Mapapanood sa ABS-CBN ang bakbakan ng pound-for-pound champ na si Nonito “The Filipino Flash” Donaire at ng dating title-holder na si Wilfredo Vazquez Jr. para sa WBO junior featherweight title sa Linggo (Feb 5), 10:00 a.m. sa isang doubleheader sa San Antonio, Texas, USA. .
Ang co-main event ng doubleheader na pinamagatang “Welcome to the Future” ay ang laban naman para sa WBO middleweight ng mga Meksikanong boksingerong sina Julio Cesar Chavez Jr. at Marco Antonio Rubio.
Sa salpukang Donaire-Chavez, aakyat ang three-division champ na si Donaire (27-1-0 18 KOs) sa 122-pound class kung saan dating kampeyon ang mas batang kalaban.
Hinablot ng Puerto Rican na si Vazquez ang titulo noong 2010 nang patumbahin nito ang tubong-General Santos na si Marvin Sonsona. Ngunit noong 2011, nawala sa kanya ang kampeyonato nang talunin siya ng Meksikanong si Jorge Arce.
Ngayong bakante na ang titulo sa paglipat ni Arce ng ibang weight division, susubuking mabawi ni Vazquez ang korona, ngunit isa rin itong pagkakataon para kay Donaire upang madagdagan ang mga iniipong titulo.
Samantala, itataya naman ng WBO middleweight champion na si Julio Cesar Chavez Jr. (44-0-1 31 KOs) ang kanyang titulo sa paghaharap nila ni Marco Antonio Rubio (53-5-1 46 KOs).
Hindi pa nakakatikim ng pagkatalo si Chavez, na anak ng Meksikanong boxing legend na si Julio Cesar Chavez Sr., samantalang dalawang taon na ring nananalo ang challenger nitong si Rubio. Ipapalabas ang title fight ng dalawa sa Studio 23, 1:00 p.m.
Huwag palalampasin ang bakbakang Donaire-Vazquez sa ABS-CBN sa Linggo (Feb 5), 10:15 a.m. at salpukang Chavez-Rubio sa Studio 23 sa parehong araw, 1:00 p.m.. Mapapanood ang primetime telecast ng mga laban sa Studio 23, 6:00 p.m.
Photo Credit: Top Rank
Tweet
Share

Subscribe to:
Post Comments (Atom)

0 comments for this post