Thursday, January 19, 2012

DZMM, Nangunguna sa Pag-uulat ng Corona Impeachment Trial

Tuluy-tuloy at walang patid na coverage ang hatid ng DZMM Radyo Patrol 630 at DZMM TeleRadyo sa umuusad na impeachment trial kay Chief Justice Renato Corona sa “Chief Justice Renato Corona: Ang Paglilitis, The DZMM Special Coverage.”

Simula noong Lunes (Jan 16), nakatutok ang buong puwersa ng DZMM sa mga mahahalagang pangyayari ng kaso, na mapapakinggan din sa live audio streaming nito sa dzmm.com.ph.

Mula sa DZMM Studio, ihahatid ng mga batikang anchor gaya nila Julius Babao, Karen Davila, Vic De Leon-Lima, Gerry Baja, at Anthony Taberna ang mga pinakamainit na balita habang nagaganap ang impeachment trial, samantalang iuulat naman nina Radyo Patrol Ruby Tayag, Jon Ibanez at Alex Calda mula mismo sa Senado ang mga pinakamahahalagang pangyayari sa makasaysayang paglilitis, mula Lunes hanggang Huwebes.

Tutukan ang “Chief Justice Renato Corona: Ang Paglilitis, The DZMM Special Coverage” sa DZMM Radyo Patrol 630, sa DZMM TeleRadyo (SkyCable channel 26) at sa libreng audio streaming at regular na updates sa www.dzmm.com.ph sa @DZMMTeleRadyo sa Twitter.

0 comments:

Post a Comment