Thursday, February 2, 2012

'Growing Up' Barkada, Bubuwagin nina Julia at Kathryn?

Dahil sa matinding away sa pagitan ng mga karakter nina Kathryn Bernardo at Julia Montes sa “Growing Up,” apektado na ang buong barkada, maging ang kanilang guro na si Miss Ortega (Maricar Reyes). Lalala pa ba ang hidwaan nina Tammy (Julia) at Ella (Kathryn) sa sandaling malaman nilang lumalala na ang cancer ng coach nilang si Miss Ortega? May pag-asa pa bang maisalba ang pakakaibigan ng dating mag-best friends? Abangan ang mga pangyayari sa “Growing Up” ngayong Linggo (Pebrero 5) ng hapon pagkatapos ng “ASAP 2012” sa ABS-CBN.

Para sa karagdagang impormasyon, mag-log on sa www.growingup.tv o sundan ang @abscndotcom sa Twitter.

0 comments:

Post a Comment