Handan ang 24 na magagandang dilag na maglaban-laban sa pinakamalaki’t pinaghandaang beauty and brains pageant sa telebisyon, ang “My Girl” grand finals na mapapanood ng live ngayong Sabado (Pebrero 4) mula sa AFP Theater.
Makikisaya sa nasabing grand finals ang isa sa pinaka-makisig at maginoong lalaki sa industriya na si Richard Gomez. Haharanahin din ang nagagandang mga dilag ng nag-iisang concert King na si Martin Nievera.
Siyempre, ang mga host ng programa na sina Randy Santiago, John Estrada, Rico J Puno Pokwang, Toni Gonzaga, Bianca Manalo, John Pratts, Matteo Guidicelli, at Bentong, ay may inihanda ring makapigil-hininga at nakakaaliw na mga performances.
Para sa mapalad na magwawagi sa “My Girl,” P1 milyon at isang Star Magic contract ang nag-aantay, habang ang hihirangin naming Texter’s Choice ay mag-uuwi ng isang brand new na kotse mula sa isang sponsor ng programa.
Sino kaya kina Rose Ann de Jesus (Tarlac), Myka de Mesa (Pampanga), Koreen Medina (Quezon City), Jaymie Pagulayan (Isabela), Eileen Gonzales (Cavite), Ryza Quintana (Angeles City), Almira Hazel (Bulacan), Gail Penales (Indang, Cavite), Czarmaine Laoan (La Union), Princess Cahigas (Davao del Norte), Alyssa Encarnacion (Zambales), Lyka dela Cruz (Zambales), Ganiel Krishnan (Manila), Keena Sumido (Biliran), Leila Asaña (Caloocan City), Margo Midwinter (UK), Angelica Alita (Puerto Galera), CJ Bender (Silang, Cavite), Danica Santos (Nueva Ecija), Anne Lohfink, Daphne Tuazon (Pangasinan), Xzania Victa (Antipolo), Gianelli dela Cruz (Meycauayan, Bulacan), at Kimberly Briones (Laguna) ang tatanghaling My Girl grand winner?
Matatandaang bago pa naman sumapit ang grand finals puspusan na ang kanilang paghahanda sa ilalim ng superbisyon ng mga hurado ng “My Girl” na sina Joey Marquez, 2005 Binibing Pilipinas International Lara Quigaman, at modeling at beauty expert na si Jonas Gaffud. Sumailalim din sila sa isang Star Magic workshop na pinangunahan ng direktor Rhyan Ramos.
Ang “My Girl” pageant ay isa sa pinaka-pumatok na segment sa “Happy Yipee Yehey,” tulad ng “Pera O Bayong,” “Ikaw Ang Bida,” “Batang Genius” at “Miss KB, na pageant naman para sa mga kasambahay. Kamakailan lang, umarangkada rin ang mga nakakaaliw na “Who’s That Girl” at “Feeling Genius” segments. Tulad ng “Pera O Bayong,” ilang milyonaryo at jeepney winner ang naitala ng “Susi Ng Kapalaran.”
Tunghayan ang “My Girl” grand finals sa HYY ngayong Pebrero 4, pagkatapos ng “Kapamilya Blockbusters” sa ABS-CBN. Para sa mga updates, i-follow ang HYY sa Twitter, http://twitter.com/#!/hyyofficial.
Tweet
Share


































0 comments for this post