Kaawa-awang Kondisyon ng mga Korte, Isisiwalat ni Henry sa 'Krusada'

By Night Owl on 7:51 AM

Filed Under:

Marami umanong mga napondohan ngunit hindi naitayong korte sa ilalim ng pamumuno ng ngayong nasasakdal na si Chief Justice Renato Corona, na inaakusahang hindi ginamit nang wasto ang bilyun-bilyong pondo para sa reporma sa hudikatura.

Ngayong Huwebes (Feb 2) sa “Krusada,” ibubunyag ni Henry Omaga-Diaz ang miserableng kalagayan ng mga korte sa bansa – mga lumang gusali, kisameng natutuklap, at sira-sirang kabinet at bintana.

Bukod pa sa pagsisiksikan ng mga partido, abugado at saksi, napag-alaman ni Henry na nakikihati din ang mga hukom sa mga korte ng isa’t isa na nakapagpapabagal pa ng pagdinig at pagdesisyon sa mga kaso.

Naninindigan si Henry na mas mapapatatag ang pagtitiwala ng taumbayan sa hudikatura kapag nagkaroon ang bansa ng mas maaayos na mga gusali, istratehiyong lugar, at karespe-respetong kapaligiran para rito.

“Anuman ang maging desisyon ng senator-judges sa magiging kapalaran ni Chief Justice Corona, sana ay maging daan ito para maitulak ang ating krusada para sa reporma sa ating hudikatura na magbibigay sa bawat mamamayan ng nararapat na katarungan,” saad ni Henry.

Dahil ang tunay na paninindigan ay hindi puro salita lamang, makinig at makiisa sa kampanya ni Henry ngayong Huwebes (Feb 2) sa “Krusada” pagkatapos ng “Bandila” sa ABS-CBN o sa mas maagang pag-ere nito sa DZMM TeleRadyo (SkyCable Channel 26), 9:15 PM.


Share

0 comments for this post

Post a Comment


Your Ad Here

Starmometer on Facebook