Matapos ang matagumpay na engrandeng pagsalubong ng "ASAP 2012" sa Chinese New Year noong nakaraang linggo sa Quirino Grandstand na dinagsa ng libo-libong fans, panibagong kasiyahan na naman ang hatid nila ngayong Linggo (Enero 29) tampok ang mga hindi mapapantayang production numbers, biritan, at hatawan na pangungunahan ng ASAP Kapamilya mainstays na sina Gary Valenciano, ZsaZsa Padilla, Sarah Geronimo, Billy Crawford, Luis Manzano, KC Concepcion, Kim Chiu, at Gerald Anderson.
Tiyak na mas ikaliligaya ng lahat ang episode ngayong Linggo dahil siksik ito ng mga bonggang sorpresa gaya ng 'SOS' segment ni Sarah; collaboration ng Pinoy rock icon na si Bamboo at Pinoy Pride na si Arnel Pineda; concert treat ni Yeng Constantino; bagong single ni Jed Madela; at hindi malilimutang pag-awit nina Angeline Quinto, Karylle, Christian Bautista, Erik Santos, at ASAP Sessionistas.
Magdadagdag kasiyahan rin sa ASAP concert stage ang production numbers nina Lea Salonga at John Lloyd Cruz; cast ng “Mundo Man Ay Magunaw” sa pangunguna nina Nikki Gil at Empress; cast ng "Oka2Kat;" at maging ng bida ng “E-Boy” na si Bugoy Cariño. May madamdaming 'sendoff' ring alay para sa ASAP Kampamilya na si Sam Milby.
Samantala, paliliyabin naman ang dance floor sa paghataw ng ASAP Supahdancers na sina Maja Salvador, Rayver Cruz, Gab Valenciano, Iya Villania, Enchong Dee, Enrique Gil, Jessy Mendiola, at Sam Concepcion.
Huwag ring palampasin ang pagpapakilala sa pinakabagong Kapamilya star na tiyak iibigin ng sambayanan.
Makisaya kasama ang mga naglalakihang bituin ng 2011 PMPC Star Awards Best Musical Variety Show at Golden Screen Awards 2011’s Outstanding Musical Program na “ASAP 2012” ngayong Linggo, 12:15nn, sa ABS-CBN. Para sa updates, pictures at tsansang maka-hang out nang live ang stars ng ASAP Chill-Out, bumisita lamang sa http://asap.abs-cbn.com/sundan ang @ASAPOFFICIAL sa Twitter, o i-‘like’ ang http://facebook.com/asapofficial.
Tweet
Share
Subscribe to:
Post Comments (Atom)


























0 comments for this post