Sandaling huminto ang oras ng mga madlang people na naglalakad sa kalsada ng Metro Manila ng dumaan ang pinag-uusapang “It’s Showtime” Unkabogable Party Party Bus kahapon kung saan nakasakay at kumpleto ang hosts ng pinakabagong noontime show ng ABS-CBN na magsisimula na ngayong Lunes (Feb 6).
Nagtungo nga sina Vhong Navarro, Anne Curtis, Vice Ganda, Billy Crawford, Karylle, Kim Atienza, Jugs, at Teddy kasama rin ang mga dating “Showtime” hurados na ngayo'y hosts na na sina Jhong Hilario, Ryan Bang, at Coleen Garcia, sa Brgy. Santolan sa Pasig City at sa Brgy. Nangka sa Marikina City kung saan naghandog sila ng maikling programa at namigay ng t-shirts, pamaypay, stickers, at baller IDs.
Napakainit ng pagtanggap ng madlang people sa mga nasabing barangay at talagang tiniis nila ang init ng araw makita lang ang paborito nilang "It’s Showtime" hosts.
Hindi naman sila nabigo dahil game na game na bumati at nagpasaya ang mga ito at tulad nila, ininda rin ang init ng panahon habang nasa ibabaw ng Unkabogable Party Party bus. Maging mga kawad ng kuryente at overpass ay paulit ulit inilagan at niyukuan ng hosts para lang makaabot sa dalawang destinasyon.
Pagkatapos sa mga barangay ay binaybay din nila ang kahabaan ng Commonwealth papuntang EDSA Monumento na siya namang ikinagulat ng mga taong nadaanan ng bus. Muli, namudmod ng espesyal na "It's Showtime" items ang hosts habang live na naririnig ng madlang people ang kanilang kulitan.
Sa kanilang pagbabalik sa ABS-CBN compound, mainit naman silang sinalubong ng Kapamilya employees habang winawagayway ang mga "It's Showtime" flaglet.
Naging matagumpay nga ang pag-iikot ng “It’s Showtime” Unkabogable Party Party Bus at gumawa rin ng ingay sa online world ng mag-trend ito sa Twitter worldwide.
Ano nga kaya ang dapat abangan sa bagong handog na ito ng Kapamilya Network? Pakaabangan ang pinakabagong noontime show ng ABS-CBN na “It’s Showtime” simula Lunes (Feb 6) sa ABS-CBN.
Tweet
Share
Subscribe to:
Post Comments (Atom)





















3 comments for this post
ANG saya talaga ng mga h0st ng #showtime v:> hahahaY! :>> lab q showtimee
The footwear is one of our most popular and is pretty hard to get a hold of in many sizes right now. (For more info...http://www.aussiesoles.com )
Tingin ko mas marami pa rin nagagawa ang Eat Bulaga!