Mapa-tunay na buhay man o maging sa kanilang top-rating teleseryeng “Reputasyon,” hindi na mapaghiwalay ang magkarelasyong sina Cristine Reyes at Rayver Cruz. Ngunit kung sa tunay na buhay ay nagsasaya sila sa kanilang bakasyon sa Amerika, dumaraan naman sa matinding pagsubok ang kanilang mga karakter sa Kapamilya Gold drama series.
Matapos magpakasal, desidido na si Henry (Rayver) na aminin ang nagawang krimen at harapin ang anumang kaparusahan para dito. Matanggap kaya ni Catherine (Aiko Melendez) ang desisyon ng kapatid o gagawa muli ito ng paraan upang iligtas ito? Samantala, ngayong alam na ni Agnes (Cristine) na si Catherine ang tunay na may sala sa pagkamatay ni Gov. Villamayor (Emilio Garcia), papairalin kaya niya ang galit upang muling makaganti o hihilumin na ng pagmamahalan nila ni Rayver ang lahat ng sama ng loob sa kanyang puso?
Tutukan ang mga mas kaabang-abang na tagpo sa Kapamilya Gold teleseryeng, “Reputasyon,” bago ang ‘Maria la del Barrio’ sa ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com at sundan ang @abscbndotcom sa Twitter.








0 comments:
Post a Comment