Tuesday, January 31, 2012

Aiza, Muling Paiibigin ang Sambayanan

Muli na naman paiibigin ni Asian Acoustic Sensation na si Aiza ang kanyang fans sa paglabas ng pinakabago niyang album mula sa Star Records na may titulong, “Songs from the Vault,” tampok ang 13 kantang tiyak maghi-hit sa mga Pinoy na hopeless romantic.

Bahagi ng album ang tatlong awiting sinulat mismo ni Aiza, ang “Tanging ikaw,” “Wala Ka Na,” at “Sana Di Lang Puro Sana.”

Ayon kay sa singer-songwriter, mula sa iba't ibang tao at hindi malilimutang karanasan ang pinagmulan ng kanyang mga kanta. Aniya, "Inspirasyon ko ang pag-ibig, pagkabigo, galit, sakit, at maging deadlines. Pinakamasarap sa proseso ng pagsusulat ay 'yung sunod-sunod lang ang dating ng mga linya na sakto sa gusto mong maiparating sa mga makikinig.”

Mapakikinggan rin sa album ang 10 revival songs kabilang ang “Walang Sayang,” “Persistent Rain,” “Sa’yo Lamang,” “Sukob Na,” “Miss You Like Crazy,” “When You Wish Upon a Star,” “Someone’s Waiting for You,” “Runaway,” “My Heart Will Go On,” at “Mahagkan Kang Muli” ni Nyoy Volante.

Mula nang i-launch bilang recording artist ng Star Records, sunod-sunod na tagumpay ang nakamit ni Aiza. Bukod sa pagiging certified gold at platinum artist ng bansa, nakapaglabas na rin ito ng isang live album at dalawang album sa Asya.

Damahin ang sarap at sakit ng pag-ibig at makisabay sa mga awitin ni Aiza. Huwag nang magpahuli at bumili na ng iyong kopya ng “Songs From The Vault” album sa inyong mga paboritong record bars sa buong bansa. Maaari ring ma-download ang mga kanta sa internet. Mag-log on lamang sa www.starrecords.ph.

0 comments:

Post a Comment