Thursday, January 5, 2012

Hulaan ang Kinabukasan sa 'Wansapanataym' Ngayong Sabado

Tuturuan ng “Wansapanataym” ngayong Sabado (Enero 7) ang mga bata at pusong-bata na matapang na harapin ang kinabukasan, maganda man ito o hindi. Tampok sa ‘Gising na Omar’ episode ang kuwento ni Omar (Dale Baldillo), ang batang pinagkalooban ng isang mahiwagang gamit na may kakayahang alamin ang mga bagay na magaganap pa lamang. Biyaya ba o isang sumpa ang malaman ang lahat ng mga mangyayari pa lamang? Bahagi ng episode sina CJ Navato, Richard Quan, at Ina Feleo. Ito ay sa ilalim ng direksyon ni Jon ‘Spongky’ Villarin at panulat ni Cris Lim. Huwag palampasin ang “Wansapanataym” ngayong Sabado ng gabi pagkatapos ng “TV Patrol Weekend” sa ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter.

0 comments:

Post a Comment