Wednesday, April 18, 2012

NAPAPABALITANG KATIWALIAN SA BILIBID, SISIYASATIN NI HENRY SA “KRUSADA”

Bugbog ng kontrobersiya ang New Bilibid Prisons dahil sa sinasabing maanomalyang kontratang ginamit sa rehabilitasyon nito. Maging ang namamahala ritong Bureau of Corrections ay hindi rin ligtas sa batikos dahil itinuturong tiwali ang matataas na opisyal nito.

Bukas (Abril 19) sa "Krusada," iimbestigahan ni Henry Omaga-Diaz ang mga isyung kinasasangkutan ng Bilibid kabilang ang umano'y nakakapanlumong kalagayan ng mga bilanggo at ang kakulangan ng mga guwardiya sa institusyon.

"Kung gusto nating magbago ang buhay ng mga preso, unahin nating baguhin ang mga namumuno rito," ani Henry.

Makinig, makisama, at makiisa sa kampanya ni Henry bukas (Abril 19) sa "Krusada" pagkatapos ng "Bandila" sa ABS-CBN. Maaari rin itong panoorin sa mas maagang pag-ere nito sa DZMM TeleRadyo (SkyCable Channel 26), 9:15 p.m.