Sinimulan na ng award-winning na mamamahayag na si Bernadette Sembrano ang pag-uulat ng mga pinakamahahalagang balita sa loob at labas ng bansa sa “Top Story” sa ANC. Kasama niya ang beteranong broadcaster na si Tony Velasquez sa paghahatid ng mga pinakamaiinit at pinag-uusapang mga istorya. Sa unang araw ni Bernadette, kabilang sa mga mahahalagang istoryang iniulat ng programa ay ang mga kaganapan sa impeachment trial ni Chief Justice Renato Corona. Alamin ang mga pinakamalalaking istorya sa “Top Story,” Lunes hanggang Biyernes, 5 p.m. sa ANC (SkyCable ch. 27).








0 comments:
Post a Comment