan na ang ilang dekadang paghihintay ng mga magsasaka ng Haciena Luisita nang nagdesisyon ang Korte Suprema kamakailan na ipamahagi na ang 4,900 ektaryang lupa nito sa 6,429 na nagsasaka rito.

Ngunit ang ilan sa kanilang may katandaan na ay nangangamba pa ring kung mapapasakanila ang lupang inaasam dahil kung hindi man dahil sa sobrang tagal, lubha na silang matanda para makapagtrabaho pa sa tubuhan o hindi kaya’y wala na.

Bukas (Dec 13) sa “Patrol ng Pilipino,” samahan si Niko Baua na bisitahin ang Hacienda Luisita at kamustahin ang mga magsasaka nito. Nang marinig ni Niko ang saloobin ng mga magsasaka, nabatid niya ang hirap ng kanilang pinagdaanan dulot na rin ng ilang taong sila ay umasa.

“Ang istorya ng Hacienda Luisita ay isang mahaba at kalunus-lunos na kwento ng pagtitiis, kapangyarihan at ng kapabayaan ng ilan sa ating mga institusyon. Mangyayari at mangyayari ulit ito kapag hindi nalutas,” aniya.

Samantala, sasabak naman si Gretchen Malalad sa pagpo-pole dancing upang tuklasin kung bakit nagsisimula nang maging bukas ang konserbatibong pananaw ng mga Pinoy na unti-unting nahuhumaling sa sayaw na ito.

Alamin ang kwento sa likod ng mga balita bukas (Dec 13) sa “Patrol ng Pilipino,” pagkatapos ng “Bandila” sa ABS-CBN o sa mas maagang pag-ere nito sa DZMM Teleradyo (SKyCable ch. 26), 9:15 PM.

Angeline Quinto - 'Ngayong Pasko' Music Video Feat. Sam Milby

Astig Pinoy, Wagi ng P2 Milyon sa 'Showtime All-Star Baranggayan: The Finals'


Dahil sa makabago at makapigil-hiningang pagsasayaw ng tinikling, tinanghal na grand champion ang grupong Astig Pinoy ng Gingoog City, Misamis Oriental sa ginanap na “Showtime All-Star Baranggayan: The Finals” noong Sabado (Dec 10) sa Ynares Center sa Antipolo, Rizal.

Nasungkit nito ang premyong P2 milyon – P1 milyon para sa kanila at P1 milyon para sa barangay na kanilang pinanggalingan – matapos pabiliibin ang resident judge na si Vice Ganda at 29 nagbabalik na guest judges.

Talaga namang napatigil sa pagkamangha ang buong Ynares Center nang mag-blindfold ang mga mananayaw at nagsimulang magtinikling. Sambit pa ni Vice, “’Yun ang pinakamagandang routine na nakita ko dito sa ‘Showtime.’ Mas mahirap pa sa pinakamahirap na tumbling.”

Panalo naman ng P100,000 ang UDC dahil sa pagiging People's Choice, o ang grupong nakatanggap ng pinakamaraming boto mula sa napiling mga manonood sa Ynares Center.

Dahil naman sa nakakaaliw nilang intro sa kani-kanilang pambantong grupo, wagi ng tig-P100,000 ang Brgy. Bunao ng Dumaguete City para sa Prime Machine, at ang Brgy. Dela Paz ng Antipolo para sa Pinoy HipHop.

Talagang kakaibang dance moves ang ipinamalas ng Astig Pinoy na dinaig ang pagpapasikat ng ibang grupo sa iskor na 9.93. Tinalo nila ang Kalumon Performing Ensemble ng Davao, Neutron Acrobats ng Bulacan, D’ Shots ng Caloocan, Kingz Gambit ng Cebu, FMD Extreme ng Marikina, Pinoy HipHop ng Antipolo, Racing Chat ng Sampaloc, Bailes De Luces ng Negros Occidental, Buli Kidz Incredible ng Batangas, Teatro Ambahanon ng QC, UDC ng Pasig at Prime Machine ng Negros Oriental.

Hindi naman nakapag-perform ang contemporary dancing duo na Spy dahil napilay ang miyembro nitong si Regine noong nag-eensayo sila para sa grand finals.

Samantala, tuluy-tuloy pa rin ngayong lingo ang pagpapasikat ng buong bayan sa “Showtime” kasama ang hosts na sina Vhong Navarro, Anne Curtis, Kuya Kim Atienza, Karylle, Billy Crawford, Jugs ng Itchyworms, at Teddy ng Rocksteddy sa ABS-CBN.

