Sunday, January 15, 2012

Alitan nina Maria at Sabrina Lalong Lumalalim sa 'Maria la del Barrio'

May mga masasaktan at may mga iiwan sa bagong lingo ng “Maria la del Barrio.” Matapos ang matinding sagutan sa pagitan ni Maria (Erich Gonzales) at Sabrina (Jewel Mische), desidido na ang asawa ni Luis (Enchong Dee) na pabagsakin si Maria kahit madamay pa ang kanilang kumpanya. Ano pa nga kaya ang kayang gawin ni Sabrina lalo na sa sandaling malaman niyang hindi siya kailanman minahal ni Luis? Samantala, sa unti-unting paglinaw ng ala-ala ni Maria sa gabi ng kanyang panganganak, lumabas na kaya ang katotohanang ang nawawala niyang anak ay ang batang matagal nang kinakalinga ng mga Dela Vega? Abangan ang lalo pang tumitinding mga tagpo sa “Maria la del Barrio,” gabi-gabi, pagkatapos ng “Reputasyon” sa ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag log on sa www.abs-cbn.com o sundan ang abscbndotcom sa Twitter.

0 comments:

Post a Comment