'Lumayo Ka Man sa Akin,' Wagi sa National TV Ratings

By Night Owl on 11:27 PM

Filed Under: ,

Mainit ang naging pagtanggap ng mga manonood sa muling pagbubukas sa mga pahina ng pag-ibig hatid ng “Precious Hearts Romances presents Lumayo Ka Man sa Akin” na kinatatampukan nina Jason Abalos, Patrick Garcia, at Maja Salvador.

Panalo ang Lumayo sa TV ratings mula ito ay nag-umpisang umere. Pumalo ito sa national TV rating na 10.5% noong Lunes (Jan 23) kumpara sa 8.1% ng kalabang network. Pagsapit naman ng Martes (Jan 24) ay bahagya itong tumaas sa rating na 11.4% kontra 9.4% ng GMA.

Talaga namang napakapit agad ang mga manonood sa masalimuot na buhay pamilya ni Janine (Maja Salvador) at sa umiinit naman nitong buhay pag-ibig sa piling ng mapapangasawang si Matthew (Patrick Garcia) at matipuno’t makisig na bagong kakilala na si Jake (Jason Abalos).

Patuloy ngang kinikilala ng dalaga ang hindi niya nakagisnang ina na si Consuelo (Ina Raymundo) na hindi naman maiwasang maging magaan agad ang loob sa kanya. Sa kabila ng kanyang nais na malaman ng ina ang katotohanan, minabuti niya munang ilihim ang lahat lalo pa’t mayroong maayos at masayang pamilya ng naipundar si Consuelo.

Samantala, kung nalilito ang kanyang utak sa dapat gawin, lilituhin naman ni Jake ang kanyang puso. Lagi man naiirita sa isa’t isa tila ang mga katawan nila ay kusang naglalapit sa kanila. Ano ang patutunguhan ng atraksyong namumuo sa dalawa? Madarang kaya si Janine sa tukso at tuluyang magtaksil kay Matthew (Patrick Garcia)?

Pakatutukan ang teleseryeng nagpapalagablab sa inyong mga hapon, ang “Precious Hearts Romances presents Lumayo Ka Man Sa Akin,” pagkatapos ng “Pinoy Big Brother Unliday” sa lalo pang tumitingkad na Kapamilya Gold ng ABS-CBN. Sundan ang official twitter account ng programa sa http://www.twitter.com/officialPHR o i-like ang official Facebook page nito na http://www.facebook.com/lumayokaman.


Share

0 comments for this post

Post a Comment


Your Ad Here

Starmometer on Facebook