Isa mula sa Team High Voltage members at eviction nominees na sina Carlo, Divine, Joya, at Wendy ang papauwiin ng taumbayan sa ikapitong eviction night ng “Pinoy Big Brother Unlimited” ngayong Sabado (Jan 28).
Ngunit para sa ilang ex-housemates na minsan nang nakasama ang nominees para sa linggong ito, nararapat na raw mapauwi sina Wendy at Carlo.
Para sa ex-housemate na si Roy, Naprey, at Ryan na nasaksihan ang kawalan ng determinasyon at pabagu-bago ng desisyon ni Wendy, ang karapat-dapat lamang daw na manatili sa Bahay ay ang mga disididong mamalagi.
Dagdag pa ni Roy, makakatulong kay Wendy ang pagkaka-evict para hindi na raw tuluyang masira ang imahe niya dahil sa pagtitinginan nila ng kapwa housemate na si Carlo.
“Tulong na rin na makaalis siya para hindi na maging masyadong kumplikado ang mga bagay, para mapigilan na pagkasira ng relasyon niya, ng pamilya niya, at ng mismong sarili niya,” sambit ni Roy.
Para naman sa ex-housemates na sina Luz at Erica, hindi raw magandang ehemplo para sa mga manonood, lalo na sa mga kabataan, ang ipinakita nina Carlo at Wendy.
Ani Luz, “Dapat hindi lang nila iniisip na malungkot sa loob, hindi katwiran ‘yun. Dapat managot ka sa lahat ng gagawin mo.”
Dagdag pa ng dating housemate na si Kim, nangibabaw ang kumpetisyon para kay Carlo at naging makasarili ito sa diumano’y pagsasabotahe sa task na sana’y naging daan ng natanggal na si Ryan para makapasok sa top 14.
Tamang panahon na nga ba para lisanin nina Carlo o Wendy ang kumpetisyon, o mas nararapat nang palayasin sina Joya at Divine? Sino ang kulang pa ang napapatunayan sa loob ng Bahay ni Kuya?
Para i-vote to save ang inyong paboritong housemates, i-text lang ang BB(space)NAME OF HOUSEMATE at i-send sa 2331 para sa Globe, Sun Cellular, at TM subscribers, at 231 para sa Smart at Talk N’ Text subscribers. Maaari ring bumoto online sa pinoybigbrother.com.
Huwag bibitiw at subaybayan ang mga pangyayari sa loob ng Bahay ni Kuya araw-araw sa “Pinoy Big Brother UnliDay” kasama si Bianca Gonzalez sa Kapamilya Gold pagkatapos ng “Angelito: Batang Ama” at gabi-gabi sa “Pinoy Big Brother UnliNight” kasama si Toni Gonzaga sa mas pinaaga nitong timeslot pagkatapos ng “Walang Hanggan” sa Primetime Bida. Patuloy pa ring tutukan ang “PBB Unlimited Updates” ni Robi Domingo tuwing “Heartstrings” at “Ikaw ay Pag-ibig” sa ABS-CBN.
Alamin ang mga pinakabagong kaganapan sa Bahay ni Kuya at sundan ang kanyang Secretary sa @OfficialPBB4 sa Twitter o i-like ang www.facebook.com/OfficialPinoyBigBrother.
Tweet
Share

Subscribe to:
Post Comments (Atom)

0 comments for this post