Friday, February 17, 2012

Katapusan na ba ni Johnny Lee?

Mas umiinit pa ang aksyon at mas umaalab pa ang mga damdamin sa lalo pang tumitinding kuwento ng pinaka-astig na Koreanovela sa telebisyon ngayon, ang “City Hunter.” Dahil sa natiktikang tangka na pangdukot kay Seo, mangyayari na ang kinatatakutan ni Johnny at malalagay siya sa alanganin sa mismong kamay pa ng babaeng pinakamamahal niya. Tutugisin nga ni Nana si Johnny bilang city hunter at isang bala ang papakawalan para mapigilan siya. Katapusan na ba ito n Johnny at ng misyon niya? Malalaman na kaya ni Nana ang kanyang lihim na pagkatao?

Pakatutukan ang “City Hunter,” Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng “Pinoy Big Brother Unlinight” sa Primetime Bida ng ABS-CBN.