John at Bianca, Patutunayang 'Height Doesn't Matter' Pagdating sa Love

By Night Owl on 10:06 PM

Filed Under: , ,

Kiligin at matutong magmahal nang totoo ngayong Sabado (Enero 28) sa "Wansapanataym" episode na pagbibidahan nina John Prats at Bianca Manalo. Sa kuwentong pinamagatang "Mini Mimi," kilalanin ang childhood sweethearts na sina Mimi (Bianca) at Paul (John) na nagsumpaang magmamahalan anuman ang mangyari. Ngunit nang magdalaga na si Mimi na naging mas matangkad na sa kababata, bigla itong nagbago at lumayo. Ito kaya ang dahilan kung kaya't kinarma siya at pinaliit na parang duwende? Kasama nina John at Bianca sa 'Mini Mimi' episode sina Jojit Lorenzo, Perla Bautista, Abby Bautista, Hideo Muraoka, at Dexie Daulat. Ito ay isinulat ni Joel Mercado at idinirek ni Jerome Pobocan. Huwag palampasin ang 2011 Catholic Mass Media Awards’ Best Children and Youth Program, “Wansapanataym,” ngayong Sabado ng gabi pagkatapos ng “TV Patrol Weekend” sa ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter.


Share

0 comments for this post

Post a Comment


Your Ad Here

Starmometer on Facebook