Joya at Jessica, Evicted Na sa Bahay ni Kuya!

By Night Owl on 3:20 PM

Filed Under:

Unang nalagas sa Top 14 ng “Pinoy Big Brother Unlimited” ang housemates na sina Joya at Jessica. Nakakuha si Joya ng pinakamababang porsiyento ng mga boto sa eviction night noong Sabado (Jan 28) habang pinatawan naman si Jessica ng forced eviction ni Big Brother kagabi (Jan 29).

Nanaig ang kapwa nominees ni Joya na sina Divine, na nakakuha ng pinakamataas na porsiyento ng mga boto (64.47%), Wendy (16.01%) at Carlo (12.50%). Nakalikom lamang si Joya ng 7.03% ng mga boto.

Hindi inaasahan ang pagpapalayas kay Jessica kagabi na siyang ikaapat na housemate ng kasulukuyang PBB season na pinatawan ng forced eviction. Kahit na aminado nung una na gusto pa ring manatili sa loob ng bahay, naging matamlay at malungkot ito nung nakaraang linggo at ipinahayag na rin ang kagustuhang lumabas na sa outside world.

Nakalabas ng bahay si Jessica kagabi pagkatapos niyang makumpleto ang tatlong tasks – ang mag-spraypaint ng ekis sa litrato niya, sa litrato ni Wendy na pinili niya bilang housemate na walang katangiang maging Big Winner, at ng mga katagang “I QUIT” sa salamin sa may banyo.

Noong eviction night nga ay binuweltahan ni Kuya ang housemates dahil sa pagkabigo ng mga ito sa Kontra Battle na ‘Ratahuli,’ kung saan nakitaan sila ng kawalan ng determinasyon na manghuli ng mga pesteng daga.

Dismayado umano si Kuya sa season na ito na para sa kanya ay “marahil ang edisyon na walang Big Night at walang mapipiling Big Winner.” Sa pagkawala nina Joya at Jessica, anu-anong mahihirap na pagsubok pa kaya ang haharapin ng housemates sa “The Big Road Trip” sa linggong ito?

Huwag bibitiw at subaybayan ang mga pangyayari sa loob ng Bahay ni Kuya araw-araw sa “Pinoy Big Brother UnliDay” kasama si Bianca Gonzalez sa Kapamilya Gold pagkatapos ng “Angelito: Batang Ama” at gabi-gabi sa “Pinoy Big Brother UnliNight” kasama si Toni Gonzaga pagkatapos ng “Walang Hanggan” sa Primetime Bida. Patuloy pa ring tutukan ang “PBB Unlimited Updates” ni Robi Domingo tuwing “Angelito: Batang Ama” at “E-Boy” sa ABS-CBN.

Alamin ang mga pinakabagong kaganapan sa Bahay ni Kuya at sundan ang kanyang Secretary sa @OfficialPBB4 sa Twitter o i-like ang www.facebook.com/OfficialPinoyBigBrother.


Share

0 comments for this post

Post a Comment


Your Ad Here

Starmometer on Facebook