Hindi maikakaila ang pagkahumaling ng mga Pinoy sa mga pampaswerte at pantaboy ng malas, partikular na ang sistemang Feng shui ng mga Tsino na tinatangkilik ng mga Pilipino lalo na sa pagsisimula ng taon. Ngunit ano nga ba ang pinagmulan ng mga tradisyong ito?
Ngayong Martes (Jan 24) sa “Patrol ng Pilipino,” samahan si Gretchen Malalad sa pagbati ng ‘Kiong Hee Huat Tsai’ sa ating mga kababayang Tsino na magdiriwang ng Chinese New Year bukas (Jan 23). Alamin ang kahulugan para sa kanila ng pagdiriwang nito, pati na ang mga tradisyunal na paraan mula sa preparasyon ng pagkain at salu-salo ng pamilya, mga paputok, ang dragon dance, at pagibisita sa templo.
Babalikan ni Gretchen ang kasaysayan at tutuklasin kung paano unti-unti nitong naimpluwensyahan ang kulturang Pilipino mula sa pagdating ng mga Tsinong mangangalakal sa bansa noong 982 AD hanggang sa pagtulak sa kanila ng mga Espanyol na mananakop sa Binondo.
Sa kabila naman ng pagdiriwang na ito, kasalukuyang umuusad sa Senado ang impeachment trial laban kay Chief Justice Renato Corona. Samahan si Ryan Chua sa kanyang pag-uulat sa mga pangyayari sa loob at labas ng Senado habang nagaganap ang makasaysayang paglilitis at tunghayan kung paano nga ba naghahanda ang mga kasama niyang mamamahayag sa pagbabalita nito.
Alamin ang kwento sa likod ng mga balita ngayong Martes (Jan 24) sa “Patrol ng Pilipino” pagkatapos ng “Bandila” sa ABS-CBN o sa mas maagang pag-ere nito sa DZMM TeleRadyo (SKyCable Channel 26), 9:15 PM.







0 comments:
Post a Comment