Monday, February 6, 2012

'Growing Up' Barkada nina Kathryn at Julia, Magpapaalam Na

Maggu-goodbye na ngayong Linggo (Pebrero 12) ang top-rating barkada show ng ABS-CBN na "Growing Up," tampok ang huling pagsubok na haharapin ng barkada nang nagkaayos nang sina Ella (Kathryn Bernardo) at Tammy (Julia Montes). Anong tulong ang maipaaabot nila sa mahal nilang guro na nakikipaglaban sa cancer na si Miss Ortega (Maricar Reyes)? Samantala, tunghayan sa final episode ang kahihinatnan ng "Growing Up" love teams na 'EllRick' nina Ella at Patrick (Daniel Padilla); 'JaMmy' nina Jason (Diego Loyzada) at Tammy; 'Casoy' nina Cassie (Yen Santos) at Tikoy (Neil Coleta); at 'Mocha-Vanilla Baby' nina Britney (Kiray Celis) at Winston (EJ Jallorina). Tutukan rin ang huling sorpresa ng programa dahil ipakikita rin ang pa-"grow up" nila matapos ang ilang taon--sino kila Ella, Tammy, Cassie, at Britney ang mabubuntis? Huwag palampasin ang huling ultimate bonding experience ng “Growing Up” barkada ngayong Linggo, pagkatapos ng “ASAP 2012,” sa ABS-CBN. Para sa karagdagang impormasyon, mag-log on sa www.growingup.tv o sundan ang @abscndotcom sa Twitter.