Ikinakandadong mga Empleyado, Sasagipin ni Pinky Webb

By Night Owl on 8:32 PM

Filed Under:

Tila mga ordinaryong manggagawa sila sa umaga pero pagsapit ng gabi sila ay mala-presong ikinakandado at ikinukulong ng sariling amo.

Samahan si Pinky Webb sa kanyang pagsagip sa tatlong kababaihang minamaltrato sa isang water refilling station sa Cubao ngayong Lunes (Jan 30) sa “XXX.”

Dagdag pa ng tipster, hindi lang ang tatlong babae ang dapat ayudahan dahil may mga menor de edad din daw na namamasukan dito.

Habang tinutugis ni Pinky ang malupit na employer, iimbestigahan naman ni Anthony Taberna ang inirereklamong pagtatapon ng water waste ng isang kumpanya sa Malabon. Sa loob ng sampung taon, tiniis nila ang nakakasulasok na amoy at sa kabila ng isinampa nilang reklamo sa kinauukulan ay nanatili itong hindi naaksyunan.

Samantala, tututukan naman ni Julius Babao ang kaso ng isang ginang na ninakawan ng mismong kakilala sa kanyang bahay. Tinatayang aabot sa P100,000 na halaga ng alahas ang natangay at ibinenta sa isang buyer na kakilala pala ng ginang. Ano kaya ang mangyayari sa paghaharap nila?

Ang "XXX" ay hinirang din na Best Public Service Program ng Golden Dove Awards noong nakaraang taon para sa "Lola Lourdes" episode kung saan nakunan nila sa bidyo ang pagkulong ng isang lola ng kanilang kapamilya sa isang kulungan ng aso at paano ito minamaltrato. Ang "XXX" din ang nakatiktik sa paglabas-masok ni dating Batangas Governor Antonio Leviste na naging malaking balita noong 2011.

Pakatutukan ang "XXX" ngayong Lunes (Jan 30) pagkatapos ng Bandila¨sa ABS-CBN. Mapapanood din ito sa DZMM TeleRadyo (SkyCable ch 26) sa parehong araw sa ganap na 9:15 PM.


Share

0 comments for this post

Post a Comment


Your Ad Here

Starmometer on Facebook