Thursday, January 19, 2012

'E-Boy,' Malapit Nang Makilala sa Primetime Bida ng ABS-CBN


Malapit nang magbukas ang pinakabagong Primetime Bida teleserye ng ABS-CBN, ang "E-Boy,” na pagbibidahan ng MMFF 2011 Best Child Performer na si Bugoy Cariño.

Tuklasin sa “E-Boy” ang nakaaantig na kuwento ng isang batang robot na binigyan ng mga katangian ng isang tao na nang lumaon ay nagtulak sa kanyang hangaring maging isang tunay na bata. Ngunit sa kanyang paglalakbay at sa pamamagitan ng kanyang mga karanasan, malalaman niyang ang pagiging tao ay hindi lamang nasusukat sa pagkakaroon ng laman at dugo, kundi ito ay ‘buhay’ na binibigyang kahulugan ng pamilya, pagkakaibigan at tunay na pagmamahal.

Makakasama ni Bugoy sa “E-Boy” ang mga premyadong bituin na sina Ariel Rivera, Jomari Yllana, Agot Isidro, Valerie Concepcion, Jaime Fabregas, Chinggoy Alonzo, at Pen Medina. Tampok rin sa bagong teleserye sina Blythe Gorostiza, Arjo Atazde, Carme Sanchez, Akiko Solon, Bryan Santos, at ang mga child stars na sila Maliksi Morales at Deydey Amansec.

Mula sa mga naghatid ng mga hit teleseryeng "Lobo" at "Imortal," ang "E-Boy" ay sa ilalim ng direksyon nina FM Reyes at Nick Olanka.

Tuklasin sa “E-Boy” ang kuwentong magpapatunay na kahit hindi tao puwedeng magmahal nang totoo, sa Enero 30 (Lunes), pagkatapos ng “TV Patrol” sa Primetime Bida ng ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on lamang sa www.abs-cbn.com o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter