Tatag ng pananampalataya ng viewers ang susubikin ngayong Sabado (Pebrero 4) sa "The Bottomline with Boy Abunda," dahil tampok dito ang mga paniniwala at argumento ng kilalang atheist at 'Filipino Freethinker' na si Red Tani.
Nagmula sa isang konserbatibo’t sagradong Katolikong pamilya, bata pa man si Red ay marami na siyang tanong kaugnay sa relihiyon ang hindi niya mahanap ng kasagutan. Ayon pa kay Red, may mga pagkakataon na kapag siya’y nananalangin ay naiisip niyang wala siyang kausap at wala siyang sagot na natatanggap. Dito unti-unting nabuo ang kanyang paniniwalang, walang Diyos. Nang lumaon ay sumanib siya sa iba’t ibang relihiyon—Hinduism, Islam, Buddhism—lahat ay sinubukan niya para mahanap ang tinatawag na Diyos pero wala siyang nakitang kongkretong ebidensya na meron nga.
Ano ang reaksyon ng kanyang mga magulang, pamilya at kamag-anak sa kanyang pagiging atheist? Ano ba ang sinusulong o pinaniniwalaan ng mga atheist na gaya niya? Paano sila makukumbinse na merong Diyos?
Tuklasin ang buong kuwento ng pagkatao at pagiging atheist ni Red sa Asian TV Awards’ Best Talk Show for 2011 ang “The Bottomline with Boy Abunda,” ngayong Sabado ng gabi, 11:30pm, pagkatapos ng “Banana Split” sa ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on lamang sa www.abs-cbn.com o sundan and abscbndotcom sa Twitter.
Tweet
Share

Subscribe to:
Post Comments (Atom)

0 comments for this post