Thursday, January 19, 2012

Julia, Kontrabida na sa Buhay ni Kathryn sa 'Growing Up?'

Lalo nang lumalim ang hidwaan ng mga karakter nina Kathryn Bernardo at Julia Montes sa “Growing Up” matapos kapwa silang magbitaw ng mga paratang laban sa isa’t-isa. Ngayong darating na Linggo (Enero 22), panahon na nga kaya para magkalimutan ang dating mag-best friends na sina Tammy (Julia) at Ella (Kathryn) lalo na at ikakasal na ang kanilang mga magulang?

Alamin ang mga desisyong babago sa buhay ng "Growing Up" barkada ngayong Linggo ng hapon, pagkatapos ng “ASAP Rocks” sa ABS-CBN.

Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.growingup.tv o sundan ang abscbndotcom sa Twitter.