Aalamin ng multi-awarded broadcast journalist na si Anthony Taberna kung ano na ang kinahantungan ng mga pinakamalalaking expose na isiniwalat sa “XXX” ngayong taon, kabilang na ang pagpuslit mula sa kulungan ng dating Batangas Governor Tony Leviste. Mapapanood ito sa Lunes (Jan 2), 9:15 p.m.
Bibisitahin muli ng Golden Screen TV Awards Outstanding Crime/Investigative Program Host na si Anthony ang mga kasong gumulantang sa lipunan, kabila na ang pagmamaltratong natanggap ng isang lola mula sa sarili nitong pamilya nang ipiit ito sa kulungan ng aso.
Bibigyang pugay naman ni Pinky ang matatapang na mga indibidwal na dumulog sa “XXX” para ibahagi ang nalalamang mga anomalya at iregularidad. Bibigyang pagkilala naman ni Julius ang mga kawani ng gobyerno o “actionmen” na nagsilbing katuwang ng programa sa pagbibigay ng tulong at aksyong-solusyon.
Ang “XXX” ay nakapagsiwalat na ng maraming katiwalian sa lipunan, kaya naman wagi ito bilang Outstanding Crime/Investigative Program sa Golden Screen TV Awards at Best Public Service Program naman sa KBP Golden Dove Awards.
Pakatutukan ang espesyal na episode ng “XXX” na ito ngayong Lunes (Jan 2) pagkatapos ng “Bandila” sa ABS-CBN. Mapapanood din ito sa DZMM TeleRadyo sa parehong araw sa ganap na 9:15 PM.








0 comments:
Post a Comment