Sunday, January 8, 2012

'Gameday with Boom Gonzalez' Patuloy ang Pamamayagpag sa Primetime

Ang Balls (Skycable Channel 34), ang tahanan ng pinakamalalaking sporting events sa mundo, ay patuloy na maghahatid ng mga pinakabagong balita sa mundo ng sports sa pamamagitan ng flagship sports news daily nito na GAMEDAY with Boom Gonzalez, na mapapanood Lunes hanggang Biyernes, 8:30 p.m.

Tennis, golf, football, basketball, UFC, o anumang sports, tiyak ibinibigay ito ng sports authority sa bansa. May mga special features din, “Play of the Day” at maging reaksyon ng viewers sa mga sporting events na nagpapasigla sa 30-minutong gabi-gabing sportscast ng GAMEDAY.

Kasama ang batikang sportscaster, collegiate game announcer at radio jock na si Boom Gonzales, patuloy na sinasakop ng GAMEDAY ang daily primetime block ng cable TV. Sa paghahandog nito ng pinakamainit na balitang sports mula iba’t ibang panig ng mundo, hindi mapagkakailang mapupunan ng GAMEDAY ang pangangailangan ng mga kababayan nating sports enthusiast.

“I’m really passionate about it. I’m happy that with GAMEDAY’s daily offering, people can always get fresh updates on the most recent happenings in sports,” ani Gonzalez.

Araw-arawin ang panonood ng GAMEDAY, Lunes hanggang Biyernes, 8:30 p.m. sa tahanan ng pinakamalalaking sporting events sa mundo, ang Balls.

Ang Balls (Skycable 34) ay available sa SkyCable Platinum, SkyCable Gold, SkyCable Silver at iba pang quality cable operators sa bansa. Para sa mga updates, i-follow ang Balls sa facebook.com/BallsChannel.