Hindi pa man ganap na nasisimulan ang kiligan sa pagitan nina Migoy at Tere sa ”Angelito: Batang Ama” ay damang dama na nga ang suporta ng fans nina Sam Concepcion at Devon Seron matapos mag-trend ang SamVon sa dalawang magkasunod na araw sa Twitter Philippines. Ang SamVon ay pinagsamang pangalan ni Sam at Devon at siya ring tawag sa kanilang mga taga-suporta. Talaga namang sabik na sabik na silang makita kung ano ang mamumuo sa pagitan ni Migoy at Tere sa patok na afternoon serye. Ano nga ba ang magiging papel ni Migoy sa buhay ni Tere at nina Angelito?
Walang bibitiw sa pinag-uusapang serye tuwing hapon, ang “Angelito: Batang Ama,” 3:15 PM pagkatapos ng “Happy Yipee Yehey” sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN. Sundan ang Twitter sa @Batang_Ama, Facebook (www.facebook.com/AngelitoBatangAma), at YouTube (www.youtube.com/AngelitoBatangAma). I-tweet na ang inyong mga opinion, saloobin, at suhestiyon gamit ang hashtag na #AngelitoBatangAma.







.jpg)

.jpg)

.jpg)
.jpg)

0 comments:
Post a Comment