Thursday, January 19, 2012

Celebrity Running Coach Rio dela Cruz, Tampok Ngayong Sabado sa 'The Bottomline with Boy Abunda'

Pag-asa at inspirasyon ang ibabahagi ngayong Sabado (Enero 21) ng “The Bottomline with Boy Abunda” tampok ang champion runner, coach at marathon organizer na si Rio dela Cruz.

Alamin ang simpleng pinagmulan ng celebrity running coach at kung paano niya binago ang takbo ng buhay niya at ng kanyang pamilya ng likas niyang husay sa pagtakbo. Anong mga pagsubok ang nilagpasan niya upang marating ang tagumpay na tinatamasa niya sa ngayon? Anong mga hindi niya malilimutang karanasan kasama ang mga 'estudyante' niyang sikat gaya nina Fernando Zobel de Ayala, Marcia Gokongwei, Piolo Pascual, at Karen Davila? May mga pagkakataon bang nai-insecure siya kahit ngayong sikat na siya?

Kasama ang ‘Asia’s King of Talk’ na si Boy Abunda, tuklasin ang rags-to-riches story at sikreto sa tagumpay ng career at business ni Coach Rio ngayong Sabado ng gabi, 11:30pm, sa Asian TV Awards’ Best Talk Show for 2011 na “The Bottomline with Boy Abunda,” pagkatapos ng “Banana Split” sa ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on lamang sa www.abs-cbn.como sundan and abscbndotcom sa Twitter.