Maging Cinema One Originals Award-Winning Filmmaker Ngayong 2012, Ipasa na ang Entries Hanggang Pebrero 8

By Night Owl on 3:38 PM

Filed Under:

Extended ang submission! Muling inaanyayahan ng Cinema One, ang numero-unong cable channel sa bansa, ang mga papausbong at maging mga beteranong filmmakers at screenplay writers na mag-submit ng entries para sa taunang Cinema One Originals Festival hanggang Pebrero 8, 2012 (Miyerkules). Sampung entries ang ipro-produce ngayong taon. Tatlong entries, na siyang pinaka-mabenta ang konsepto, ang bibigyan ng P2-milyon production budget bawat isa, habang pito naman ang bibigyan ng P1 milyon. Ang nais lumahok ay kailangang sagutan at lagdaab ang entry form at mag-submit ng full narrative feature screenplay at sequence outline ng pelikula, curriculum vitae ng filmmaker, deskripsyon ng production team at portfolio ng filmmaker ng kanyang mga nakalipas na proyekto (DVD format). Maaring isumite ang entries sa Cinema One Office, 8th Floor Eugenio Lopez Jr. Communicatio Center, ABS-CBN Compound, Mother Ignacia Ave., Quezon City, 1103, Philippines. Para i-download ang entry form, mag-logon sa www.facebook.com/pages/Cinema-One-Originals/193194883486.


Share

0 comments for this post

Post a Comment


Your Ad Here

Starmometer on Facebook