Hook na hook talaga ang madlang people sa mga inspiring story ni Budoy. Talk of the town ito kahit saan—mapa-carinderia, opisina, MRT, LRT, terminal ng tricylcle o maging sa faculty rooms ng mga teacher.
Sey nga ng isang public school teacher na nakausap ko, nakakatulong ang teleseryeng “Budoy” sa paghikayat nila sa mga estudyante nila na mag-aral nang mabuti. Kuwento niya, “Dahil sa pagiging simple ni Budoy at galing sa hirap, nakaka-relate sa kanya ang students ko. Nai-inspire rin sila dahil ngayong mas matalino na si Budoy, hindi na siya maaapi ng kahit na sino.”
Pansin nga namin, kahit na may mga bagong teleserye ang ABS-CBN, hinding-hindi nagpapahuli sa ratings ang “Budoy.” In fact, sa latest national TV ratings data ng Kantar Media, humataw ito sa 29.3% national TV rating na tinalo nang wagas ang katapat na “Legacy” ng GMA na nakakuha lamang ng 16.8%.
Actually, mula pa man nang magsimula ang teleserye noong October last year, tutok na ang sambayanan sa bawat linyang ipapauso ng karakter ni Gerald Anderson at sa mga bagong rebelasyong pasasabugin ng mga sinusubaybayang karakter nito tulad nina Luisa (ZsaZsa Padilla), Elena (Janice de Belen), Anton (Tirso Cruz III), Grace (Mylene Dizon), BJ (Enrique Gil) at Jackie (Jessy Mendiola). Patunay dito ang pagiging top 6 sa “Top 30 programs in 2011” ng Kantar Media, kung saan kalinya nito ang iba pang Kapamilya teleseryeng nagsimula nang mas maaga keysa sa Budoy, kabilang ang “Mara Clara,” “100 Days to Heaven,” Mutya,” at “Minsan Lang Kita Iibigin.”
Patuloy na tutukan ang mga pagbabagong tiyak na hinding-hindi inaasahang mangyayari sa “Budoy” pagkatapos ng “Ikaw ay Pag-ibig” sa Primetime Bida ng ABS-CBN. Para sa karagdagang impormasyon, mag-log on sa www.budoy.tv, sundan ang @budoy_tv sa Twitter, at i-“like” ang www.facebook.com/budoy.tv.








0 comments:
Post a Comment