Happy Yipee Yehey, Tuloy-Tuloy ang Pagbibigay-Saya

By Night Owl on 7:36 PM

Filed Under:

Tuluy-tuloy ang kasiyahang handog ng “Happy Yipee Yehey” (HYY), lalo’t ngayong Sabado, de-kalibreng performances ang handog hindi lamang ng mga host, kung hindi maging ng mga guest.

Espesyal ang pagtatanghal ng HYY dahil mga Primetime Bida at Kapamilya Gold stars na sina Bugoy Cariño, Agot Isidro at Ariel Rivera ng “Eboy,” Empress at Nikki Gil ng “Mundo Man Ay Magunaw,” at JM de Guzman ng “Angelito” ang magpapasiklab.

May isang kapana-panabik na number din ang handog ng HYY host na si Matteo Guidicelli at si Xian Lim, para sa kanilang pelikulang “My Cactus Heart,” kung saan kasama nila si Maja Salvador. Si Xian din ang uupo at kikilatis kung babae nga ba o hindi ang mga kalahok sa “Who’s That Girl.”

Sina Randy Santiago, John Estrada at Rico J Puno ay may jamming din upang ipaabot ang taus-pusong pasasalamat sa mga sumuporta sa HYY sa loob ng halos isang taon. Magbibigay-inspirasyon din sa pamamagitan ng kanilang awitin ang Prince of Pop na si Erik Santos at bandang Callalily.

Sa pagpapatuloy naman ng “Feeling Genius,” ang defending champion na si Keanna Reeves naman ay makikipagtagisan kay Mahal. Manatili pa kaya ang titulo sa dating “Pinoy Big Brother” grand winner, o tuluyan na kaya itong agawin ng bulilit sa kanya?

Walang patid ang kasiyahan na handog ng pinaka-masayang kabarkada sa tanghali. Huwag palampasin ang “Happy Yipee Yehey!” mula Lunes hanggang Sabado, pagkatapos ng “Showtime” sa ABS-CBN.


Share

0 comments for this post

Post a Comment


Your Ad Here

Starmometer on Facebook