Pinky Ibubuko ang mga Nambubugaw na Massage Parlor sa QC

Susuyurin ni Pinky Webb ang mga malalaki at kilalang massage parlor sa kahabaan ng Quezon Avenue sa Quezon City dahil sa iniulat na ilegal na kalakalan ng kababaihan at ilang menor de edad.

Sa pagtitiktik ni Pinky, naidokumento nga ang pagkakaroon ng ‘aquarium’ o showroom ng mga babaeng nag-aalok ng extra service kasabay ng kailang masahe.

Isang mainit na isyu naman sa Philippine National Police ang tutukan ni Anthony Taberna matapos hindi muna payagang sumalang sa oath taking ang 387 pumasang examinees sa taong ito. Ang dahilan ay ang diumano’y nabukong pandaraya sa entrance exam dala ng napansing pagkakatulad ng kanilang mga mali at tamang sagot. May dayaan nga bang naganap?

Samantala, isang bagong modus sa riding-in-tandem ang nadiskubre ni Julius Babao at isisiwalat via CCTV camera. Huli nga sa akto na nanghoholdap sa isang dental clinic ang nagpapanggap na pasyente habang nagsisilbi namang look out sa labas ang kasamahan niya sa motor.

Wagi bilang Outstanding Crime/Investigative Program sa ginanap na Golden Screen TV Awards, ang “XXX” ay nakapagsiwalat na ng maraming katiwalian sa lipunan. Ilan sa mga pinakapinag-usapang isyu sa bansa ay dahil sa expose ng programa tulad ng lolang walang awang kinulong at minamaltrato sa loob ng kulungan ng aso at ang paglabas-masok ni dating Batangas Governor Antonio Leviste.

Pakatutukan ang “XXX” ngayong Lunes (Dec 12) pagkatapos ng “Bandila” sa ABS-CBN. Mapapanood din ito sa DZMM TeleRadyo sa parehong araw sa ganap na 9:15 PM.

DZMM Anchors Yayanigin ang Araneta para sa 'DZMM Silveradyo: The Concert'

Sa isang pambihirang pagkakataon ay magtitipun-tipon ang batikang anchors at reporters ng DZMM upang magpakitang gilas sa isang gabi ng pagdiriwang ng 25 taong pagbabalita at public service ng himpilan sa “DZMM SilveRadyo: The Concert” sa Araneta Coliseum ngayong Sabado (Dec 17), 6 PM.

Tunghayan ang pag-awit ni ‘Kabayan’ Noli De Castro ng makabagong pop hits, habang bibirit naman si Korina Sanchez sa kanyang espesyal na song number.

Isang palabang Ted Failon din ang mapapanood sa concert, na papatunayang handa siyang makipagsabayan sa “Pilipinas Got Talent 1” grand winner na si Jovit Baldovino sa kanilang grand singing showdown.

Hahataw naman sa dance floor ang mga DZMM achor Karen Davila, Jing Castaneda, Winnie Cordero, Cory Qurino, Henry Omaga-Diaz, Jun Banaag, Joe D’ Mango, Freddie Webb, Roselle Manahan, Atty. Claire Castro, Atty. Danilo Concepcion, at Maresciel Yao sa saliw ng mga luma at bagong disco hits.

Manghaharana ang mga kilabot ng DZMM na sina Anthony Taberna, Alex Santos, Gerry Baja, Vic Lima, Carl Balita, pati na si DJ Richard, samantalang Christmas songs naman ang handog sa madla nina Bernadette Sembrano, Nina Corpuz, Kaye Dacer, Jasmin Romero, May Ceniza, at Ruby Tayag.

Abangan din ang naiibang novelty performance ng beteranong crime anchor na si Gus Abelgas at entertainment anchors na sina Jobert Sucaldito, Ambet Nabus, Ahwel Paz, Onse kasama ang kwelang sina Melai Cantiveros, Kiray, at Kakay Bautista.

Mamangha sa makinang na opening number na hatid nina Gretchen Fullido, Toni Aquino, DZMM Radyo Patrol reporters, at ng ilan sa DJs ng Tambayan 101.9.

Makiki-jamming din sa pagtitipon ang Asian pop sensation na si Christian Bautista, Karylle, Rachel Alejandro, Angeline Quinto, ang UP Concert Chorus, at ang ilan sa inyong paboritong Kapamilya stars.

