Wednesday, January 4, 2012

ABS-CBN, Mas Tinutukan ng Sambayanan Noong 2011

ABS-CBN ang nananatiling number one TV network para sa mga Pilipino sa buong bansa, lalo na pagdating sa primetime (6 PM to 12 MN) kung kailan may pinakamaraming taong nanonood ng telebisyon.

Base sa pinakahuling datos ng Kantar Media para sa kabuuang 2011, nakakuha ang ABS-CBN ng 42 percent national audience share para sa primetime o mga pang-gabing palabas (6PM to 12MN). Ito ay mas mataas ng 12 puntos kumpara sa 30 percent ng GMA.

Sa buwan ng Disyembre 2011 lamang, tinutukan ng mas maraming kabahayan ang mga programa ng ABS-CBN dahil humataw ito ng 42 percent national audience share laban sa 31 percent ng GMA. Patuloy din ang pagwawagi ng ABS-CBN sa Metro Manila TV ratings dahil sa average audience share nitong 36 percent kumpara sa GMA na nakapagtala lang ng 34 percent.

Pumatok sa TV viewers noong nakaraang taon ang mga Kapamilya teleserye, news, at talent reality program. Sa katunayan, 21 ABS-CBN shows ang namayagpag sa 2011’s top 30 programs (hindi kabilang ang TV specials) at ang top 16 slots dito ay pawang mula sa Kapamilya Network.

Pagdating sa teleserye, walang nakaagaw sa paghahari ng ABS-CBN, patunay dito ang pagpasok ng siyam nitong drama sa ‘top 10 most-watched programs’ noong 2011 na pinangunahan ng “Mara Clara” (33.4%) at sinundan naman ng “100 Days to Heaven” (32.6%), “Mutya” (32.4%), “Minsan Lang Kita Iibigin” (29.4%), “Ikaw ay Pag-ibig” (29.2%), “Budoy” (28.8%), “Maalaala Mo Kaya” (28.2%), “Noah” (28%), at “Guns and Roses” (27%).

Samantala, “TV Patrol” lamang ang nag-iisang TV newscast na nakapasok sa top 10 programs ng 2011. Nanatili itong number one TV newscast sa bansa sa average TV rating nitong 27.2 percent. Ang katapat nitong “24 Oras” ay nasa ika-24 na puwesto lamang nang may 19.5% national audience share.

“Pilipinas Got Talent” naman ang pinaka-pinanood na talent reality-search na nasa ika-11 puwesto taglay ang average TV rating na 26.8 percent, samantalang nanguna naman sa public affairs programs ang “Rated K” na nasa top 14 na average TV rating na 23.8 percent.

Number one TV sitcom ng bansa ang “Toda Max” na may 20.8%, samantalang tinalo naman ng “Goin Bulilit” ang iba pang gag shows noong 2011 sa average TV rating nitong 20.7%.

Sa kabuuan, napanatili ng ABS-CBN ang pagiging number one TV network sa bansa sa 36 percent audience share nito noong 2011, kumpara sa 35 percent ng GMA, at 13 percent ng TV5.

Nakapagtala ang ABS-CBN sa unang siyam na buwan ng 2011 ng net income na P2.2 billion, samantalang P1.58 billion net income lamang ang inireport na kinita ng GMA Network para sa parehong panahon.

Kasalukuyang naka-subscribe sa ratings services ng Kantar Media ang 22 TV networks, ad agencies, at pan-regional networks. Kabilang sa mga subscribers nito ang ABS-CBN, NBN, Sky Cable, J. Romero and Associates, Adformatix, Starcom, OMD, PhD, Mediacom, Mindshare, MEC, Maxus, Universal McCann, at Wellmade Manufacturing Corporation. Naka-subscribe rin sa kanila ang pan-regional networks tulad ng CSM Media Inc., Fox International Channels, Star HK, Discovery, AXN, HBO, MTV, at Sony Pictures Television International

Lumipat sa Kantar Media ang ABS-CBN matapos magsampa ito ng kaso laban sa AGB Nielsen Media Research sa hindi nito pagsunod sa hiniling na imbestigasyon hinggil sa umano'y pandaraya ng datos ng kanilang TV ratings. Kasalukuyang nakabinbin pa sa korte ang kaso taliwas sa sinabi ng GMA na ito’y naresolba na. Hindi partido sa naturang kaso ang GMA.



                             TABLE 5. TOP 30 PROGRAMS IN 2011 (NATIONAL HOMES)


0 comments:

Post a Comment