Binoe, Muling Sasabak sa 'TODA Max' na Aksyon

By Night Owl on 7:57 PM

Filed Under:

Sa kabila ng pagsabak niya sa iba’t ibang genre tulad ng comedy sa telebisyon at pelikula, hindi kailanman iiwan ni Robin Padilla ang pagiging action superstar. Sa katunayan, muling siyang sasabak sa umaatikabong action scene ngayong Sabado sa “TODA Max.”

Ani Robin, markado na sa kanyang pagkatao ang paggawa ng mga maaksyong eksena. Patunay ng kanyang pagmamahal sa kanyang kinagisnang gawin ang peklat na kanyang tinamo noon habang nagshu-shoot ng isang blasting scene para sa isang proyekto.

Kaya naman pangako ni Binoe sa mga tagahanga, hangga’t siya’y malakas, maliksi at artista pa, patuloy pa rin siyang matutunghayan sa mga mapangahas at maaksyong eksena.

Samantala, tuloy pa rin ang bangayan ng mag-pinsan na si Tol (Robin) at Justin (Vhong Navarro) dulot ng isang hindi pagkakaunawan kung saan sangkot si Isabel (Angel Locsin). Pakiramdam naman nitong si Lady G (Pokwang), siya ang pinag-aawayan ng mag-pinsan. Paano kung humantong sa hiwalayan nina Justin at Isabel ang nasabing alitan?

Sa kasagsagan naman ng mga problemang kinakaharap niya, masinop na nag-iimpok ng pera si Tol sa kanyang garapon. Ngunit ‘nung ide-deposito na niya sana ito sa bangko, may magtatangkang umagaw nito sa kanya. Sa tagpong ito, matutunghayan ang isang maaksyong eksenang handog ni Tol.

Mabuo pa kaya ang masayang samahan sa Beverly Gil’s? Tunghayan ang “TODA Max,” pagkatapos ng “Maalaala Mo Kaya” sa ABS-CBN. Para sa mga updates, mag-logon sa http://twitter.com/abscbndotcom.


Share

0 comments for this post

Post a Comment


Your Ad Here

Starmometer on Facebook