Tuesday, January 24, 2012

'Ikaw ay Pag-ibig' Mag-iiwan ng Mabuting Aral sa mga Manonood Hanggang Katapusan

Patuloy na tutukan ang huling linggo ng top-rating Primetime Bida teleseryeng “Ikaw ay Pag-ibig,” tampok ang huling pagsubok na pagdaraanan ng mga karakter na apat na ‘child wonders’ ng ABS-CBN na sina Zaijian Jaranilla, Xyriel Manabat, Mutya Orquia at Louise Abuel. Sa mga buhay na pinag-ugnay ng isang sanggol, ito rin kaya ang maging daan para muli silang mabuo? Tapos na nga ba ang misyon ng mga bata kay 'Baby Rafa?' Ano ang mananaig sa katapusan--katarungan o kapatawaran? Tuklasin ang tunay na kahulugan ng pagbibigayan, pagmamahalan, at pamilya sa pagtatapos ng kuwentong punong-puno ng pag-ibig, "Ikaw ay Pag-ibig," gabi-gabi sa Primetime Bida ng ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com, sundan ang @IkawayPagibig sa Twitter, o i-‘like’ ang http://www.facebook.com/IkawayPagibig.

0 comments:

Post a Comment