Wednesday, May 2, 2012

ABS-CBN NEWS APP, NASA MAS MARAMING MOBILE DEVICE NA

Mas mabilis na makukuha ang pinakasariwang impormasyon at balita gamit ang inyong mga smartphones at tablets dahil puwede nang ma-download nang libre sa mas maraming mobile units ang abs-cbnnews.com application. 

Bukod sa pagkuha ng pinakasariwang balita sa mas pinagkakatiwalaang TV news organization ng ABS-CBN, mas mabilis ding makakapagsumbong o makakapag-report ang mga mamamayan ng mga katiwalian o pangyayari sa kanilang lugar sa pamamagitan ng "Bayan Mo, iPatrol Mo" na kasama sa application sa Android, iOS at Qt Meego devices.

Maaari ring pumili kung aling uri ng balita ang nais matanggap. Mamili sa Recommended, Latest, Nation, Metro, Business, Entertainment, Lifestyle, Sports, at Global Filipino.

May ispesyal na ticker din para sa Breaking News at sa kasalukuyang palitan ng piso sa dolyar.

Kung ikaw ay gumagamit ng Acer, Dell, HTC, LG, Motorola, Nexus, Samsung, at Sony Ericsson touch screen devices na tumatakbo sa Android operating systems o kaya naman ng Iphone, Ipad, o IPod Touch na tumatakbo sa iOS ay maaari mo nang i-download nang libre ang naturang app sa Android Market at Apple App Store.
Kamakailan, maging ang Windows Phone - pati ang Lumia ng Nokia, at mga telepono na may Symbian, Java, at Qt Meego operating system ay makaka-download na rin ng app.

ABS-CBN ang pinakaunang TV network na naglabas ng news application para sa mas maraming operating system. Ibig sabihin nito, mas maraming Pilipino na may smartphones na ang makikinabang, matutulungan, at mananatiling may kaalaman sa nangyayari sa lipunan sa pamamagitan ng paggamit ng abs-cbnnews.comapplication.  

Manatiling konektado sa pinakabagong balita gamit ang abs-cbnnews.com mobile application. Manatili namang konektado online via www.abs-cbnnews.com.