Matapos ang matagumpay na finale ng top-rating Primetime Bida teleseryeng “Ikaw ay Pag-ibig,” muling mapapanood sa telebisyon ang multi-awarded Kapamilya child wonder na si Zaijan Jaranilla ngayong Sabado (Pebrero 4) sa ‘Water Willy’ episode ng "Wansapanataym. Gagampanan niya ang karakter ni Willy, isang batang mahilig mag-aksaya ng tubig na sa kalaunan ay tuturuan ng leksyon ng isang misteryosang babae tungkol sa kasamaang dulot ng pang-aabuso sa likas na yaman ng kalikasan. Kasama ni Zaijan sa episode sina Lotlot de Leon, Smokey Manoloto, Simon Ibarra, Elaine Quemel, at Lilia Cuntapay. Ito ay isinulat ni Rondel Lindayag at idinirek ni Jon Villarin. Huwag palampasin ang 2011 Catholic Mass Media Awards’ Best Children and Youth Program, “Wansapanataym,” ngayong Sabado ng gabi pagkatapos ng “TV Patrol Weekend” sa ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter.
Tweet
Share
Tweet
Share
Subscribe to:
Post Comments (Atom)











0 comments for this post