ABS-CBN, Naghakot ng Pinakamaraming Parangal sa 2012 Gandingan Awards
By Night Owl on 11:42 PM
Filed Under:
Panalo ang ABS-CBN ng pinakaraming awards sa “Gandingan: The UPLB Isko’t Iska’s Broadcast Choice Award” kabilang na Most Development-Oriented TV Award at ang Best FM Station para sa Tambayan 101.9.
Kung bibilangin ang mga nawaging awards, masasabing mas marami ang naniniwala sa ABS-CBN kumpara sa ibang TV networks.
Itinanghal na Best Morning Show ang “Umagang Kay Ganda,” Best Documentary Program ang “Patrol ng Pilipino,” at Best Educational Program ang "Matanglawin."
Hinirang namang Best News Anchors sina Karen Davila, Julius Babao at Ces Orena-Drilon para sa “Bandila”; Best Morning Show host ang mga anchor ng “Umagang Kay Ganda”; Best Documentarist si Karen Davila; at Best Public Service Program Host sina Bernadette Sembrano at Alvin Elchico para sa “Salamat Dok”.
Iginawad naman sa flagship primetime newscast ng ABS-CBN na “TV Patrol” ang Hall of Fame para sa Best News Program.
Pinarangalang Gandingan ng Edukasyon at Gandingan ng Kalikasan si Kuya Kim para sa mga adbokasiya nito sa edukasyon at kalikasan.
Best Development-Oriented Talk Show ng inuwi ng “The Bottomline with Boy Abunda” at “Best Development-Oriented Talk Show Host” naman ang kay Boy Abunda.
Kabilang din sa mga pinanalunan ng ABS-CBN ang Gandingan ng Pinilakang-Tabing special award. Ang “Us Girls” ng Studio 23 ang tumanggap ng special citation na Best Women-Oriented Program, at ang mga host nitong sina Angel Aquino, Chesca Garcia-Kramer at Iya Villana ang hinirang Best Women-Oriented Program Host.
Ang programa naman ng ABS-CBN Regional Group na “Mag-TV na Amiga: Outstanding Farmers” ang pinarangalan ng Gandingan for Best Livelihood-Oriented Program.
Si Ted Failon ang ginawarang Best AM Announcer award at ang DZMM host na si Carl Bali ta ang nakatanggap ng Gandingan ng Kabuhayan Special Award. Ang programang “Dos por Dos” naman ang itinanghal na Most Development-Oriented AM Program.
Wagi naman Si DJ Jasmin naman ng Tambayan 101.9 bilang Best Disc Jock at ang programa nitong “Dear Jasmin” ang tumanggap ng Most Development-Oriented FM Program award.
Sa kabuuan, nag-uwi ng 14 na gantimpala ang ABS-CBN, kumpara sa anim na award na nakuha ng GMA. Tatlong award ang nakuha ng DZMM 630, samantalang isa ang natanggap ng DZBB. Tatlong award naman ang iginawad sa Tambayan 101.9, at walang naiuwi ang Barangay LS.
Nakadagdag din sa tagumpay ng ABS-CBN ang dalawang award na nakuha ng subsidiary nitong Studio 23.
Ang Gandingan Awards ang taunang awards program ng UP Community Broadcaster’s Society sa University of the Philippines Los Baños (UPLB). Mahigit isang libong estudyante ng UPLB ang bumoboto taun-taon ng mga programa at personalidad na nagtataguyod ng mga isyu para sa kaunlaran.
Tweet
Share

Subscribe to:
Post Comments (Atom)

0 comments for this post