Bukod pa sa pagpapasiklab ng anchors ng kanilang mga natatagong talento, magpapa-raffle din ang DZMM ng cash prizes, scholarship grants, Smart at LCD television sets, mini component systems, cellphones, at negosyo showcase mula sa “Radyo Negosyo.”

Nananatiling numero unong AM radio station ang DZMM sa buong Mega Manila ayon sa datos ng Nielsen Mega Manila Radio Audience Measurement para sa buwan ng Oktubre,. Nakakuha ito ng all-day audience share na 47% laban sa 30% lamang ng DZBB.

Para manalo ng tickets sa concert, makinig lamang sa DZMM Radyo Patrol 630 at manood ng DZMM TeleRadyo araw-araw. I-text ang “DZMM SilveRadyo,” ang inyong pangalan at tirahan sa 2366 at abangan ang listahan ng mapapalad na nanalo na iaanunsyo bago matapos ang bawat programa. Magbubukas ang gates sa ganap na 6 PM.

Makiindak, makikanta, at makisaya sa ““DZMM SilveRadyo: The Concert” sa Araneta Coliseum, Sabado (Dec 17) ng gabi. Tunghayan ang pag-ere nito sa susunod na Biyernes (Dec 23) sa Studio 23, 4 PM at sa DZMM Radyo Patrol 630 at DZMM TeleRadyo (SkyCable Channel 26), 8 PM.

Lyn Umuwi Na, Mark Pinatalsik sa Bahay ni Kuya

Nauwi sa isang voluntary exit at isang forced eviction ang mala-teleseryeng linggo sa dalawang Bahay ni Kuya sa ikatlong eviction night noong Sabado (Dec 10) ng “Pinoy Big Brother Unlimited.”

Ikinahagulhol ni Kim ang pag-alis ng kanyang kasintahang si Mark na pinalayas ng bahay sa bisa ng forced eviction dahil sa paulit-ulit na paglabag nito sa mga patakaran ni Kuya, kabilang na ang paggamit ng hand signals at pagbubulong. Dagdag pa rito ang pagiging nominado niya dahil na rin sa pagkakasangkot sa forced eviction ni Reg noong nakaraang linggo.

Ibinunyag rin na Sabado ng umaga pa lang ay nag-voluntary exit si Lyn dahil sa kagustuhang makadalo sa burol ng kanyang ina sa Surigao.

Pinatunayan naman ng pangalawang Kontra Battle sa pagitan ng dalawang bahay na mas matiisin ang Team Wayuk o “PBB UnliDay” housemates. Napagtagumpayan ng grupo ang Human Belen challenge laban sa Team High Voltage at ipinagkaloob ang kabuuang premyong P150,000 kay Lyn para makatulong sa gastos sa pagpapalibing ng ina.

Talaga namang sinubaybayan din ng buong bayan ang makabagbag damdaming eviction night noong Sabado dahil pumangalawa sa trending topics ng Twitter Philippines ang hashtag na “#PBBUnlimited.” Nag-trend din sa parehong gabi ang “Bye Mark,” “Lyn,” at “Team Wayuk.”

Samantala, ginanap naman kagabi (Dec 11) ang kahuli-hulihang nomination night para sa taong ito kung saan nominado sina Erica, Paco, at Luz ng “PBB UnliDay” at sina Tol, Deniesse, Wendy, at Seth ng “PBB UnliNight.”
Para i-vote to save ang paboritong housemate, i-text lang ang BBS(space)NAME OF HOUSEMATE, at para naman mag-vote to evict, i-text lang ang BBE(space)NAME OF HOUSEMATE at i-send sa 2331 para sa Globe, Sun Cellular, at TM subscribers, at 231 para sa Smart at Talk N’ Text subscribers. Maaari ring bumoto online sa pinoybigbrother.com.

Huling pagkakataong na rin ng mga manonood na i-vote to evict ang housemates na gusto nilang mapalayas sa Bahay ni Kuya. Sa 2012, maaari na lamang i-vote to save ang mga nominado.

Huwag bibitiw at subaybayan ang mga pangyayari sa loob ng Bahay ni Kuya araw-araw sa “Pinoy Big Brother UnliDay” kasama si Bianca Gonzalez sa Kapamilya Gold pagkatapos ng “Angelito: Batang Ama” at gabi-gabi sa “Pinoy Big Brother UnliNight” kasama si Toni Gonzaga pagkatapos ng “Nasaan Ka Elisa?” sa Primetime Bida. Patuloy pa ring tutukan ang “PBB Unlimited Updates” ni Robi Domingo tuwing “Helena’s Promise” at “Ikaw ay Pag-ibig” sa ABS-CBN.

