Talagang malayo na ang narating ng “Showtime” mula sa pagiging isang talent show. Napauso nito ang mga salita at mga pakulo na bahagi na ng araw-araw ng mga Pilipino, napagsama-sama ang mga gustong magpasikat at lumaban sa talent show, at pinasaya ang mga manonood.
Dahil sa programa, mas napalapit sa masa ang hosts na sina Anne Curtis, Vhong Navarro, Vice Ganda, ‘Kuya’ Kim Atienza, Billy Crawford, Karylle, Jugs Jugueta, at Teddy Corpuz at ang mga hinahangaang artista, negosyante, modelo at atleta na nagsilbing hurado sa napasikat na ‘sample’ segment, kung saan talagang bigay-todo sa pagpapakitang gilas mapa-artista man o ordinaryong tao para magbigay-aliw sa ‘madlang people’ sa studio at mga tahanan.
Patunay rin ng kasikatan ng talent-variety program ay ang pagpapauso nito ng mga salitang ‘madlang people’ at ‘unkabogable.’ Sa katunayan, mistulang pabrika ito ng mga hirit, gaya na lamang ng ‘may nagtext,’ ‘madlang people,’ ‘unkabogable,’ ‘party-party,’ ‘Baliwag University’ at pati na ang terms na ‘waley’ at ‘havey’ na ginagamit na karamihan sa pakikipag-usap.
Marami na ring naimbentong gimik ang “Showtime” na hindi lang ikinagalak ng mga manonood kung hindi ay tumatak pa sa kanila gaya ng mga pakulong ‘face dance,’ ‘nose-to-nose,’ ‘take your shirt off’ at ‘word of the day’ segment na sinabayan, ikinatuwa, at tinilian ng buong bayan.
Sa kabila ng tagumpay nito, ang tunay na inaabangan ng mga manonood araw-araw sa “Showtime” ay ang halakhakan, mga hirit, at pakikipagkulitan nina Anne, Vhong, Vice, Billy, Kuya Kim, Karylle, Jugs at Teddy sa studio audience at contestants. Bukod pa riyan, naipakita rin ni Anne sa programa ang pagiging jologs at kalog lalo na sa kwelang opening chant niya.
Sa nakalipas na apat na seasons, inilunsad nito ang karera ng dance groups na XB Gensan, ang kampeon ng Season 1, Laoag City Gymnastics Group ng Season 2, True Colors ng Season 3, at Astig Pinoy ng Season 4 na hindi lamang nag-uwi ng karangalan at gantimpala para sa kanilang mga barangay ngunit nagbunsod din ng pagkakaisa at damayan sa mga ito.
Hangga’t nariyan ang entablado ng “Showtime,” hindi mauubusan ng mga nakakaantig na kwento ng pangarap at pag-asa ng mga taong nagtitiyaga makamit lamang ang kanilang pangarap. Ika nga, ‘it’s your show, it’s your time,’ kaya ikaw ang bida rito. Para sa walang patid na saya, manood ng “Showtime” Lunes hanggang Biyernes tuwing umaga pagkatapos ng “Kris TV” at pagakatapos ng “Three Brothers” tuwing Sabado sa ABS-CBN.
Tweet
Share

Subscribe to:
Post Comments (Atom)

0 comments for this post