Thursday, January 26, 2012

'Happy Yipee Yehey' Magtatapos Na

Ang “Happy Yipee Yehey” (HYY) ay magtatapos, kasabay ng grand finals ng "My Girl" na gaganapin sa AFP Theater sa Sabado, February 4, 2012

Lubos na nagpapasalamat ang ABS-CBN sa lahat ng hosts at production staff ng HYY para sa kanilang hard work at kontribusyon sa pagbibigay ng isang "happy, yipee, yehey" experience sa mga manonood sa loob ng isang taon.

Taos puso na pasalamat din ang aming ipinapaabot sa mga manonood dito sa Pilipinas at sa labas ng bansa sa pamamagitan ng The Filipino Channel (TFC) sa buong mundo para sa suportang ibinigay nila sa programa.

Ang HYY hosts ay bibigyan ng mga bagong proyektong na patuloy na magbibigay kasiyahan sa mga manonood.

--Bong Osorio, Head of ABS-CBN Corporate Communications

0 comments:

Post a Comment