Alamin ang mga pinakabagong kaganapan sa Bahay ni Kuya at sundan ang kanyang Secretary sa @OfficialPBB4 sa Twitter o i-like ang www.facebook.com/OfficialPinoyBigBrother.

'Tangkilikin ang MMA' - Paanyaya ng UFC Champ na si BJ Penn

Sa kanyang pagbisita sa Maynila sinabi ng Ultimate Fighting Championship (UFC) two-division champion na maliban sa boksing, malaki din ang posibilidad na maging pinaka-popyular na sport sa bansa ang mixed martial arts (MMA). Sa kasalukyan, itinuturing ang MMA bilang fastest-growing sport. Kaya naman inaanyayahan ni Penn ang mga Pinoy na lawakan ang kaalam sa sport na ito sa pagbabasa ng “UFC Magazine Philippines,” kung saan tampok si Jon “Bones” Jones, ang tinaguriang “kasalukyan at kinabukasan ng UFC,” sa cover. Ang taunang magazine na ito ay nakapanayam ng puso-sa-puso si Jones. Mismong si Penn ay tampok sa isyung ito. Mabibili ang UFC Magazine Philippine edition sa mga bookstores at magazine stands sa buong bansa.

Sunday, December 11, 2011

'The X Factor' Contestant Humagulgol, Nicole Scherzinger Binoo ng Audience

Naging emosyonal ang ginanap na eliminasyon sa “The X Factor” kamakailan matapos matanggal ang 13 taong gulang na si Rachel Crow. Napaluhod na lang ang dalagita ng marinig na siya ang uuwi sa gabing iyon at hindi na nga napigilang humagulhol ng iyak habang yakap ng ina at ng mentor na si Simon Cowell. Binoo naman ang audience ang huradong si Nicole Scherzinger dahil bahagyang may kinalaman siya sa knalabasan ng eliminasyon. Sa halip na pumili kung sino kina Rachel at Marcus Canty ang pauuwiin, mas pinili niyang mag-deadlock kung saan pagbabasehan ang pulso ng mga manonood. Dahil dito, si Rachel ang nalaglag sa top four dahil siya ang nakakuha ng pinakamababang boto. Kinilala na nga ang apat na natitirang acts na sina Melanie Amaro, Josh Krajcik, Chris Rene, at Marcus Canty na mas napapalapit sa grand finals. Sino kaya sa kanila ang tatanghaling unang ”The X Factor USA” winner? Tunghayan ang “The X Factor” tuwing Huwebes at Biyernes, 7 PM, via satellite sa Studio 23.

Friday, December 9, 2011

Gerald, Wagi Bilang 'Favorite Anak TV Makabata Star'

Pinarangalan sa katatapos lang na 2011 Anak TV Seal Awards ang Kapamilya drama prince at “Budoy” lead star na si Gerald Anderson bilang isa sa mga ‘Favorite Anak TV Makabata Star.’

Labis ang saya ang aktor sa natanggap na pagkilala at sa lahat ng biyayang natatamo niya kabilang ang box-office hit movie nila ni Sarah Geronimo na “Won’t Last A Day Without You” at ang pangunguna ngayon sa ere ng Primetime Bida teleserye niyang “Budoy.”

"Laking pasalamat ko sa mainit na suporta ng mga tao sa lahat ng ginagawa ko lalo na sa “Budoy.” Masaya ako na marami kaming nai-inspire sa show at sana patuloy nila kaming samahan sa pagpapatuloy ng kwento dahil marami pa pong rebelasyong dapat abangan sa kuwento,” ani ni Gerald.

Samahan si Gerald at gabi-gabing pangitiin ang puso kasama ang ‘powerhouse cast’ ng “Budoy” kabilang ang promising young stars na sina Jessy Mendiola at Enrique Gil; mga tinitingalang haligi ng industriya na sina Dante Rivero, Gloria Sevilla, at Barbara Perez; at ang ilan sa mga pinakamahuhusay sa larangan ng pag-arte na sina Tirso Cruz III, Zsa-Zsa Padilla, Mylene Dizon, Christian Vazquez, at Janice de Belen.

Tutukan ang “Budoy” pagkatapos ng “Ikaw ay Pag-ibig” sa Primetime Bida ng ABS-CBN. Para sa karagdagang impormasyon, mag-log on sa www.budoy.tv, sundan ang @budoy_tv sa Twitter, at i-“like” ang www.facebook.com/budoy.tv.