Nagtrend ang hashtag na #CJonTrial sa Twitter Philippines sa pagbubukas ng impeachment trial ni Chief Justice Renato Corona ngayon Lunes (Jan 16). Patunay ito na mas maraming Pilipino ang nakatutok sa impeachment coverage ng ANC na “Chief Justice on Trial”. Sa coverage ng impeachment, inihahahatid ng mamamahayag na sina Karen Davila at Tony Velasquez ang mga mahahalagang balita. Nakakapanayam din nila ang isang grupo ng mga legal expert ukol sa kaso. Walang tigil na pag-uulat naman mula sa Senado ang ihahatid ng beteranong political reporter na si Lynda Jumilla at impeachment expert na si Atty. Adel Tamano, Tutukan ang “Chief Justice on Trial, the ANC Coverage” sa ANC (SkyCable ch. 27). Bukod sa live na simulcast sa Studio 23 at TFC at live streaming sa abs-cbnNEWS.com, naghahatid din ang ANC ng pinakasariwang update sa pamamagitan ng Twitter account na @ANCALERTS (#CJonTrial) at ANC 24/7 sa Facebook.








0 comments:
Post a Comment