Matapos ang matagal na paghihintay at paghahanapan, nagkita na nga sa wakas ang dating magkasintahang sina Angelito (JM De Guzman) at Rosalie (Charee Pineda) sa mas gumaganda at tinututukang serye sa hapon, ang “Angelito: Batang Ama.” Sa tulong ng private investigator na kinuha ni Andrew (Tom Rodriguez), natunton na ni Rosalie ang kanyang mag-ama. Isang madamdaming pagkikita nga ang pagsasaluhan ng pamilya sa mismong eskwelahan ni Jun-Jun (Joshen Bernardo). Sa kanilang muling pagkikita, muli ring malilito ang mga nag-aalab na puso nila. Bagamat may nararamdaman pa rin sa isa’t isa, may mga taong naghihintay at umaasa na sa pagmamahal nila— si Andrew kay Rosalie at si Jenny (Kaye Abad) kay Angelito. Tuluyan na kayang mabuo muli ang pamilya nina Angelito, Rosalie, at Jun-jun? Walang bibitiw sa pinag-uusapang serye tuwing hapon, ang “Angelito: Batang Ama,” 3:30 PM pagkatapos ng “Heartstrings” sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN. Sundan ang Twitter sa @Batang_Ama, Facebook (www.facebook.com/AngelitoBatangAma), at YouTube (www.youtube.com/AngelitoBatangAma). I-tweet na ang inyong mga opinion, saloobin, at suhestiyon gamit ang hashtag na #AngelitoBatangAma.








0 comments:
Post a Comment