Sunday, January 1, 2012

Most Requested Korean Loveteam, Matutunghayan na sa 'Heartstrings'



Paano kapag si classical musician na lolo's girl ay nakilala si rakistang heartthrob? Sintunado man ang kanilang pinagsamang musika, maging maganda kaya ang himig kapag puso na ang ginamit nila?

Pakiligin ang inyong hapon at salubungin ang bagong taon sa pag-uumpisa ng chart topping Koreanovela na hitik sa musika at kilig, ang "Heartstrings" na nagsimulang ipalabas sa ABS-CBN kahapon (2 Jan 2012).
Tampok sa naturang series ang pinakahihintay at much requested na tambalan sa Korea nina Park Shin Hye at Jum Yong Hwa ng "He's Beautiful."

Kilalanin si Nicole, apo ng isang tanyag na traditional musician na kumuha ng kursong traditional Korean instruments sa isang university para maisakatuparan ang pangarap sa kanya ng kanyang lolo na maging isang traditional musician tulad niya. Dito niya makakatagpo si Kevin, isang campus heartthrob at tinitiliang bokalista ng rock band na The Stupid.

Unang magkikita ang dalawa sa concert ng banda at simula pa lang ay mainit na ang dugo nila sa isa't isa. Ang kanilang inisan ay mauuwi sa isang pustahan kung saan magtutuos sina Kevin at Nicole sa pamamagitan ng pagpapamalas ng kanilang musika magkaibang musika.

Sino kaya ang magwawagi? Sa pagsasama ng kanilang himig, mabuo kaya ang pag-ibig?
Tunghayan ang "Heartstrings," Lunes hanggang Biyernes, 2:30 PM, pagkatapos ng "Happy Yipee Yehey" sa lalo pang tumitingkad na Kapamilya Gold ng ABS-CBN.